**CHRISTHELLE POV**
Nagising ako na parang tinutusok ang tiyan ko. Aiiisssh gutom na ako.
Napatingin ako sa oras.Napabalikwas ako ng bangon ng makita kung anong oras na,Its 11;30 am. Kaya pala nagugutom na ako. Bumangon ako at pumasok sa banyo and do my morning rituals. After that, lumabas na ako.
Bakit parang ang tahimik ng bahay, nasaan si Alexiah? Dumeritso ako sa kusina, and I saw some food. Nakita kong may isang note nakalagay sa mesa.
'Im with kenji, I cook you some food for you. I'll be home later'-Alexiah'
Ahhhh oonga pala sinabi na niya kahapon. I sighed. Umupo ako at nagsimulang kumain ng may nag doorbell kaya tumayo ako at tiningnan kong sino. Nagulat pa ako ng mabungaran si Lherry.
"Hi Elley!"Lherry.
"Oh?Lherry,anong meron?"takang tanong ko. Pinapasok ko siya sa loob.
"Pupunta kasi ako sa mall lets hang out together please, with Alexiah."Lherry.
Eh?
"Actually wala dito si Alexiah.."sabi ko. Naglakad ako papunta sa kusina at niligpit ang kinainan ko. Napansin kong sumunod naman si Lherry.
"TAyo na lang namiss ko iyong dati eh.."Lherry.
I smiled
"Okay, magbibihis lang ako saglit."paalam ko.
"Okay!"
Nagbihis ako ng damit saka kami umalis.
Naglalakad kami ni Lherry. Habang panay turo sa dinaraanan namin. Seriously? Ilang taon ba siyang di nakapunta sa mall?
"Lherry?"
Sabay kaming napatingin sa tumawag kay Lherry and we saw a girl smiling at us.She's familiar.
"Ate Crystall!"Lherry.
Crystall?
Tiningnan ko siya ng mabuti. May naramdaman akong kakaiba na tela, ang gaan ng loob ko sa kanya. Hindi agad ako nakakibo ng makalapit na siya sa amin ni Lherry.
"Sino kasama mo Ate Crystall."Tanong ni Lherry dito.
"Ako lang, may binili lang ako sa Bookstore. Kayo? Nagsho-shoping ba kayo?"Crystall. Tumingin siya sa akin.
Doon naalala ko siya.Siya iyong nakilala ko sa CR kahapon at siya din yong ex- ni Lawrence.
"Elley right ? "Crystall.
"Ahh yeah, nice to see you again.."nakangiti kong sabi.
"Magkakilala kayo?"
"Nagkita kami kahapon sa may CR haha"Crystall.
The way she talk. The way she smile.
The way she laughed. Feeling ko, namiss ko siya nang subra. Ano bang nangyayari sa akin? Sa pagkakaalam ko. Ngayon lang kami nagkita ni Crystall. Hays,
"Sama ka na lang sa amin ate!"Lherry.
"Are you sure?"sabi niya at tumingin sa akin.
"Yeah."
"Okay,"
Samama na nga siya sa amin. Pumasok kami sa isang Botique at namili ng mga dress. After mamili ng damit,unang nagsukat si Lherry at Crystall. Tatlo lang ang dressing room at occupied na iyong isa. May napansin pa akong lalaki na nakaupo, habang nagbabasa ng magazine. Mayamaya bumukas iyong isang dressing room at lumabas ang isang maputing babae. She's beautiful.
"Hon, look at this?"
Rinig kong sabi niya doon sa lalaki. Napansin kong binaba niya ang binabasa niyang magazine at tiningnan iyong girl. Mag asawa kaya sila? Mukha kasing masyadong bata pa iyong girl.
"It's fine, beautiful "
I froze in a moment. Familiar iyong boses niya. Kaya napatingin ako sa kinaroroonan nito.
S-si Harryd.
