Chapter 14

4678 Words
Chapter 14 (Veronica's POV) "Take me to your heart!!! Take me to your soul! Nana na na nanana~" I sang while combing my waist length dark oranged hair with a hair brush, "Hmmnnnn~ Nana nanana~" I suddenly stopped at singing and stared at my lips. Hmnnn. It looks the same pero parang may kakaiba. I touched it. Still soft, hmn... I don't know but I have this unknown feeling ah, medyo creepy. Oh well! Binitawan ko yung suklay ko sa maliit kong mesa kung nasaan ang vanity mirror ko, I smiled before going out of my room, Hatak-hatak ko yung Gucci kong maleta at ang Prada kong shoulder bag. I'm still singing while I'm on my way walking towards the dining room. "Goodmorning!" I greeted to my kuya, "What's for breakfast?" Pero imbes na ngumiti ay sumimangot si Kuya, "I kept on hearing that damn song for about an hour." Inilapag ko muna sa gilid yung mga bags ko bago naupo agad sa upuan katapat ng kanya. Lumapit sya suot ang mittens at bitbit ang bandehadong may umuusok na fried rice. Nginusuan ko sya, "Well masanay ka na kuya, It's my favorite song na kasi." Anya ko tsaka ko sya nginisihan, "They say nothing lasts forever! We're only here today, Love is now or never! Bring me far away~" I giggled as he glared at me but in the end he just sighed and prepared my plate. He placed a lot of foods in there before he took off my pink apron that he used when he cooked our breakfast. We're not living together, he has his own house but he's coming to my unit once a week to visit me. How sweet diba? Nginiwian ko sya nang makita kung gaano kadami yung nilagay nyang foods sa plate ko, like, patabaing baboy ba ako? It's so many! "Kuya! That's too much!" I stopped him from placing more food on my plate but he just stared at me with a bored look, "I'm on a diet, you know?" "Diet?" Pumapalatak nyang tanong, "You're so fuckin thin yet you're still dieting? f**k that." "Thin?!" Hindi ba nya nakikita na tumataba na ako? I feel so chubby! Or is it just my boobs and ass that keeps on growing? I secretly pinched myself. Aw. Feeling ko talaga tumataba na ako. I can't seduce Seph if I look like a peppa pig. "Eat a lot, don't fuckin starve yourself, okay? I fuckin hate to see you being so thin, para kang ting-ting na ewan. f**k that diet of yours. Magpataba ka." Napipilitan nalang akong tumango, I can't throw these foods in my plate naman so I'll eat nalang. Wala naman akong choice. Plus it's delicious naman, he knows how to cook well eh. We both started eating. My kuya is already wearing his corporate attire, that's what he usually wears kasi lagi syang busy sa sarili nyang business. "Did you sleep well?" He suddenly asked. I confusedly nod, "Yes. Of course. Bakit mo naitanong?" Straight face pa rin syang nakatitig sa akin, "Mukhang maganda gising mo eh, plus the fact that this is the first time that you've woke up so early." Lalo syang sumimangot, "You're blooming." Napahawak ako sa mukha ko at napangiti. Blooming? Really? I even felt myself blushing. Tapos ang aga-aga ko pang nagising. Oh my gosh, what's happening to me? "I don't know but I feel so weird yesterday after waking up in the office. Hanggang sa makauwi ako dito sa unit ko eh nag-iinit yung pisngi ko, then I woke up being like this." Hinawakan ko yung nag-iinit kong pisngi, I don't know, pero I feel so fine. Parang ang sarap-sarap ng tulog ko kagabi. Umarko yung kilay nya. Yung mas mataas pa sa kilay ko, that's how he raise his eyebrow. "Tsk. Whatever." Umiling sya, "By the way, why are you dressed like that? Aren't you going to your company today?" "Oh! Do you like it?" Masaya akong tumayo at umikot para ipakita yung pagbuka ng palda ko sa hangin. Simpleng halter dress iyon, kulay white na may gradient na navy blue na