October 5, 2009
UP Diliman
12:00 PM
“Okay, Class dismissed!” Malakas na sambit ni Ms. Gonzaga sa buong klase.
Agad namang nagsipagtayuan ang mga estudyante sa loob ng Classroom nila James. Dahil Transferee Student si Lexie, alam niya sa kanyang sarili na walang mag-iimbita sa kanya para sumabay sa pagkain. Kaya naman, dali-dali siyang nagligpit ng kanyang mga gamit at mabilis na naglakad palabas ng Classroom. Lingid sa kanyang kaalaman ay kanina pa pala siya sinusundan ng tingin ni James.
Nagmamadali ring lumabas ng Classroom si James at pilit na sinusubukang habulin ang parang hangin kung maglakad na si Lexie. Ngunit nataon naman na naglabasan na rin ang ibang estudyante mula sa katabi nilang mga classroom. Napuno ng mga estudyante ang maliit na hallway na iyon ng third floor. Anupa’t naharangan na nila ang makipot na pasilyo kung saan dumaan si Lexie.
Napatingkayad si James sa pag-asang matatanaw pa niya kahit ang ulunan lang ni Lexie. Mabuti nalang ay nakita niya parin ito kahit sobrang layo na ng kanilang pagitan. Lumiko si Lexie sa bandang kanan, kung saan naroon ang hagdanan pababa, kung saan sila unang nagpanagpo.
“Kailangang masalubong ko siya sa Ground Floor.” Bulalas ni James sa kanyang sarili. Hindi niya maintindihan kung bakit gayon na lamang ang kagustuhan niyang malapitan at makausap muli ang babaeng iyon, kahit na nga sinupalpal pa siya nito at ipinahiya kanina sa klase nila.
Ibinaling niya ang kanyang paningin sa kanyang kaliwa at naalala niyang mayroon pa palang isang maliit na staircase doon na pwede niyang madaanan pababa. Hindi nga lang ito malimit daanan ng mga estudyante dahil medyo delikado. Nangangalawang na ang mga bakal at sobrang kitid ng mga baitang.
May pag-aalinlangan man sa kanyang isipan, agad na tumakbo si James patungo sa hagdanang iyon at mabilis na bumaba. Ilang segundo lang ay agad din siyang nakarating ng Ground floor.
Agad siyang pumunta sa b****a ng hagdanan na bababaan ni Lexie. Bahagya pa siyang nagtago sa gilid nito habang inaabangan ang babaeng tila pumukaw ng kanyang atensyon.
Ilang sandali lang ang nakalipas, natanaw na niya ang ubod ng gandang si Lexie na bumababa mula sa hagdan. Ngunit hindi siya nagpakita agad dito. Hinayaan niya munang makalagpas nang kaunti sa kanya bago siya nagsimulang humakbang palapit sa kanya.
Lumakas ang kabog ng dibdib ni James. Ang kanyang pawis sa mukha ay hindi pangkaraniwan. Ito’y hindi dulot ng kanyang pagkahapong dala ng kanyang pagtakbo. Ito’y butil-butil at malamig at may kasamang bahagyang pagnginig ng kanyang mga binti.
Ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya ay muli siyang natigilan.Tila naguguluhan kung dapat ba niya talagang kausapin ang babaeng iyon.
“Wait. What the heck is wrong with me? Grabe ang kagustuhan kong makausap muli itong babaeng ito. Bakit hindi ko naman maihakbang ang mga paa ko? Anong meron sa kanya at nagkakaganito ako? Naiinis ako dahil sa kagaspangan ng ugali niya na hindi naman bagay sa hitsura niya. Pero bakit parang interesado akong makipagkilala sa kanya?” Sambit ni James sa kanyang sarili.
Unti-unti na namang lumalayo ang agwat nilang dalawa. Parami na rin nang parami ang mga estudyanteng nagsisipag-daanan sa Ground Floor. Kailangan nang magdesisyon ni James kung hahabulin ba niya si Lexie upang kausapin, o hahayaan na lang niya muna itong makaalis at hintayin na lang ang ibang pagkakataon.
Napailing si James. Huminga siya nang malalim at saka sinubukang pahinahunin ang kabog ng kanyang dibdib.
“It’s now or never...” sambit nito sa kanyang sarili.
Malalaki ang kanyang mga hakbang na lumapit kay Lexie at lakas-loob na kinausap ito.
“Miss...” sambit ni James na may katamtamang lakas ng boses.
Lumingon sa kanyang likuran si Lexie. Nang makita niya kung sino ang nasa kanyang likuran, bahagya siyang napa-ismid. Hindi siya nagbigkas ng kahit isang salita. Tinitigan lang niya si James nang malagkit.
“Miss Santos, right?” Tanong ni James.
“Ano na naman, Mr...”
