Mas marami pa yatang tanong si Noah sa doktor kaysa sa kanya. It helped na kasama ito ngayon dahil relaxed lang siyang nakikinig sa usapan ng dalawa. Ito ang pumapasan ngayon sa bagay na mag-isa lang niyang binabalikat dati. “She’s near her due date. I need to check on her on a weekly basis. She is already on her twentieth weeks and there are still tests that we need to run through, isa na roon ang examination para gestational diabetes. Pwade naman na ngayon, but I don’t wanna burst your bubble. Ang saya mo, Daddy.” May inireseta si Doctor Manalo na additional vitamins para sa kanya. Pinasadahan pa iyon ni Noah na para bang quality control manager ito, saka isinuksok sa bulsa ng back pocket ng slacks. Nabaling ang tingin nito sa kanya. “Wala na bang ibang katanungan ang buntis?” “Wal