at iilang glitters na silver, may mga drawing doon ng mga planets. Mukha tuloy iyong pinintahan ng solar system but it looks cute! Pinartneran ko iyon ng navy blue na wedge heels. "Gorgeous but please change your clothes, it's too short." He said with a stoic face, I even saw how he rolled his eyes out of annoyance. That's how my kuya compliment and cares for me at the same time. *Giggles* Mataas kasi sa hita ko masyado yung laylayan ng dress ko. My kuya is so strict to the clothes that I wear even though I'm alreasy in the right age to wear those kinds of clothes. "Thank you but I'm not going to change my dress, Kuya." Bumalik ako sa upuan ko, "I'm going to the venue of the party, kasama ko yung secretary ko and the rest of my girlfriends. We'll stay there for three days." Ako kasi yung binilinan ni mommy na mag-asikaso non dahil sila ni daddy ang ta-trabaho sa catering together with Theo. Hindi naman maasahan sa ganyang gawain si kuya. Napapitlag ako nang bigla nyang ibagsak yung kubyertos, geez. What's with him nanaman ba? Hindi pa rin ba tapos yung red days nya? Or is he mad to the spoon and fork? "Is it really necessary for your secretary to come with you?" He's raising his eyebrow again. "Yep." I said popping the 'p' on it. Pagdadahilan ko yan, I just wanted Seph to come with me. *Giggles* He grunted before stabbing the eggs that he cooked by the use of the fork. Mukhang masama ang loob nya habang isinusubo yung pagkain nya dahil nadudurog lang lahat ng ulam. Kunot na kunot din yung noo nya habang ngumunguya at panaka-naka ding umi-ismid. I just stared at him with a confused face, I've never seen my kuya so annoyed before. Para syang tutang nag-ta-tantrums dahil hindi napagbigyang maglaro. My kuya looks cute though, He's face is also reddish pink even though I don't freakin know why. Is he mad or is he happy for me? *** "Are you sure that you'll be fine here?" Tanong nya nang makababa ako mula sasakyan nya, Charlotte kept on roaming her eyes around, "Mukhang delikado dito kung iiwan kita, samahan na kaya kitang sunduin yang pabebe mong secretary?" I glared at her, "He's not pabebe! He's a gentleman!" Pabagsak kong sinara yung pinto dahilan para mapa-igtad sya, "Fetch us later, pagbibihisin ko lang sya. If I didn't call you after 1 hour then it means we're already f*****g. Hmp." Inirapan ko muna sya bago ako tuluyang tumalikod. Naglakad na ako sa pamilyar na pathwalk nina Seph. Hmn... Mukhang maagang nagigising ang mga tao dito ngayon, unlike the last time na nagpunta ako dito na walang katao-tao. They are looking at me with a confused look in their faces but also looking at me amazed. Huh, of course, I can't blame them, *Flips hair* Seeing a gorgeous looking deity like me in personal makes them feel amused. I bet that I'm the most beautiful woman that they've ever seen in their whole life, luckily Seph is living here. Atleast these poor people have the opportunity to take a glimpse of me. I was still walking when there are two guys who stopped in front of me that caused me to stop too. They are both tall yet so skinny, yuck. They this tattoo all over their body, I see it because they are both topless, Yuuuuck!!! They also stinks. Yuck talaga, pati damit kong personally designed by a famous designer eh umuubo na. "Eyyy miss byutipul!" The bald guy greeted, He even smiled at me revealing his yellowish teeth with a golden braces, yuck! Is that even a real gold? "Anong ginagawa ng isang magandang dilag dito sa pathwalk namen?" He added. I rolled my eyes before taking a step to the right side but he take a step to block my way, I tried to take another step from the left but the other one just did the same. I raise my well define eyebrow because of that, what the hell? Are