**CHRISTHELLE POV** Sinundan ko ng tingin si Lawrence ng lumabas siya. Bakit siya ganoon? Sabi ni Crystall mahal nila ang isat-isa noon. Nagkamali lang si Crystall noon, ngayon na nandito na si Crystall. Binabaliwala niya? WOw, nagsalita ang hindi. Sabagay magkaiba kami ng sitwasyon. Napailing na lang ako. Tiningnan ko si Alexiah Kasama niya si Kenji. Seryoso ba talaga si Alexiah kay Kenji? Nagpasya akong lumabas, wala rin naman akong makakausap dito mas mabuting mapag isa. Ayoko munang umuwi baka hanapin ako ni Alexiah. Naglakad-lakad ako,hanggang makarating ako sa likod. Umupo ako sa damuhan at humiga. Nakita ko ang liwanag sa kalangitan. Bakit kaya ganito ang buhay ko? Nag iisa. Kahit na may mga kaibigan ako,Iba parin kung may pamilya. Sabi ni sister Mera, natagpuan ako ni nanay

