Chapter 3

2336 Words
**CHRISTHELLE POV** Tahimik kaming nakarating sa Condo. Wala kaming imikan ni Xiah. Alam ko marami siyang itatanong, kaya siya tahimik. Nakaupo na kami dito sa mesa at kumakain ng Hapunan. Nagpadeliver lang kami ng pagkain. "Sabi ni ryd magperform tayo ngayong Friday para sa pagdating ng chairman."Sabi ko habang kumakain. "Sinabi din sa akin ni kenji kanina,"sagot nya. **SILENT**.. Haaaist hindi ako sanay sa kanya kapag tahimik. "May itatanong ka?" "May tanong ako." Sabay naming sabi,nagkatinginan kami kaya tumango ako. "Give me one reason kung bakit kailangan mong sabihin sa kanila na nawalan ka ng alaala?"Xiah. Seryoso syang nakatingin sa akin. Napayuko ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung anong isasagot Ko, kusang tumulo ang luha ko Ng sumagot ako.Hinaplos ko ang flat tummy ko. "I lost... my Baby.."sabi ko. **ALEXIAH POV** Matapos kong sabihin iyon. Napayuko sya at nakita kong napaiyak siya. Gaano ba kasakit ang nangyari sa nakaraan niya. Sa twing napag uusapan namin iyon. Umiiyak nalang siya, ano ba talaga ang nangyari sa kanya bago kami ulit nagkita? Napansin kong hinimas niya ang tummy niya At kasunod non ang pagsagot niya Na ikinagulat ko ng subra. "I lost my Baby.."sabi nya. A-Ano? "2 yrs ago before we meet again. Something happen to me between me and the guy i love. T-then after that umalis ako ng walang paalam . One month later, i found out that i am pregnant. Gusto kong sabihin ang kalagayan ko sa kanya pero natatakot akona baka ipagtabuyan nya ako but then after 5 months. Nagpasya akong pumunta sa kanila. I want to tell him that im bearing his child, P-Pero i-iba ang nangyari Xiah."Elley. Hindi ko napansin na habang nakikinig ako.Gaya nya umiiyak na ako. "Iba ang naabutan ko At ang taong iyon ang siyang naging dahilan kung bakit nawala ang baby ko. They wanted to killed me and my baby dahil iyong lalaking pinuntahan ko ay ikakasal na sa anak niya. Ayaw niyang magkaroon ng sabit kaya,kaya halos mamatay ako sa ginawa niya Xiah. She almost kill me and my child. Now ,i lost my baby because of what she did,"umiiyak nyang sabi. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Kaya pala noong nagkita kami. Nasabi ni sister amy na laging umiiyak si Elley tuwing nag iisa siya. Dahil pala sa pagkawala ng baby niya. I swear. Pagsisihan ng mga taong yon ang ginawa nila. Wait , kung ganon anong koneksyon nina Ryd? "Si Ryd ba ang lalaking tinutukoy mo."Bigla kong sabi na ikinabigla nya. Hindi agad siya nakaimik .Pero bigla siyang tumango at napaiyak ulit. Napahigpit ang yakap niya sa akin. May nasabi si Kenji sa akin na may fiancee si Ryd. So, ang babaeng gumawa noon ay ina ng fiancee ni Ryd. Hinaplos ko ang likod niya mayamaya humiwalay na siya sa yakap ko at pinunasan ang luha niya. "Xiah pagkatapos ng foundation iwasan na natin sila,"Elley. I smiled. At pinunasan ang luha nya gamit ang daliri ko. "Kahit bukas agad pwedi.."sabi ko. Babawi ako saiyo Elley sisiguraduhin ko na hindi na sila magkaroon ng chance upang mapalapit saiyo. **LAWRENCE POV** Pumasok kami ni mommy kasama si Mailley sa mansion nina lolo, ang chairman nakarating na sila at sinundo lang sila kanina nina butler Red. Naglakad kami papasok at napansin kong may nakaupong babae sa sofa. Nag angat siya ng tingin na kinabigla