they both idiots or just plain stupid? "Excuse me? Can you please get of my way? I'm in a hurry kase." I tried to 'shoo shoo' them but they just smirked. Grrr. Oh gosh, this two stupid skinny addicts is getting into my nerves!!! "Mamaya na, bakit ka ba nagmamadali hah?" The one with the yellow hair asked, I let out a blank face. I rolled my beautiful pitch black eyes, "I'm going to fetch my boyfriend so shoo, dadaan ako." I tried to walk away but they did just block me again! Ugh! Naiinis na ako ah?! "May boyfriend ka na? Eh sino ba tong boyfriend mo at nagmamadali ka dyan? Gwapo ba yan?" Nagtawanan sila pareho kaya sinamaan ko sila pareho ng tingin. "Of course! Gwapo naman talaga si Seph! He's cute when he's shy, he's manly when he smiles and he's hot when he smokes!" I shouted out of annoyance. They both suddenly stopped laughing and looked at me with their shocked eyes. Kumunot yung noo ko nang makita yung reaction nila, they look so shock and scared at the same time. Wait, adik ba sila? Are they seizuring now? "S-seph?" He pointed the house where Seph lives at, "Yung Seph na naroon?" I nodded. Nagkatinginan nanaman silang dalawa. "Sigurado kang yung Seph na nakatira doon?" I glared at him. Paulit-ulit?! "I told you already na diba?!" "Veronica?" Nagulat ako nang may humawak sa balikat ko. Nilingon ko ito at nakita si Seph na magulo ang buhok at pupungas-pungas pa habang nagtatakang nakatingin sa akin. "Goodmorning baby!" Agad akong yumakap sa katawan nya, hindi naman nya ako tinulak palayo but he placed his hand on my waist too para hindi ako matumba, "I'm about to go to your house to surprise you but this two ugly creatures kept on blocking my way." Pagsusumbong ko habang nakanguso. I can feel the heat of his gigantic hands in my waist, hmn... Ano kayang feeling nang maipasok iyon sa---ah! No. Behave. Behave. Behave---I CAN'T BEHAVE! Sinilip ko yung suot nya, lumang jersey shorts at kupas na itim na sando and slippers but even though he's wearing those old clothes, still, ang gwapo-gwapo nya pa ding tignan. He's also holding a plastic bag, looks like he bought his breakfast for today. Nagtataka naman nyang nilingon yung dalawang panget na ngayo'y nag-iiwas ng tingin sa kanya. Wait---are they scared of him? I take a look at Seph, hindi naman sya galit. Then why are they both shivering in fear? "May kailangan po ba kayo sa kanya?" Taka nyang tanong. My Seph is so magalang talaga, kahit mukhang kanto boy eh pino-'po' nya. "W-wala naman he-he-he. B-binabati lang namin ng g-goodmorning. He-he-he." Taranta nyang saad. What? "Liar. You didn't even greeted me 'goodmorning'! Kina-cat call nyo ko!" Mga sinungaling toh! "Seph, they kept on blocking my way. Ewan ko ba dyan ayaw nila akong padaanin." Kumunot yung noo ni Seph, "Bakit naman po ayaw nyo syang padaanin? May problema po ba tayo?" Nanlaki yung mata nila at nagulat ako nang dali-dali silang lumuhod sa sahig. Oh my gosh! What are they doing?! Why are they kneeling?! "S-sorry! H-hindi na namin uulitin!" Magkasabay nilang anya, "H-hindi naman namin alam na nobya m-mo sya!" "A-ah w-wag na po kayong l-lumuhod." Natataranta ding anya ni Seph habang pinatatayo sila, "O-okay lang po. B-basta wag nyo ng uulitin. Kung m-may problema e-eh pag-usapan h-ho natin." Agad namang tumayo yung dalawa at sumaludo pa, "Okay masterrr!" sabay takbo paalis. "What? What is that? Master what? I'm confused, what just happened?" I asked, he shrugged with a confused look too while we continued walking towards to his cheap poor house. "Hindi ko din alam eh." He scratch his nape, "Nga pala, anong ginagawa mo dito? Hindi ka ba papasok sa opisina?" He stared at me from head to toe, "Ang ganda-ganda mo naman. May lakad ka ba?" I felt my cheeks burning