Lumipas ang mga araw, Sabado ngayon at walang pasok. Sa mga nakaraang araw may kakaiba akong napapansin sa paligid ko. Hindi ko mawari kung kapitbahay ko lang ba pero kakaiba talaga. Parang may araw-araw kasi ay may nagbabantay sa akin. Iyon ang pakiramdam ko. Pababa na ko ng hagdan, natapos ko ng linisin ang aking kuwarto. Umagang umaga ay tagaktak ng pawis ang aking noo. Grabe ang init ng panahon ngayon kaya araw araw ay lagi akong nagasusuot ng sando at saka maikling short. Dito lang naman ako sa loob ng bahay at hindi naalis kapag ganito ang aking suot. "Dash, Fem," tawag ko sa mga babies ko. Nag-uunahan silang dalawa na makalapit sa akin nang marinig nila ang pagtawag ko sa kanila. Agad kong kinarga ang mga ito. Sumasabay pa ang itong isa na humahalik sa akin at ang isa naman ay m