ko. "Crystall?"sambit ko. Umiwas siya ng tingin. "What the hell are you doing here?"mommy. "Mom.."pigil ko. Ayaw ni mommy kay Crystall dahil inampon lang siya nina lola. Anak si Crystall sa babaeng inampon din noon nina lola, sa kapagkakaalam ko kaibigan narin iyon ni mom at dad. Hindi ko lang alam kung bakit galit si mommy kay Crystal, kaso namatay na ang ina ni crystal sa plane crash na nangyari 14 yrs ago. Kaya inampon siya nina lolo At mas ayaw ni mommy lalo na nang malamang.,naging kami ni Crystall. Yeah,we love each other. Gusto rin siya nina lolo sa akin at naging mag fiancee kami Pero ayaw ni mommy. Kaso biglang bumaliktad ang mundo. Siya mismo ang bumitaw sa aming dalawa at pinili niya ang kagustuhan nyang maging singer At ngayon vocalist na siya ng banda Na ginawa nila 2 yrs ago. Ang taong ring iniwan niya ako. At after 2 yrs makikita ko ulit siya ngayon. "Tssss, where is the chairman?"mommy. "A-at the library Lady Lorena."sagot niya at yumuko.. Hindi na siya pinansin ni mommy at pumunta na sa library. "Your still a nobody Crystall. I thought lolo throw you somewhere and never comeback again Tssss,Such a golddigger.."Mailley at sumunod kay mommy. I sighed. Nakatingin parin ako sa kanya habang sya nakayuko.. "Welcome back.." I said and left her. Pumasok ako sa library pagkatapos kong sabihin yun sa kanya. Naabutan ko silang nagtatalo. "Bakit nandito pa siya dad.."mommy. "Why? Wala akong nakikitang mali, kung bakit nandito siya."lolo Lerio. "We talk already about her lorena, so dont ask like that why she's here."lola Maireen. Padabog siyang umupo sa upuan. Naglakad ako patungo kina lola at humalik. "Im glad to see apo."Lola. "Me too, Lola.." "So, hows the foundation's going Lorena..?"lola Maireen. "Tssss, its fine and we prepared for the presentation of the students. For the foundation kaya ngayong friday na gaganapin kasabay ng pagdalo niyo.."Mommy. "Good." "Excuse me, i just go upstairs.."paalam ko. ALAm kong marami silang pag uusapan about business and im not interested about that thing. Siguro pag uusapan din nila ang pag kakaisa ng mga Lhacoste at Chan. Mag m-merge na ang bawat kompanya kapag nakasal na si Mailley at Harryd. I sighed. Alam ko namang hindi mahal ni Harryd ang kapatid ko Pero wala siyang magagawa. Dahil noon paman napagkasunduan na ng mga parents namin, na ang panganay na anak ng mga lhacoste at chan ay itatakdang ikasal. Si Harryd ang panganay sa mga lhacoste,kaso ako ang panganay ng mga Chan. Kaya iyong pangalawang anak ng Chan ang ipapakasal kay Harryd ang kasunod ko ang kapatid kong babae. Hindi si Mailley , bunso si Mailley at tatlo kaming magkakapatid at higit sa lahat. Hindi dugong Chan si Mailley. Dahil anak siya sa pangalawang asawa ni mommy. Nakakalito ba? Ganito kasi iyon. Isang anak na lalaki lang ang anak nina lola Maireen at lolo Lerio. At 'yun ay si Leo Rence Chan, Ang daddy ko. Asawa niya si Lorena Perez-Chan, My mom. Magkabigan na noon pa sina Mommy, tita Lezzy (ryd mom), tito Miguel (mom's new husband). Kaya pinangako nila na ang magiging panganay na anak nila ang itatakdang ikasal. Ako ang panganay sa chan.Si Harryd naman ang sa mga Lhacoste. Kaya hindi kami pwedi syempre. Nagkaroon ako ng kapatid At 'yun ang nakatakdang ikasal kay Harryd. Ako sana ang ikakasal kay Lherry pero Hinadlangan ni mommy at