because of what he said. OMFG!!! Like, oh my f*****g gosh! That's the first time that he compliments me! (>///<) And can't he see? Maiksi masyado yung dress ko, hindi ba nya ako pagpapalitin ng damit like any other guys do to their girl? "Isn't my dress too short?" Muli nya akong pinasadahan ng tingin at tumango-tango, "Sobrang ikli nga." It's 7 inches above my knee so konting tuwad eh makikita yung sexy thighs and butt ko. Hindi ba sya concern saken? "Hindi mo ba ako pagagalitan or pagsasabihan na magpalit ng damit because it's too short?" "Eh? Bakit naman?" Hinarap nya ko sa kanya, "Binili mo yan para isuot mo, kaya bakit kita pagagalitan?" Kinamot nya yung pisngi nya, "Tsaka isa pa, bagay sayo yung damit mo. Ang ganda mo." Sabay ngiti. I felt my ears burning too! I know that my face is now color red like what the hell?! Nakakaramdam ako ng kakaiba dahil sa mga pinagsasabi nya! Napapikit ako at napahampas sa kanya, "Aren't you concern? Baka mabastos ako or what!" "Bakit ka nila babastusin? Matino ka naman na babae ah." Tumingin sya sa harap at lalong lumawak yung ngiti nya, "Tsaka... imposibleng may mambastos sayo dito." Tumaas yung kilay ko, "And why is that?" He looked at me and then smiled, "Kasama mo kasi ako." He said before patting my head. I know how red my face right now, kung may ipupula then go! I feel so flattered and safe at the same time! Just wtf? Marunong na syang magpakilig ah! He's like an adorable prince charming while saying those freakin lines! I let out a faked laugh to lessen the pressure that I've been feeling right now. Nagpaypay din ako gamit ang mga kamay ko para mabawas-bawasan yung init ng mukha ko. Whoo~ Like, ang aga-aga nyang magpakilig, gusto ba nyang ma-rape? I smack his back at totoong natawa na ako ng mag-'Ow' sya, "I know right?" Hinawi ko yung buhok kong tumatabing sa mukha ko, "Anyway, You're going with me. May pupuntahan tayo." "Huh?" He closed the cheap door made from a rusty 'roof' after entering his house. Inalalayan nya akong maupo doon sa papag na syang hinigaan ko noon. Inilapag nya yung plastic bag na bitbit nya doon sa mini table bago muling lumapit saken. I noticed that the picture frame that I saw the last time that I'm here is gone, his picture with an unknown woman and the baby. Did he hide it? But why would he hide it? Is that something that I shouldn't have known? "Veronica?" Napakurap-kurap ako, "A-ah yes?" Nawala ako sa wisyo, nacu-curious nanaman kasi ako dun sa babaeng yakap-yakap nya doon! He kneeled in front of me and took off the straps of my wedge heels, Napakagat ako sa labi ko nang dumikit yung kamay nya sa talampakan ko. Ihhh! Nakikiliti ako! "Tinatanong ko kung saan tayo kako pupunta." He asked after taking off my heels and put it under the cheap bed, pinagpagan pa nya yung feet ko tapos tsaka nya ako sinuotan ng isa pang tsinelas while he's wearing nothing, nakapaa na sya. "W-were going to take care the venue of my parent's wedding anniversary---wait? What are you doing?" I kept on gulping when he suddenly leaned on my side. Ramdam na ramdam ko yung init ng hininga nya na dumadampi sa tenga't leeg ko. Oh. my. gosh! Is he going to give me a hickey or what? "S-seph?" I'm trembling right now! "W-what are you doing there?" "Sandali lang..." He whispered in my left ear that made me feel uneasy, "May bubuksan ako..." Napapikit ako because of that. Ugh! Like, anong binubuksan nya?! Ako nalang ang magbubukas! Kakapusin na ako ng hininga sa ginagawa nya saken today! Ang aga-aga! Ano toh? Nagpapahiwatig ba sya ng morning s*x?! I'm not backing off! I'm willing to do it with him basta magsabi sya! Wag nya kong binibigla! Nanuyo bigla yung lalamunan ko. Eto na ba? Magkakatotoo na ba yung pantasya ko? Omg! Are we going