FAITH POV. "Bakit ngayon ka lang nagpakita?" Tipid na ngumiti siya sa akin habang nakaunan ako sa kan'yang braso. Dinig na dinig ko rin ang bawat pagkabog ng kan'yang kaliwang dibdib. "Dahil sa parusa," tipid niyang sagot. Hindi ko naman alam kung ano ang ibig niyang sabihin sa sinabi niyang parusa. Nakuryos ako kaya napatanong ako. "Anong parusa? Hindi kita maintindihan." Huminga siya ng malalim saka masuyong hinaplos niya ang aking buhok. Napaangat ang mukha ko sa kan'ya saka ko siya tinitigan. "Dahil ikaw ang sagot Faith," sabay tingin niya sa akin. "Hindi ko na ipapaliwanag sayo ang dahilan. Basta ang mahalaga. Magkasama na tayo." "Nakakainis ka naman. Sa tagal nating hindi nagkita at nag-usap. Ang tipid mong magsalita." Bumangon ako at iniwan siya sa kama. Kahit nakahubad ako

