Chapter 2
(Seph's POV)
"THANK you po, Ate Sasha." Pagpapasalamat ko sa kanya.
Ngumiti lang sya ng malapad dahil doon, "Walang anuman. Oh sya, sige pumasok ka na sa loob at baka hamugin ka pa."
"Opo." Sinara ko na yung lumalangitngit na yerong pinto.
Inilapag ko muna sa papag yung nag-iisang sling bag na meron ako tsaka ako dumiretso sa lamesita para ilapag naman yung platito ng ulam na bigay ni Ate Sasha.
Nakakawala naman ng pagod yung pagiging matulungin ng mga kapitbahay ko. Mas matanda saken ng sampung taon si Ate Sasha, May asawa't mga anak na sya. Nakakatuwa dahil sadyang mabait sya sa lahat ng taga-rito.
Malaki ang pasasalamat ko dahil may malasakit sa kapwa yung mga naging kapitbahay ko dito. Ilang buwan na din kasi akong nanunuluyan dito kaya kabisado ko na yung mga tao dito. Napakabait nila.
*BEEP*
Kinuha ko yung cellphone ko mula sa bulsa ko tsaka binasa ang mensahe.
From: Stef
Kuya, Kinakamusta ka ni Inay. Sabi nya mag-iingat ka daw palagi dyan at wag mo daw pagurin yung sarili mo sa pagtatrabaho. Miss ka na namin kuya :3
Napabuntong hininga nalang ako dahil doon. Wala akong load pang-reply dahil na-ubos na kanina pang hapon. Nanghihinayang naman akong magload ng panibago dahil mukhang hindi na aabot pa sa susunod na buwan yung pera ko, ipinadala ko na kasi kanina kayna Inay yung sweldo ko mula don sa convenient store na sina-sideline-nan ko. Sa mga inaplayan ko namang mga kumpanya eh wala pa ding confirmation. Naalala ko tuloy yung kahapon, Pinamulahan ako agad ng pisngi nang maalala ko yun pero umiling nalang ako.
Lasing siguro yung CEO kahapon.
Dinukot ko yung natitirang perang meron ako mula sa lumang pantalon ko. Isang perang papel nalang.
Singkwenta pesos.
"De bale na, kaya ko namang hindi kumain ng ilang araw." Bulong ko sa sarili ko.
Inumpisahan ko ng luwagan yung necktie ko nang makarinig ako ng malalakas na katok mula sa yerong pinto nitong barong-barong na tinitirhan ko pansamantala.
Dala ng kuryusidad ay agad akong lumapit para pagbuksan iyon, baka si Ate Sasha. Kukunin na siguro yung platitong pinaglagyan ng ulam.
"Ate Sasha hindi ko pa naisasalin yung ula---" Bigla akong natigilan.
"I'll come in."
Mabilis nyang inilibot yung paningin nya sa loob ng tinitirhan ko matapos nyang pumasok.
"Hmn... Organized even though this place sucks. Clean and neat but everything is in low quality. Madaling masira kapag binagyo, madaling matupok kapag nagkasunog. In short, you're living in a very cheap apartment that everyone called 'Barong-barong'."
O-kay?
"A-ano pong ginagawa nyo dito?"
Tila nag-slowmotion pa yung paglingon nya saken kasi umalon yung kulay kahel nyang buhok. Disente na yung suot nya ngayon hindi katulad kahapon na naka-roba lang at tanging damit panloob lang ang suot.
Ngayon ay pormadong-pormado sya, sopistikadang nakatayo habang ang mga kamay ay nasa gilid ng katawan. Naka-kulay crema syang bestida, hindi iyon masyadong revealing dahil long sleeve iyon na turtle neck at off-shoulder na may iilang makikinang na beads. Umaabot din iyon sa ibabaw ng mga tuhod nya kaya hindi umaangat ng husto kapag gumagalaw sya. Kapares non ang kulay krema ding sapatos na de-takong tsaka mamahaling shoulder bag---mamahalin kasi nakita kong may GUCCI na nakasulat doon. Mukhang branded lahat ng suot at bitbit nya.
"Hello to you too, Mr. Lazaro." Anya tsaka ngumiti. Yung CEO kahapon.
Napalunok nalang ako, "U-upo ka muna." Iminuwestra ko yung papag na gawa sa tagping kahoy.