to have s*x na ba? Wala akong baong condom! Suddenly, nakaramdam ako bigla ng hangin mula sa bandang ulunan ko kaya napadilat ako. Tumayo na din sya at nakapameywang na tinignan ako, ngiting-ngiti sya na tila proud sa kung ano mang ginawa nya. "Tadaahh~" He spread his arms then he clapped like a happy child, "Bumili ako ng portable fan na may saksakan gamit yung perang pinang-sweldo mo sa akin. Ayan sya." Sabay turo sa likuran ko kaya napalingon ako doon, only to see a plastic fan that sends air to my head. Pakiramdam ko biglang umakyat sa ulo ko lahat ng init ng pisngi ko. I'm freakin mad! How can he do this to me?! Naikuyom ko yung kamao ko, ugh! This is really frustrating! I really thought he's somewhat seducing me! Muli ko syang nilingon, He's still smiling from ear to ear, "Binili ko yan kasi nahihiya ako sayo, naiinitan ka sa tuwing nagpupunta ka dito." Anya sabay talikod para kunin yung supot na bitbit nya tsaka sya bumalik at naupo sa tabi ko, "Nag-almusal ka na ba? Kung hindi pa sabayan mo ko, bumili ako ng pandesal dyan sa labas. Pasensya na kung ito lang ang ang meron ak---Eh? Para saan yon?" Takang sabi nya matapos ko syang batuhin ng panyo ko. "Wala! Nanggigigil ako sayo!" I irritatedly said before picking up the cheap small pillow and throw it again to him. Nasalo nya yung unan at takang tinignan ako, "Oh teka?! Eh para saan naman yun ngayon?!" "Wala nga!" I hit him several times, "Nakakagigil ka kase! Nakakagigil ka! Aaaaaaah!" I shouted while still hitting him. "A-ano ba? T-teka! M-masakit!" (Seph's POV) Hindi ko mapigilan yung sarili ko na wag himasin yung mga braso kong hinampas nya kanina. Grabe sya kung makahampas. Ang bigat ng kamay nya. "Ah, Grabe. Ang sakit ng mga braso ko." Pinisil-pisil ko iyon, lamog na lamog ako sa mga hampas at kurot nya kanina. "What are you whispering at?!" Napalunok ako sa bigla nyang saway saken, umiling lang ako at kinagat yung labi ko para maiwasan na ang pagsasalita. Medyo malayo din ng ilang metro yung distansya nya mula sa akin. Nakakapagtaka naman, bakit ba kasi sya nagagalit? Sabi nya nanggigigil sya saken, nakakagigil ba talaga ako at nagawa nya akong kurot-kurotin at hampasin ng paulit-ulit? Grabe. Hindi ako makapaniwala. Wala naman akong nagawa sa kanya ah? Hays. Bahala na nga. Medyo nangangawit na ako kakatayo, nakakangawit na ding magpaypay, nandito na kasi kami sa kalsada. Hinihintay namin yung sasakyan ng kaibigan nya na syang magda-drive sa amin patungo doon. Ipinaliwanag nya sa akin kanina na magtatagal kami ng tatlong araw doon, tulungan ko daw syang mag-ayos ng venue ng para sa selebrasyon ng wedding anniversary ng mga magulang nya. Biglaang lakad ito kaya napilitan akong dalhin yung pinakamatitino kong damit, hindi ko naman pwedeng gamitin yung mga bigay ni Theo dahil panlakad at pang-formal ang mga iyon. Dinala ko yung mga damit na pinamili ko sa ukay-ukay noong nakaraang araw lang, mga bago pang t-shirts at shorts. New arrival kasi kaya hinintay ko munang lumipas yung ilang araw bago ko binalikan, swerte at nabili ko yung mga damit sa halagang sampu hanggang singkwenta pesos. Yung mga damit panloob lang ang binili kong brandnew talaga. Bumuga ako ng hangin, medyo nangangalay na ko kasi trenta minutos na mahigit simula ng tumayo kami dito. Dumako yung tingin ko sa kanya. Mukhang mas higit na nangangalay na sya kasi mataas na sapatos yung suot nya. "Masakit na ba yung mga binti mo?" Tanong ko, pero imbes na sumagot ay sumimangot lang sya. Napakamot tuloy ako sa batok ko, "Kung gusto mo, pwede tayong maupo doon sa upuan sa may tindahan, doon tayo maghintay?" Nguso ko doon sa tindahan sa gilid. "No, thanks. I'd rather wait here." Sabay irap, "By the way, I didn't see your neighbor named Sasha today, Is she