Faith POV. "Hey wake up!" Napabalikwas ako ng bangon nang yugyugin ako sa balikat ni Night. Hinihingal habang napatitig sa kan'ya. "Panaginip?!" Tila may inis na saad ko. Parang gusto kong ituloy ang panaginip kong iyon. I feel he's alive. Parang totoo siya. I know and I feel in my heart. Dahil na rin sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Humagulhol ako. "Hey!" Ramdam kong tumabi si Night rito sa kama habang yakap at nakasubsob ang ulo ko sa aking mga tuhod. "Bakit umiiyak ka na naman? Katatapos mo lang magwala kagabi at heto ka na naman. Umiiyak ka. Anong napanaginipan mo? Siguro natalo ka ni Amery kaya ka nagkakaganyan." "Shut up Night!" Sabay tingin ko sa kan'ya. "Huwag kang magkomento kung wala kang alam. Alamin mo muna okay?" Ani ko habang may tumutulong luha sa mga mata ko. Nap