Umangat yung kilay nya pero naupo din naman sya doon nang naka-ekis ang mga hita.
"Hindi ko inexpect na mas mahirap ka pa sa daga."
Hindi ako agad nakasagot. Gusto kong mainsulto sa sinabi nya pero hinayaan ko nalang, totoo naman kasi.
Bahagyang tumagilid yung ulo nya na tila binabasa yung iniisip ko.
"I know you have a question in mind." Pumantay ng angat yung kilay nya, "Go on, ask me."
Nag-aalangan man ay nilakasan ko na din yung loob ko.
"A-ahm. G-gusto ko pong malaman kung bakit k-ka nandito at kung paano mo nalaman kung saan ako nakatira?"
"I've read your resume yesterday and I came here to say that you're hired."
Walang kagana-gana nyang sinabi saken yun pero halos magtatalon sa tuwa yung puso ko. I'm hired? T-tanggap na ko. May trabaho na ko! P-pero...
"S-sana hindi ka na nag-abalang puntahan pa ako dito para lang sabihin yan."
Uso naman kasi yung text at tawag diba? Nandoon naman sa resume yung number ko eh. Tsaka isa pa, Medyo delikado dito sa lugar namin dahil eskinita ito. Madalas may nahoholdap dito.
Kumunot yung noo nya. Tila takang-taka sa inaasta ko.
"Don't you want to see my gorgeous face again?"
Natameme ako dahil doon. G-gorgeous face? O-okay. Totoo naman yung sinabi nya p-pero wala talagang kagatol-gatol?
"Ahm... H-hindi ko lang inasahan." Nakita ko kung paano syang ngumiti dahil doon.
"Well, Of course. Kahit na sinong mahirap na lalaking gaya mo ay talagang hindi aasahan ang pagbisita ng isang mayamang dyosa gaya ko." Hinawi nya yung kahel nyang buhok, "You're so lucky to have a boss like me. I even asked you if you want my friendly massage, don't you know how much you've hurt my ego when you declined my offer? That's a first, you know. Everyone loves my massage."
F-friendly m-massage?
Napasinghap ako nang maalala yung tinutukoy nyang masahe tsaka pasimpleng tinakpan yung p*********i ko nang kagatin nya yung ibabang labi nya habang gumagala ang paningin sa katawan ko. P-para bang ginagahasa na nya ko sa tingin nya palang. *GULP*
"G-gabi na, g-gusto mo bang ihatid kita sa sakayan ng j-jeep?" Pag-iiba ko sa usapan.
"Oh, Don't worry. I came with my friends here and we have a car."
C-car? Hindi ba sila natatakot na maholdap?
Magsasalita pa sana ako nang tumunog yung cellphone nya. Kinuha nya yon mula sa mamahalin nyang bag. Mas malaki at mas magara yung cellphone nya kesa saken na ilang taon ko ng ginagamit.
Saglit syang nagbasa ng mensahe mula roon bago umiiling-iling na ibinalik iyon sa bag tsaka tumayo.
"I have to go."
"I-ihahatid na kita." Binuksan ko yung yerong pinto para sa kanya.
Ngunit natulos ako sa kinatatayuan ko ng hilahin nya yung kwelyo ko at humalik sa pisngi ko. Dumausdos pa yung mahahaba nyang kuko sa panga ko na tila tine-trace iyon.
"See you in my office, Seph." She said seductively before leaving.
Mga ilang segundo muna akong nakatayo doon bago ako tuluyang nagproseso sa utak ko iyon. Ramdam ko yung pag init at pagpula ng buong mukha ko sa kahihiyan kaya napatakip ako ng dalawang palad doon.
"Ano bang problema nya?" Napapapadyak tuloy ako sa sobrang frustration!
Paano ko tuloy sya haharapin bukas? Nahihiya akong humarap sa kanya! Hindi ba sya naiilang?
* K I N A B U K A S A N *
NAPALUNOK ako nang pasadahan ng tingin yung building nya. Alam ko, masyadong maaga ang oras na alas-otso pero ano bang magagawa ko? Wala naman syang binigay na saktong oras.
Yung kaba ko noong araw na mag-a-apply ako ay nadoble hindi dahil baka magkamali ako sa magiging trabaho ko, kundi dahil sa boss ko.