there?" "Nasa garahe sya ng jeep ngayon kasama si Kuya Adon." Naalala ko nanaman yung paghingi nila ng tawad sa akin nung nakaraan, wala naman sa akin yung nangyari. Nagsorry din ako. Hays. Buti nalang at naiintindihan nila. Pinagmasdan ko sya, Napapapikit na sya sa sinag ng araw na tumatama sa mukha nya. Wala pa naman akong payong. Hindi na kasi sya sakop ng puno mula sa bandang likuran namin kaya tinatamaan na sya ng sinag ng araw, nasa kanang bahagi ko kasi sya. "Umurong ka ng kaunti dito sa tabi ko, naiinitan ka dyan." Akay ko pero inirapan nya lang ako. Ano bang problema nya? Bakit ang sungit-sungit naman nya bigla? "I'm fine here." "Pero Veronica mainit dyan. Wag ng matigas ang ulo." Hindi sya sumagot kaya bumuntong hininga ako. Saglit kong iniharap sakin yung backpack kong ginamit ko pa mula highschool, kinuha ko mula doon ang isang cap tsaka ipinatong sa ulo nya. Mukhang nagulat naman sya doon. "What the hell is this? Take it off, Seph." Akmang tatanggalin nya yon ng pigilan ko sya. "Wag, kesa naman mainitan ka. Tutal ayaw mong umisod dito sa tabi ko." Sumimangot sya, "Take it off, hindi sya bagay sa OOTD ko!" "Tatanggalin ko yan kung uurong ka sa tabi ko. Dali na malilim dito oh." Turo ko pa sa pwesto ko. "Grrr. I'll just take it off nalang!" Sapilitan nyang tinanggal yung sumbrero sa ulo nya. Umiling nalang ako bago ko sya inakbayan at pilit na inilapit sa akin. Ramdam kong natigilan sya sa ginawa ko pero hindi ko nalang inintindi. Sinuot ko ulit sa kanya yung cap tsaka sya pinaypayan gamit yung pamaypay na galing sa mga pulitiko noong eleksyon. Hindi sya sanay sa walang aircon kaya madali syang pawisan. Nanahimik naman na sya at hindi na nagreklamo pa. Mabuti naman, dahil lalo syang maiinitan kung magrereklamo sya ng magrereklamo. Mga ilang minuto pa ang lumipas bago pumarada ang isang puting sasakyan. Napanganga ako ng mapagtanto kung anong klaseng sasakyan iyon. "L-limousine?" Hindi makapaniwala kong tanong sa kanya. Umirap lang sya bago tumango-tango, "Yes. A limousine." Kinatok nya yung bintana ng ilang beses bago iyon bumukas at lumitaw yung pamilyar na mukha nung babaeng nangkwelyo sa akin noon, "b***h, kumpleto na ba ang grupo?" Sa pagkakatanda ko ay JR yung pangalan nya. Ibinaba ng babae yung sunglasses na suot nya, "Bobo, malamang kulang! Wala ka dito, tanga." Saad neto tsaka ako nilingon nang nakasimangot, pinasadahan pa nya ng tingin yung braso kong naka-akbay kay Veronica bago muling nagsalita, "Hoy, Ikaw yung secretary nya diba?" Tumango-tango ako. "Ge, pasok na sa loob." Utos nya na agad ko namang sinunod. Binuksan ko muna yung pinto bago inalalayan syang pumasok, tsaka ako sumunod. Halos manuyo yung lalamunan ko nang mapagmasdan yung loob ng sasakyan. Malawak iyon. Nakakatuwa, ang ganda-ganda dito sa loob. Hindi ako makapaniwalang darating ako sa punto ng buhay ko na makakasakay ako sa ganitong klaseng sasakyan. Hindi naman kasi ako nangarap ng sasakyan na mamanehunin ko, mas gusto kong sumakay ng jeep o di kaya'y umangkas dito. Ang kaso parang hati pa sa dalawang parte itong sasakyan, dalawa lang kasi kami ni Veronica dito sa loob, malamang nasa kabilang parte namin, sa bandang unahan yung iba pa nyang kaibigan. "Are you amused?" Tinignan ko sya at tinanguan, ngumisi lang sya, "Yes. You really should be, this car costs a lot of fortune that only we, the people in the rich community can only afford this." Medyo balik nanaman sya sa pagiging matapobre nya pero hindi ko nalang masyadong pinansin. "Oo nga." Nginitian ko sya, "Hindi ko naman pangarap magkaroon ng kotse." "Really?" Gulat nyang anya na talagang napaharap pa sa akin sa sobrang gulat, "Almost everyone is dreaming on having their own car, hindi mo man lang naisip yon?" "Hmn..." Umakto akong