"Hey girl, look at this? What do you think."napatingin agad ako kay Lherry nakalabas na siya at inikot ang suot niyang blue coctail dress. Kasunod niya si Crystall na nakasuot ng Red Dress. She's hot.
I smiled.
"Bagay saiyo,Maganda."sabi ko.
"Talag---"
"Lherry?"
Sabay kaming tatlo na napatingin sa tumawag kay Lherry. Nakita kong nakatingin na siya sa amin pati iyong kasama niya.
"Kuya? Oh Mailley,"Lherry.
Tumaas ang kilay noong babaeng si Mailley At sinamaan niya ako ng tingin.Hala! Sa itsura niya ngayon para na siyang si chakadoll or killerdoll pero pamilyar siya sa akin.
"Oh? Look who's here? May kasama pala kayong, Gold digger.."sabi no'ng Mailley.
Hindi siya nakatingin sa akin kundi kay Crystal.
Hindi siya kumibo sa sinabi nito.
"Tssss look who's talking.Lets go, nakaamoy ako ng malansang hipon dito"Lherry.
Hinila niya kaming dalawa, bago lumabas. Pero nagtataka ako hindi kami nagbayad at isa pa dala ko pa ang hawak kong dress.
"Sandali Lherry, hindi pa tayo nakapagbayad. "Sabi ko.
"Nah! Hayaan mo na kami may ari ng mall na ito at botique ni ate Crystall ang pinasukan natin."Lherry.
Napatango na lang ako at Umalis na lang kami ng tuluyan doon saka naglibot pa.
"Ayoko talaga sa mailley-parot nayon."Lherry.
Napahinto tuloy ako sa pagsubo ko at napatingin kay Lherry. Nandito na kaming tatlo sa isang Italian restaurant. Nilibre nila ako kaya no need to pay Hehehe, pero wait.
"Iyong kasama ni Harryd?"tanong ko.
Ngayon ko lang kasi nakita iyong kasama ni Harryd kanina,pero familiar siya.
"Yup, Si Mailley-parot.Ayoko talaga sa kanya. Mabait lang siya pagkasama niya si kuya pero pagwala ang sungit niya sa akin.."Lherry.
Bumaling ako kay Crystall na tumango lang.
"Hindi siya katulad ni kuya Lawrence na mabait, Tsss"Lherry.
"Lawrence?"taka kong tanong at napatingin sa kanilang dalawa.
"Kapatid ni Mailley si Lawrence "Crystal.
Magkapatid sila? Ibig sabihin,
"Mommy nila si Mrs.lorena..?"tanong ko.
Tuluyan na akong napahinto ng tumango silang dalawa.
Bakit sila pa? Bakit ang mga Chan pa?
"Kung di lang namatay si Sue, hindi sana si Mailley ang fiancee ni kuya. Ayoko talaga sa kanya."Lherry sabay kagat sa burger.
Nawalan ako ng gana sa mga nalaman ko. Mukhang may alam din si Crystall sa pamilyang chan. Pero bakit pakiramdam ko ang gaan ng loob ko sa mga ito. Lalo na sa chairman.
**ALEXIAH POV**
"Oy! Salamat dito ah? Ang ganda talaga,buti at binigay mo sa akin."tuwang-tuwa kong sabi habang tinitingnan ang painting ko.
Lunch na kaya heto kami sa terrace kumakain.Napansin kong ngumiti siya.
"Noong una kasi kitang makita, di na maalis sa isip ko ang mukha mo kaya naisipan kung iguhit ka at balang araw maibibigay ko iyan saiyo. Kaya masaya ako at nagustuhan mo."Kenji.
DUG DUG DUG.
Agad akong umiwas ng tingin dahil sa sinabi niya Gosssh talagang nagawa niya ito?
"Xiah, alam kong mabilis pero gusto ko lang sabihin na, pwedi ba akong Manligaw saiyo?" Kenji.
May biglang bumara sa lalamunan ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon sa akin.Nanlamig ako ng hawakan niya ang kamay ko.
