Kanina pa nakatitig si Noah sa bahay. Nasa Laguna na siya. He was parked here almost two hours ago. Imbes na bumaba dahil nananabik siyang makasama ang kanyang pamilya, nanatili lang siya sa loob ng kotse. Hindi siya umuwi kahapon. Marami siyang inasikaso at inilagay sa tama. Ilagay sa tama ang lahat. Napabuga siya ng hangin at buong bigat na isinandal ang ulo sa headrest at ipinaling ang mukha paharap sa bahay. Iniutos ng utak na bumaba na pero nahihiya siyang harapin si Alina. Tinakasan siya ng lakas na kausapin ito. Sinalakay ng kaba ang dibdib niya isipin pa lang kung ano ang magiging reaksyon nito oras na malaman nito ang totoo. Ang daming bagay na maaaring mangyari. The possibilities were endless. Sa huli, paniguradong masasaktan ito ng lubos. For sure, she will choose to leave h