tila nag-iisip, "Hindi eh." Umiling ako, "Mas gusto kong makita yung pamilya ko na nakasakay sa ganito, hindi pa kasi sila nakasakay sa kahit na anong klase ng kotse pwera sa jeep at tricycle." Iniimagine ko na yung mga mukha nila kung sakaling makasakay sila sa ganito kagandang sasakyan, nako, magtatatalon iyong mga yon sa tuwa. Mababaw pa naman kaligayahan ng mga yon. Napalingon ako kay Veronica na nagtitipa sa cellphone, mukhang may ka-text sya. Maya-maya ay dumikit na sya ng husto sa akin at nagulat ako nang humiga sya sa hita ko. Natawa ako bigla, kanina halos ayaw nya akong dikitan tapos ngayon dikit na dikit nanaman sya, minsan ang gulo nya talaga. Hinimas ko yung tuktok ng ulo nya bago ko sinimulang suklayin gamit ang mga daliri ko. Hmn. Baka inaantok nanaman sya, sabagay, maaga kasi syang nagpunta sa bahay. Dapat matulog muna sya. "Seph?" "Hmn?" "Sing for me again." Napangiti ako, "Sige." (Third person's POV) "Inaaaay! Sabay-sabay na tayong umalis para ako na muna magbi-bitbit nyang bilao mo." Mungkahi ni Stef sa nanay nyang may dalang bilao nang makalabas sila ng kusina. "Hay naku, wag ka na ngang pasaway. Ilalako ko pa ito, siguradong hindi ka nanaman papasok kapag nagsabay tayo. Tsaka mamamalengke pa ako." "Tsk. Akin na nga yan." Marahas na kinuha ni Stefan ang bilao mula sa ina, "Sinabihan na kitang wag ka munang magbubuhat-buhat ng kahit ano, matigas talaga yang ulo mo." Masungit nitong saad. Hinampas ito ng kapatid na sumunod sa kanya na si Stephanie na syang may hawak sa bunso nilang si Stephen. "Kuya naman! Wag mo ng pagalitan si nanay!" "At bakit hindi? Sinabihan na sya ng doktor na pwede syang maglakad-lakad para ma-ehersisyo yung katawan nya pero hindi sinabi ng doktor na magpakakuba sya dyan kakabenta ng kakanin nya." Nakasimangot itong inalalayan ang ina nila na maglakad, "Hindi kita pagagalitan kung hindi ka nagpapasaway." Natawa nalang ang nanay nila sa mga pinagsasabi ng mga ito ngunit agad din iyong natigil nang makarinig sila ng katok mula sa pinto. Nagkatinginan silang lahat, wala naman silang inaasahang bisita ngayon. Si Stef na ang lumapit sa pinto at binuksan yung pintuan, tumambad sa kanila ang pamilyar na mukha ng babae. Berdeng buhok, puting ripped jeans, pulang t-shirt at sneakers na itim. Hinding-hindi nila makakalimutan ang mukha ng babaeng parang pinaglihi sa yelo sa sobrang lamig kung tumingin. Nakapamulsa itong nakasandal sa hamba ng pintuan nila, kumaway ito gamit ang isang kamay, "Hi. We meet again." Sabay ngisi, "I think we'll see each other more often." "A-anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ng nanay nila, "May k-kailangan ka ba?" Umiling ito at inilahad ang kamay sa direksyon ng labas ng bahay nila, "I'm here to fetch you, Victorina." Muli nanaman silang nagkatinginan at sunod-sunod na napalunok tsaka sabay-sabay na nagsilabasan. Halos mahulog yung panga nila nang makita kung ano yung naghihintay sa kanila sa labas. Tatlong magagarang sasakyan ang naghihintay sa kanila. Isang itim na BMW, isang pulang Ferrari at isang puting Mercedes Benz. Sa labas ng mga iyon ay nakahilera ang mga naka-uniporme base sa sasakyan na katapat ng mga ito, bahagyang nakayuko habang ang kanang kamay ay nasa harap at ang kaliwa ay nasa likod---tulad ng mga butler sa napapanood nilang palabas sa telebisyon. "A-ano ang mga ito?" Hindi makapaniwalang tanong ng nanay nila, "Sino sila?" "Cars and drivers." Simpleng sagot nito, "The BMW will send the two of your eldest to highschool, the Mercedes Benz will send the youngest two to elementary while the Ferrari will accompany you everywhere you go." Ngumiti ito ng pagkalapad-lapad sa kanila na tila natutuwa sa mga nangyayari. "Hop in."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD