"Did I interrupt anything?" Naparam ang pag-uusap nila ni Noah nang marinig ang boses ni Cadence. Nakatayo na pala ito sa mismong maindoor nang hindi nila namamalayan. Lagi naman itong pumapasok sa eksena. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Cadence sa kanilang dalawa ni Noah. Pareho silang hindi kaagad nakahuma. "Hindi naman. Pumasok ka." Lumapit ito kay Noah at humalik sa pisngi nito. Sinadya pang lagkitan ang halik. Iniinggit ba siya? Nasusuka siya. 'Ang kapal talaga ng Noah na 'to.' Kung makahalik sa kanya noong nakaraan, halos kainin na nang buo ang bibig niya. Nakakainis lang na hindi niya maalis ang titig. "I just have something for your daughter." Kaagad na nalipat kay Cadence ang pansin niya. Sinisikap niyang gawing normal ang ekspresyon. "Can I give this to her? I promised to g

