Ika-19 na Kabanata Sabay na kaming lumabas ni Ando ng ospital. May mga galos pa ako sa braso at binti pero hindi naman na gaanong halata. Masakit kapag nadidiinan,pero okay naman na kahit papaano. Paguwi ko nga inusisa agad ni nanay kung ano ang nangyari sakin,sabi ko nalang nadulas ako sa banyo,kaso napagalitan parin ako. Hindi ko raw inaalagaan ang sarili ko. Hay naku,yung nanay ko talaga mahal na mahal ako. "Nga pala,sinabi ni Jude na pupunta raw sila dito nung Ando bukas. Maghapon pa nga raw e."-nanay "Talaga nay??" Maghapon sila Ando dito bukas. Wiih. (๑''๑)♡ Tumango lang si nanay bago sya nagpasama kay tatay na pumunta sa palengke. Kailangan nya na raw mamili ng marami. Hahahaha. Sa katakawan ba naman ni Pot baka maubos yung mga nakaimbak naming pagkain. Umakyat na rin ako sa