Hindi pinatapos ni James magsalita si Lexie.
“James. Call me James.” Sambit niya. Inabot niya ang kanyang kamay sa kanya. Ngunit imbes na makipagkamay ay ‘inapiran’ lang ito ni Lexie na sinabayan ng pag-irap.
“We don’t know each other. And I don’t even care kung anong pangalan mo.” Malamig na sagot nito. Tumalikod siya at mabagal na naglakad palayo kay James.
Ibinaba ni James ang kanyang kamay at napahinga ng malalim.
“Kaya nga nagpapakilala, eh.” Patuyang wika ni James sabay kamot sa ulo at bahagya na lamang ngumiti para maitago ang pagkapahiya nito.
Natigilan si James ngunit agad din niyang sinikap na madugtungan ang kanyang sinasabi para maibsan kahit paano ang awkwardness na kanyang naramdaman dulot ng patuloy na pagsupalpal sa kanya ni Lexie. Sinabayan niya ang paglakad na ginagawa ni Lexie.
“Wait! Sandali lang! Ang bilis mo namang maglakad, ‘eh. May kasama ka bang maglunch? San ka magla-lunch? Gusto mo sabay na tayo? Treat ko. Ano ‘G ka ba?” Sunod-sunod na tanong ni James.
Muling natigilan sa paglalakad si Lexie at hinarap ang nangungulit na lalaking walang humpay sa pagsunod sa kanya.
“What are you into?” Nakataas ang kilay na sambit ni Lexie. “Wala ka bang ibang mapagtripan at ako ang pinagdidiskitahan mo?” Alam mo, kanina ka pa, ‘eh! Kaninang umaga mo pa ako iniinis! Dugtong pa nito.
“Miss, are you still mad at me on what was happened earlier this morning?” Tanong ni James.
“Well, why shouldn’t I? ‘Ni hindi ka nga humingi ng sorry sa akin!” Pagpapaliwanag ni Lexie habang patuloy lang sa pag-ismid nito.
“Well, that’s why I’m here. To apologize sincerely to you, Lexie.”
“Don’t call me on my first name! Close ba tayo?” Pabalang na wika ni Lexie sabay irap.
Muli na namang napabuntong hininga si James habang patuloy na kinukumbinse si Lexie na makinig sa kanya.
“Look, I’m trying here. I’m really, really trying here, okay? Just please take time to listen to me.” Pakiusap ni James sa kanya.
Natigilan si Lexie at hinayaan niya itong ibulalas ang kanyang saloobin.
“I’m sorry, Ms. Lex... Ms. Santos. I’m sorry about what happened earlier. It was all my fault. I was in a hurry... and hindi ko talaga nakita na nandoon ka’t pababa sa hagdan na pa-salubong sa akin. I deeply apologize.
Tila humupa ang pagkapikon ni Lexie kay James dahil sa mga narinig niya. Huminga ito nang malalim at saka nagsalita.
“Sa susunod, titingin ka lagi sa dinaraanan mo. Paano kung buntis pala yung nakabanggaan mo kanina? ‘Edi nadamay pa pati ‘yung walang kamalay-malay na bata?”
“I know... I’m really sorry.” Ani James.
“O-Okay. Accepted.” I’m good, you’re good. Nothing to worry about anymore. Kakalimutan ko na ang nangyari, at sana gano’n ka rin.” Malamig na sagot ni Lexie ngunit bahagya nang huminahon ang boses nito. Hindi na rin nakatutunaw ang kanyang paningin.
“Hayaan mo sana akong makabawi sa iyo. Let’s have lunch together, shall we?” Pag-aaya ni James.
“W-Wait. I’ve already forgiven you, right? Hindi mo na ako kailangang gawan ng pabor, ano ka ba?”
“No. I insist. It’s the least that I can do. Isipin mo nalang pambawi ko ito sa abalang ‘dinulot ko sa’yo mula kaninang umaga. And besides, I want to know you. Gusto kitang makakwentuhan.” Pagpupumilit ni James.
“Treat this as my Peace Offering to you!
Bahagyang napakunot-noo na naman si Lexie dahil ayaw talaga siyang tantanan ni James.
“Sige ka, ikaw rin. Hindi masayang kumain nang nag-iisa sa first day mo sa school. Halika na, dali! Wag ka nang umangal!” Ani James.
Mabilis na hinawakan ni James ang kamay ni Lexie at sinimulang maglakad palabas ng School Building. Gulat na gulat naman at halos makaladkad si Lexie dahil sa paghatak ni James sa kanya.
“Wait! Don’t touch me! Kaya kong maglakad mag-isa!” Pagtataray nito.
Tila wala na ngang nagawa pa si Lexie kundi pumayag sa peace offering sa kanya ni Jame.
***