"Hindi kita pipilitin, pero hayaan mo sanang iparamdam ko saiyo na gusto kita.."Kenji.
Napalunok ako. What im going to do?
Pero, Hmmmm napangiti ako at tiningnan siya.
"Okay papaYag ako."sagot ko na siyang nagpalawak ng ngiti niya.
Matapos naming kumain,inaya niya ako umupo sa gilid ng terrece kong saan tanaw namin ang lawak ng paligid.
"Gaano mo na katagal naging kaibigan si Christhelle."tanong niya.
Gaano ko nga ba ka tagal naging kaibigan si Christhelle?
"Well, since we are both kid.We both orphan..."simula ko.
Napangiti ako ng maalala ko ang unang araw ko sa orphanage.
**FLASSBACK**
Iyak ako ng iyak. Iyan lang ang ginagawa ko,sa harap ko pinatay ang magulang ko at ako lang ang naiwan.Hindi ko alam ang gagawin ko at lalong di ko alam kung saan ako pupunta.
May kumuha sa aking isang babae,im still 8 yrs old Nandito kami sa parang malaking bahay.
"Sister mera,kayo na po bahala sa batang ito.."sabi noong babaeng nagdala sa akin.
"okay,halika,"
Hinawakan niya ang kamay ko At dinala sa loob.Pagpasok namin nakita.ko ang ilang batang mas bata sa akin.May mas matanda din sa akin,Babae at lalaki.Pinaupo niya ako sa isang silya. Napatingin ang ilan sa akin kaya napayuko ako at napahigpit ang hawak ko sa bag.May nag abot ng tubig at panyo sa akin.
"Inom ka muna at punasan iyang luha mo.."sabi niya at mabilis tumakbo papunta sa isang pinto at pumasok.Ininum ko ang tubig..
"Anong pangalan mo ija?"sabi noong nagpasok saakin dito.
"A-Alexiah Parker po.."sagot Ko.
Ngumiti sya.
"Ilang taon kana?"
"8.."
"Okay, from now on this is your new home at sila ang magiging kapatid mo. Kids! You have a new sister!"sabi niya.
Ngumiti sila sa akin at kumaway. Nagpakilala sila sa akin isa-isa pero di ko nakita iyong babaeng nagbigay ng tubig sa akin. Kaya hinanap ko siya At nakita ko siya sa itaas ng hagdan. Nang makita niya akong nakatingin,agad siyang umiwas at tumakbo.
----
"Sino po siya, sister Mera.."tanong ko kay sister habang nakatingin sa babaeng nagbigay ng tubig sa akin.
Nasa likod siya ng gardin habang nagtatanim.
"Ahh siya Christhelle."sister Mera.
"Ilang taon na po siya?"tanong ko.
"7 yrs old, mag 8 na siya next month..."
"Bago rin siya dito?"
Natawa siya.
"2 yrs old siya ng makuha ng kapatid ko sa isang dalampasigan. Kaya dinala na rin siya dito. Iyong kapatid ko ang nag alaga sa kanya. Hanggang lumaki siyabpero noong mag aapat na taon siya, namatay ang kapatid ko. Kaya ako na nag aalaga sa kanya
."sister.
Napatingin ako sa kanya.
May lumapit sa kanya na lalaki at,
"Wah Dextin naman eh!"sigaw niya.
"Sino iyon?"turo ko sa lalaking bumasa kay Christhelle, hindi ko siya nakilala eh.
"Ahh si Dexten, siya 'yong laging nang aasar kay Christhelle..."sister.
Tiningnan ko silang dalawa. Nagpaalam si Sister na may gagawin kaya napatingin ulit ako sa kanya. Napansin kong iniwan na siya no'ng Dexten, kaya pinipiga niya ang damit niya na nabasa.
Naglakad ako at kumuha ng towel saka ko siya nilapitan.
