Ella
Mellisa and I became friends since that day she approach me. Kumakain narin Siya sa bench kung saan Ako kumakain ng mag isa noon. Dito narin kami tumatambay pag Wala kaming klase kung Minsan Dito din Siya kumukopya ng notes ko or even assignment kung Hindi Siya nakaka gawa ng assignment niya at home. Minsan nagpapa turo dn Siya sa akin ng lessons Namin para daw nakaka recite din Siya tulad ko pag Oras ng recetation, Hindi naman mahina ang utak ni Melissa tamad lang talaga mag aral, mas gusto niyang mag pa cute sa mga boys kesa Ang magbasa ng mga books niya. Hindi tulad ko na puro libro Ang kaharap ko.
" Halina na Dali." hilahila Ako ngayon ni Melissa papasok sa cafeteria lilibre daw niya Ako ng meryenda tumatanggi Ako sa kanya pero wla akong nagawa this time dahil Hindi niya Ako binitawan at halos pakladkad niya akong hinihila.
"Doon, don Tayo pumwesto." turo niya sa akin na may bakanteng mesa. " There, upo ka nalang ako na binili ng pagkain natin mabuti wla pa masyadong pila." suhestyon ni Mellisa. hinayaan ko nalang Siya dahil sa totoo lang napagod Ako sa kaka Hila niya sa akin kanina.
Abala na Ako sa pagkain ng espaghitte na inorder ni Melissa sinamahan pa ng burger at soft drinks, ng biglang mag ingay Ang loob ng cafeteria, agad Kong inilibot Ang aking paningin upang Makita kung Anong pinagkakaguluhan kapwa ko estudyante.
Napansin ko Ang limang kalalakihan estudyante Ang pumasok sa cafeteria, guwapo Ang mga ito walang maitulak kabigin.