iyong kapatid ko at si Harryd ang ikakasal. At kung sino ang kapatid ko? Gaya ng sabi ko ,Hindi Chan si Mailley . Anak siya ni mommy at tito miguel. Naging sila ng, Mamatay si daddy 14 yrs ago. Dahil Sa plane crash at kasama sya sa pagkamatay ni daddy, 4 yrs old sya ng mamatay sya.Kaya si mailley ang naging bagong fiancee ni Harryd. Im 6yrs old that time. Kaya kunti lang memories ko kay dad at ng kapatid ko. Nandito na ako sa second floor ng mansion. Hindi ko alam kong may alaala kami dito ng kapatid ko Basta sabi ni lola lagi kaming naglalaro dito sa mansion. Napahinto ako sa isang familiar na kwarto kaya pumasok ako. Nakita ko ang halos napakaraming laruan, bakit di pa nila ito inalis? Napatingin ako sa isang Barbie doll at Isang Laruang baril. Nakadisplay ito sa may maliit na mesa. Kinuha ko iyon at tinitigan. Sabi ni mommy ito raw iyong lagi naming nilalaro noon. Binabaril ko raw yong doll nya habang naglalaro kami. Napangiti na lang ako. Saka ko nailibot ang tingin sa paligid. MAraming mga laruan na nakadisplay, Barbie dolls, Water guns, Cars. This is our rooms. Nahagip ng paningin ko ang larawan na nandoon. Kaya kinuha ko ito at tinitigan ang maamo nyang mukha. Naka short at green T-shirt ako at hawak ko ang laruang baril. Habang siya naka Pink dress, headband at hawak niya ang barbie doll niya. Nakaakbay kami sa isat-isa. How i wish she's still here. "I miss you Lhauren Sue Chan.."sambit ko at napapikit. How i really wish,she's here. "Mahahanap rin siya.."napatingin ako sa nagsalita. Crystall. Umiwas ako ng tingin. Saka ko binalik ang larawan namin. Naglakad na ako palabas at di siya pinansin. Im not ready to talk to her right now. **CRYSTALL POV** I just stare at him. Nang makalabas sya.He change a lot. Hindi siya ganyan ka cold noon. Kasalanan ko rin dahil napakahina ko. Nagpdala ako sa takot. Napatingin ako sa tiningnan nyang pictures. Hinaplos ko ang larawan ni sue(Su). She's my childhood friend. Marami akong pictures na kasama siya pero Sa murang edad nawala siya. Hindi masabi ng iba na patay na siya dahil walang nakitang bangkay niya. Kung sa dagat bumagsak ang plane siguro wala na siya. Pero sa isang isla bumagsak ang plane at hindi nakita ang bangkay ni Sue. Sana nga lang buhay pa siya. "Are you still love him?" Natigilan ako ng may magsalita sa likod ko. "Dont be afraid crystall. If you still love my grandson then fight for it and win his heart again.." Tumabi siya sa akin at tinapik ang balikat ko. "Its been 14 yrs, I hope my granddaughter is still Alive.."Lola Maireen. Bumaling siya sa akin.. "You need to rest crystall.."lola Maireen. I nodd at lumabas. Pumasok ako sa kwarto ko at nahiga. Iniisip ko kung paano ko maibalik si Zues sa akin. Its been two years, since i left him with no words. Im just afraid that time so, i grab the opportunity she given to me. His mother didn't like me to him. Kaya gumawa siya ng paraan na mapalayo ako kay Lawrence zues. But this time, GAgawin ko ang lahat makuha ulit sya Because i still love him. But i dont know if he feel this same way. **CHRISTHELLE POV** Naging Buzy ang lahat sa paghahanda. Its friday , so ito na yong araw kung kelan darating sa Campus ang Chairman at ang firstlady nito. Isa kami sa magbibigay ng performance para sa kanila. Dala-Dala ni Xiah ang guitar niya. Siya kasi