"Sige na Anya, hindi na ko aalis. Tatabihan kita sa pagtulog mo. Huwag ka ng umiyak okay." Natuwa siya sa sinabi ko. Lumuwag ang pagkakayakap niya sa 'kin. "Talaga kuya?" Tumango ako. Marahang hinaplos ko ang kaliwa niyang pisngi. Napapikit siya kasabay ng pagpahid ko ng mga patak ng luha niya sa kan'yang mga mata. Inaya ko na siyang umakyat sa itaas ng kan'yang kuwarto. Napatingin pa siya sa 'kin habang sakay kami rito sa elevator. Patungo na kami sa ikatlong palapag. "Kuya salamat ha. Hindi ka umalis," ani niya. Inakbayan ko siya. "Bakit ayaw mo kong umalis? Hmmm.." Tanong ko. "Doon ko na lang sasabihin sa kuwarto ko kuya. Okay lang ba?" Ginulo ko ang kan'yang buhok. "Kuya naman eh," sabay nguso niya. Hinuli niya ang kamay ko. "Ano okay lang ba kuya?" Pag-uulit sa tanong niya.