Tandang-tanda ko pa kung paano ko pinagtyagaang burahin ng sabon yung bakat ng lipstick nya sa pisngi ko kagabi. Ang tagal kasing matanggal, hindi kaya ng isang kuskusan lang. Natatakot ako sa kung anong pwede nya pang gawin sakin. Wala akong matinong tulog kakaisip sa kanya at mga pinaggagagawa nya, masyado syang mahalay.
Hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin kung tama ba tong pinasok ko. Kapag naaalala ko kasi yung mga ikinikilos nung CEO, nagdadalawang isip talaga ako eh. Napakamot tuloy ako sa ulo ko.
Sa totoo lang gusto ko na talagang umatras. Balak ko nalang tanggihan yung trabaho pero nang maalala ko yung hirap at pagod ko sa paghahanap ng mas matinong trabaho ay nagbago yung isip ko. Lalo na ng maalala ko si Inay at ang mga kapatid ko. Ako ang panganay, kailangan ko silang itaguyod para may makain sila at pampa-aral.
Kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na maglakad papasok ng building nya.
"Goodmorning po." Bati ko sa lahat ng nakakasalubong ko.
Nang makarating ako sa floor ng office nya kung saan kami unang nagkita ay dumiretso muna ako sa front desk para ipaalam yung pagdating ko. Mga lalaki yung karamihan sa empleyado dito kaya medyo kumportable ako.
Lalaki yung nagbabantay sa front desk, Naka-sandal sya sa swivel chair habang ang paa ay nakapatong sa mesa. Naglalaro sya ng mobile games sa cellphone nya. Unang tingin ko palang sa kanya ay hindi halatang empleyado lang sya dito, Mukha din kasing mamahalin yung suot nyang suit.
"H-hi, goodmorning po. A-ako po si Seph, Gusto ko sanang makausap yung CEO. Nandyan na ba sya sa loob?"
Inalis nya yung tingin sa cellphone nya para lingunin ako. Parang takang-taka pa sya na makita ako.
"May meeting sya sa loob eh."
"Ahm... P-pasuyo naman, p-pwede mo bang tawagin sya saglit?"
Kinunutan ako ng noo nung lalaki na tila naiirita, "Nagpa-book ka ba ng appointment sa kanya?"
"A-ah hindi eh p-pero---"
"Pasensya na brad, bilin kasi ni Vero na bawal syang maistorbo."
B-brad? Anong klaseng office employee sya? Kung tawagin nya din yung CEO parang magkaklase lang sila. Wala man lang Miss o Maam.
Kinamot ko yung ulo ko, "Pero kasi..."
"Kung gusto mo hintayin mo nalang sya." Anya sabay balik ng paningin sa paglalaro.
Kumurap-kurap ako.
"Sige. Hihintayin ko nalang sya."
"Suit yourself." Tinanguan ko lang sya.
Naupo nalang ako sa bench na nasa tapat ng front desk na iyon.
Maghihintay nalang ako.
(Third Person's POV)
BUMUKAS yung pinto ng kwarto kung saan pinagdadausan ang lahat ng meetings sa kumpanya ni Veronica.
Isa-isang naglabasan mula doon ang mga investors kasama sya. Masyado syang focused na nagpapaliwanag sa isa sa kanila.
"I want these papers to be finalized in this coming weekend so that we can finally start the project." Nameywang sya bago bumaling sa front desk, "Hey, Douchebag, what's next in my schedule?"
Isa-isa na ding nagsi-alisan ang mga investor nya.
Tinatamad na lumingon ng lalaki yung computer na nasa desk na pinapatungan ng paa nya, "Inspection in the on-going construction site of one of our new projects."
Tumango-tango ang babae bago hindi sinasadyang napabaling ang tingin sa harap.
Natigilan sya nang makita ang pamilyar na lalaking naka-yuko ng upo sa bench ng waiting area.
"Theodore? Anong oras dumating tong mahirap pana sa daga na lalakeng toh?" Turo nya doon habang di inaalis ang tingin sa lalake.
"Kaninang alas-otso pa and please Vero, just call me Theo." Napabaling sya bigla ng tingin sa lalaki.
"What?"
