Mangiyak-ngiyak na tinitigan ni Yvo si Faith. Napailing ito habang may mga luhang naglalandasan sa pisngi nito. Nahihirapan siyang pumili. Alam niyang wala siyang anak kay Laurice pero kawawa ang bata kung ginagamit niya ito para masira ang plano niya. "Yvo... Piliin mo ang bata... May tiwala ako sayo. Ayos lang ako okay. Huwag mo na kong alalahanin. Magiging maayos din ang lahat at alam kong magagawa mo kong hanapin," garalgal na ani niya habang malungkot ang mga mata nito. May konti pang mga patak ng luha sa mga mata nito. "Faith," bigkas nito kasabay ng pagkuyom ng kamao nito at pag-igting ng kan'yang panga. Ayaw niyang mangyari ito sa kan'ya subalit kailangan na niyang pumili. Gustuhin man sana niyang iligtas silang pareho ngunit isa lang dapat ang mananatiling buhay. Pero si Faith a