"Heto oh?"napatingin agad siya sa akin At sa inaabot kong towel.
"T-thanks."kinuha niya iyon at tinapis sa kanya.
"A-ahm, can we be friends?"sabi ko.
Tumingin siya sa akin.Saka ngumiti.
"Sure. "
--End Flassback..*--
"Naging magkaibigan kami noon,we treat each other like a true sister. Kung dati binubully siya ni Dextin. Kami na ang bumubully sa kanya,hanggang sa mag 11 yrs old kami may dumating na mag asawa upang mamili kong sino ang aampunin At napili ako. Ayaw ko noon kaso pinagpilitan ako ni Elley. Sabi nya magkikita pa naman kami kaya ayon pumayag naman ako. Lagi ko siyang binibisita maging si Dextin At 'yon na ang huli naming pagkikita dahil pumunta na kaming china.."kwento ko.
Bumaling ako sa kanya Na tahimik lang. Napansin niyang nakatingin ako sa kanya.
" Kailan ulit kayo nagkita?"tanong niya.
Natigilan ako at napabuntong hininga.
"2yrs ago, After kong makatapos ng 4rth year noon. Umuwi kami ng parents ko, isa si Christelle sa hinanap ko At doon kami pumunta sa orphanage kung saan kami naging magkaibigang tatlo. Doon nalaman kong nasa maynila siya, nag aaral ng highschool at sabi ni sister. Gusto na raw magsarili si elley nong mag 14 years old siya kaya pumayag sila.Hinanap ko sa maynila si Elley kaso bigo ako. Hindi namin siya nahanap, kaya lagi nalang akong pumupunta sa orphanage And then the day came,we saw her.."bumaling ako sa kanya napansin kong napalunok siya.
Hmmmmm.
"I saw her again,pero ramdam ko ang pagiging tahimik niya. Parang di niya ako kilala And then i found out that she have an anmesia."I lied.
Dahil noong nakita ko siya ulit. Para siyang nawalan ng buhay. Bakas ang luha sa mga mata at iyong mgabdamit niya may dugo. Naka hospital gown pa siya. Hindi namin siya makausap noon. Lagi siyang nag iisa at umiiyak. Ilang araw siyang ganoon bago niya ako makilala. Naawa ako sa kanya. Tinanong ko siya kung anong nangyari sa kanya that time pero wala siyang sinabi. Lagi niyang iniiwasan ang topic na iyon. Hindi ako nag aral agad noon isinama ko siya sa china at doon bumalik siya sa dati. Iyong pagiging masayahin niya. Kaya last two months lang kami nakabalik dito sa pilipinas at sabay na nag aral ngayon.
"At hanggang ngayon,wala siyang maalala. So, i think may alam kayo tungkol sa kanya noon. Ano ba si Elley sa inyo noon?"tanong ko sa kanya.
Napalunok siya at uminom ng tubig.I close my fist. I think he knows something.
"W-well, nakilala namin si Elle noong 3rd year kami. Kaibigan siya ni Lherry At isa sila sa theater art class. Matalino si Christelle. Magaling kumanta at tumugtog. Napakatahimik niya at ni minsan wala kaming nabalitaang may kaaway siya. Dahil mabait siya sa lahat.Scholar din siya ,kaya hindi siya binibitawan ng school dahil isa sya sa student na laging nilalaban noon sa ibang school. Lagi siyang top 1 noon,Pero.."
Napatingin ako sa kanya ng mapansin naikuyom niya ang kamao niya.
"Something happened to her. Nasunog ang bahay na tinitirhan niya at akala namin na kasama siya sa pagkasunog. Kaya nagulat kami ng makita siya ngayon.."Kenji.
Natahimik kaming dalawa. I sighed. Sa tingin ko may alam pa siya na di niya pa kayang sabihin sa akin.
I tap he's shoulder.
"Tell me, Minahal ba ni Harryd si Elley noon..?"tanong ko na ikinangiti nya.