"He's been waiting for you for exactly," Tumingin si Theo sa relo, "5 hours, 16 minutes and 28 seconds. It's already 12:54 PM."
Umawang lang ang labi ni Vero bago muling nilingon ang lalake.
Naka-ekis ang mga braso neto sa dibdib habang nakayuko ang ulo. Panaka-naka ding umaangat baba ng kaunti yung mga balikat neto at ang mga binti ay naka-dekwatro. Nagsisibakatan yung mga muscles nito sa braso at hita na halata mong batak sa pagtatrabaho at hindi sa pag-gi-gym.
Kinagat ni Vero ang sariling ibabang labi, "He's hot." Anya habang iniimagine yung iba pang pwedeng bumakat sa lalaki.
Theo groaned before rolling his eyes off, "Then go, Bite him already."
Nginiwian nya ang lalaki, "Asshole."
"Bitch." Sagot naman nito.
Inirapan nya si Theo bago tuluyang lumapit kay Seph.
Lumalagatok ang bawat hakbang nya papunta sa pwesto neto dala ng sapatos nyang mataas ang takong. Actually, she's excited to see him again and that's the very first time that she got excited just because of a guy.
Nang huminto yung mga paa nya sa eksaktong harapan ng natutulog na si Seph ay walang inhibisyon syang lumuhod sa harap nito. Hindi alintana ang suot na formal office attire.
"Vero? What are you doing?" Takang tanong ni Theo na nakasilip mula sa front desk.
Kumawala ang isang ngisi sa labi nya habang unti-unting humahagod ang mga kamay nya pataas sa mga hita netong naka-dekwatro. Tila naglalakad ang mga daliri nya sa itim na slacks ng lalaki, dahan-dahan, unti-unti. Hanggang sa marating nya ang sinturong nababakbak na ang kulay sa sobrang kalumaan, sumabit pa ang kuko nya sa pagtanggal nito.
Dinilaan nya ang sariling labi habang ang paningin nya ay gumapang paakyat sa mukha ni Seph na payapang natutulog sa pagkakayuko.
"Someone needs my 'Friendly Massage' for being a very good boy." Anya sabay baba ng zipper ng slacks ng lalake, kasabay ng panlalaki ng mata nya pagtambad pa lamang ng boxer brief neto, "Oh hello there bigboy. Look Theo. He's bigger than you." Then she chuckled, "I'll do it with my lips."
"What the actual f**k Veronica?!" Sigaw ni Theo.
Mabilis na tumayo at nakatakbo si Theo papunta sa direksyon nya tsaka mabilisang hinatak palayo si Veronica.
"Oh c'mon Theo! Don't be a killjoy!" Natatawang sambit nya.
"No! You're being crazy again!"
"Let me go!"
Lalong humigpit yung hawak ni Theo sa bewang ni Veronica, "No!"
"Theodore!"
"One more word Veronica and I'll tell this to your brother!"
Napatili lang si Vero habang bitbit ni Theodore sa bewang palayo.
"Get off me! Theo!"
Tuluyan na silang makakalayo nang may humatak sa balikat ni Theo at sinalubong sya ng isang malakas na suntok.
"Oh my gosh!" Singhap ni Vero nang mabitawan sya neto.
Napahiga sa sahig si Theo habang hawak ang panga. Masama ang tingin sa may-ari ng kamaong sumayad sa panga nya.
"Ayos ka lang ba ma'am?" Tanong ni Seph kay Vero pagkaharap nya rito.
"Oh my gosh!" Singhap nanaman neto pero di dahil sa panununtok ni Seph, kundi dahil nasa boxer neto nakatutok yung paningin nya.
"That's a lot bigger than I thought." Ani nya sabay bungisngis.
"A-ano---" Gulat na dumako yung tingin ni Seph sa pantalong nakababa sa sahig na mabilis nyang inangat, "B-bakit---b-bakit..." Tumagilid sya habang palipat-lipat ang tingin sa dalawa.
"Sorry." She bit her lip as usual, "I can't help it. It looks delicious though." Sabay dila sa labi.
Halos mag-usok sa pag-iinit at pamumula yung buong mukha ni Seph sa sobrang hiya. Tinakpan nya ng palad ang sariling mukha.
'Sige sahig. Lamunin mo na ko.' Napapalunok na saad ni Seph sa utak nya.