ang magigitara ako ang kakanta Hays, "Elley!Xiah!" Napatingin kami sa tumawag sa amin. Si Lherry. Tumatakbo sya papunta sa amin. Kahit kelan talaga hndi na sya nagbago.Binibigyan siya ng daan ng lahat kaya hindi siya nahirapang makarating sa amin. "Waah! Excited ako mamaya kyaah!!" Tinawag niya lang ba kami para may makinig sa pagtitili niya.? "Hey, anong mayroon mamaya at excited ka?"Xiah.. Nagsimula na kaming maglakad. "Kasi darating si Crystall at kabanda niya mamaya, ehhhh namiss ko siya subra..!"Lherry. Nawewerduhan kaming nagkatinginan ni Xiah. Sino si Crystall? "Sino si Crystall?"tanong ko. "Ex-fiancee siya ni kuya Lawrence.."Lherry . Ex-Fiancee ni Lawrence? "Nga pala galingan niyo mamaya ah? Alalahanin niyo Chairman ng school natin ang darating."Lherry. "Oona hahaha suportahan mo kami Ah.."Xiah. "Oo naman Boses ko ang mangingibabaw mamaya !!"Tumatawang sabi ni Lherry. Napailing ako. Kahit kailan talaga. Napakaingay ng babaeng ito. Humiwalay mo na ako sa kanila. Dahil tinawag ako ng kalikasan. Hahaha.Pumunta muna ako sa CR. At pumasok sa isang cubicle. Pagkatapos naghugas ng kamay at nagretouch muna. Napansin kong bumukas ang katabi kong cubicle At lumabas ang isang babae. May daladala syang Electric Guitar. Humarap siya sa salamin. Napansin niya atang nakatingin ako sa kanya kaya tumingin siya sa akin. "Bakit?"mahinahon niyang sabi. "Ahmm mapeperform ka rin?"tanong ko. Ngumiti siya. "Oo.." Nagretouch siya. Pinagmasdan ko siya she have black straight hair. Singkit ang mata na parang chinese. Matataas ang pilik mata. Sexy curve body Naka leather jacket na black at white sando Black jeans at high hell. In one word she's hot. "You know its rude to stare By the way im..., Crystall.."sabi niya. Napatitig ulit ako sa kanya. Crystall ba narinig ko? Napansin kong iniangat nya ang kamay nya. Kaya nakigkamay ako. "Christhelle ,But call me elley.."sagot ko. Ngumiti siya. "I need to go. See you around Elley.."sabi niya at lumabas na sa CR. Kung ibang babae yon malamang tinarayan na ako Pero ramdam ko ang kabaitan nya. After ko mag CR.. Lumabas na ako At pinuntahan sila Xiah nakita ko sila na nag uusap kasama sila ryd.Pinagmasdan ko lang sila.Lalo na sya.Nasasaktan ako kapag nakikita sya.Naglakad na ako papalapit kaya napansin nila ako. "Ba't ang tagal mo saan ka galing,"Xiah. "Nag cr nga."Sabi ko at umupo. "Girl ready na ang gagamitin niyong damit mamaya hehehe" Lherry. "Grabe pinaghandaan mo talaga babe?"Darren. "Yup para sa bestfriend ko,"sabay tingin saamin ni Xiah.. Napangiti na lang kami. Umupo na lang ako.. "Galingan mo mayamaya,"rinig kong sabi ni Ryd. I just smile at him. **ALEXIAH POV** "Ahmm xiah pwedi ba kitang yayain mamaya after ng performance niyo."napatingin ako kay Kenji. Inaayos ko kasi ang keyboard ko para ito mamaya. "Ahmmm saan naman?"sabi ko. MAgaan ang loob ko sa kanya eh iwan. "Ahmmm mAmasyal lang dito.."napakamot pa siya sa batok niya. Cute. I smiled. "Okay.."sagot ko ngumiti naman siya At parang nanalo sa lotto. Weird. Napatingin ako kay Elley. Makaya mo pa kaya siyang iwasan? Paano kaya kung bumalik ang dati nyang nararamdaman kay Ryd. Hays, alam kong may di pa siya sinasabi sa akin. Muli akong napatingin kay Kenji sa kanya nalang ako magtatanong tungkol kay Elley noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD