ELLA
Nagpalingalinga Ako sa paligid dahil pakiramdam ko ay may naka masid sa akin. Nandito ako ngayon sa bench na lagi naming tinatambayan ni Melissa. Lunch break ngayon mag isa lang ako hindi pumasok si Melissa dahil masama daw Ang pakiramdam nito. Gusto ko man siyang dalawin hindi ko naman alam kung saan ang bahay nila at baka Hindi Rin Ako makapasok doon dahil alam ko sa isang sikat na subdivision Sila nakatira.
Nang wala akong makitang nakatingin sa akin ay muli kung ibinalik ang atensyon ko sa librong aking binabasa habang nasa tabi naman ng aking libro Ang lunch box na baon ko na kasalukuyan ko ding kinakain. Nakasanayan ko na kasi na habang kumakain ay sinasabayan ko ng pagbabasa ng aking libro.
"What the..." nagulat Ako ng biglang may umagaw sa kutcharang hawak ko na Puno ng ulam at kanin na dapat ay isusubo ko na.
Agad akong napalingon sa aking tabi ng biglang may naupo sa tabi ko kasabay ng paghila sa lunch box ko at walang pasabing kinain Ang dapat sana pananghalian ko. Nagulat Ako ng Makita ko Ang lalaking may asul ang mata.Oh my Anong ginagawa niya Dito.
" Hey akin Yan ah.." pinilit kong agawin Ang aking baonan pero mabilis nya itong nailayo sa akin habang Panay parin Ang subo nito. " Bakit ka ba nangunguha ng pagkain na hindi sa'yo akin dapat Yan, ba't hindi ka sa canteen kumain marami namang pagkain doon." naiiyak Kong Turan dito habang nakatingin sa baonan kong halos masaid na Ang laman. Nakailang subo pa ito bago ibinalik sa akin ang aking baonan.
" O ayan damot mo naman hindi naman masarap ang baon mo." balik nito sa akin ng baonan kong Wala ng laman.
" Kaya pala naubos mo Kasi Hindi masarap ang baon ko." sumisinghot kung saad Dito habang nililigpit Ang baonan ko pano pa Ako kakain nito wala na panaman akong dalang Pera saktong pamasahe ko nalang pauwi Ang nasa bulsa ko.
" Kakaiba Kasi ang lasa hindi katulad sa canteen nakakasawa halos lahat ng putahi parepareho ang lasa."
Agad ko namang sininop Ang aking baonan at inilagay ito sa backpack ko na nasa kanilang tabi ko lang din Hindi ko na pinansin Ang nasa tabi ko agad ko itong iniwan ng masinop ko na Ang mga gamit ko.
Halos maiyak Ako habang naglalakad pabalik sa aming classroom, nagngingitngit Ang kalooban ko sa lalaking umubos ng baon ko.
Kung kailan nag uumpisa na akong magka crush sa kanya. Akala ko mabait Siya dahil sa pinahiram niya Ako ng t-shirt ng minsang matapunan Ako ng tubig sa canteen. Yon pala mang aagaw ng pagkain ng may pagkain. Hindi ko parin pala naisusuli sa kanya Ang t-shirt nya baka yon din Ang dahilan kaya niya Ako inagawan ng pagkain.