Tumakbo ako papunta sa garden, agad akong naupo sa ilalim ng isang puno. Pinunas ko ang aking mga luha.
Ngunit patuloy lang ang mga ito sa pagpatak kaya hinayaan ko na lang dumaloy sa aking pisngi.
Nakatanaw ako sa kawalan. Sunod-sunod na buntong hininga ang ginawa ko at marahan kong ipinikit ang aking mga mata.
“ Giov, listen to me please!...” pagmamakaawa ko sa kanya habang pilit hinahawakan ko ang isang kamay nya na ipiniksi lang nito.
“Then answer me Allison!” namumula sa galit ang mukha nito. Lumapit ito sa may bedside table kinuha ang kanyang cellphone “Is it you! Is it you right?!” napapitlag ako sa lakas ng sigaw nito saken sabay inihagis sa kinaroroonan ko ang cellphone niya. Napaiyak na ako ng todo. Lumapit ako dito at niyakap sya” please let me explain love.. please love hear me out!” pakiusap ko sa kanya pero itinulak ako ni Giovanni.
“ You can't answer my simple question? Then you want me to hear some lies! Kailan pa Allison? Kailan mo pa kami pinagsabay?” Tiningnan ako nito na para bang nandidiri saken. “ Bakit sawa ka na ba saken? Bakit mas magaling ba sya kesa saken?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa mga narinig ko sa kanya. I slapped him hard.
“ How dare you! I gave everything to you Giovanni! I love you selflessly!” Galit na tinitigan ko ito “gusto mong malaman kung ako iyan! fine! It's me!” Sabi ko sa kanya. Dumaloy naman ang sakit sa mukha niya ng marinig ang sinabi ko.” You're a w***e! Leave! Don't ever show your face again! I don't want to see you!” pagtataboy nito sa akin. “ Kung ayaw mo akong pakinggan, fine! I understand. Pero ang mapagsalitaan mo ako ng mga mga bagay na iyan, hindi ko matatanggap.” iyan ang mga salitang binitiwan ko at umalis na ng condo unit ni Giovanni.
Ilang araw akong hindi pumapasok. Nagmukmok lang ako sa aking kwarto at umiyak ng umiyak. Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung kanino ako lalapit, wala akong masandalan dahil ang isang taong inaakala ko na ipagtatanggol ako kinamumuhian ako.
Pumasok ako sa Cr at itinapat ko ang sarili ko sa shower. Hinubad ko ang damit ko at mariin akong napapikit ng makita ko ang mga pasa ko sa buong katawan, tumulo na naman ang aking luha. Pinagkukuskos ko ang aking katawan nandidiri ako sa sarili ko. Masagana pa ring dumadaloy ang mga luha ko kasabay ng patak ng mga tubig sa katawan ko napaupo ako sa sahig.
Lem was harrass me! They set me up! They ruined my life!
Magkakakuntsaba sila nila Amy. Nilagyan nila ng pampatulog ang drinks ko, naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang marahas pagmasahe sa mga dibdib ko habang sinisip ang aking leeg. “s**t! Dibdib pa lang busog na! Kaya pala baliw na baliw sayo si Galveston!” . Mabilis kong itinulak ang lalaki at pinulupot ko sa hubad kong katawan ang kumot. Ngunit mabilis si Lem hinila ulit ako pahiga sa kama, pilit akong nanlalaban. Pilit ko siyang itinutulak habang nakakubabaw sa akin. Pinagsasampal ako nito. Napaigik ako sa sakit, putok na din ang aking mga labi nalalasahan ko ang aking sarili dugo. Tinangka niya ulit akong halikan pero iniiwas ko ang mukha ko. Madiin nyang hinaklit ang mga braso ko ng hindi ako makapanlaban. Pero mabilis ko syang tinuhod kasabay ng paglundag ko sa kama ay hinablot ko ang kumot. Hindi pa man ako nakakarating sa pintuan ay naramdaman ko ang pag hampas sakin. Nilingon ko pa ngunit tumama na naman sa aking katawan ang sinturon nya sa pagkakataong ito ay hindi na sa likod ko kundi sa may dibdib ko pahaba hanggang sa may bandang tagiliran na inabot din ang braso ko. Wala akong ibang maisip kundi ang iligtas ang sarili ko kaya ng mahawakan ko ang lampshade ay binalibag ko sa kanya. At tumakbo ako palayo na ang tanging saplot lang sa aking katawan ay kumot. Wala na akong pakialaman kung pinagtitinginan ako ng mga nakakasalubong ko. Sa pagmamadali ko ay may nabangga akong isang lalaki, nanlalabo na ang aking paningin kumapit ako dito “ help me please….” ang aking tanging nasabi “ miss! miss! Wake up! s**t!” iyon lang ang aking narinig bago ako mawalan ng malay.
Nang magising ako nasa hospital bed. Ayon sa mga nurse ay tatlong araw na daw akong tulog. Tinanong ko kung sino ang nagdala saken ay isang lalaki, nabuhayan naman ako ng loob sa narinig ko. Si Giovanni ang naisip ko ngunit ganun ang pagkadismaya ko ng ibigay sa akin ng isang nurse ang jacket na nakasuot daw iyon sa akin ng dalhin ako ng lalaki dito. Kinuha ko ito at pinakatitigan may naka-embroided na Zeus Miguel sa likuran. After two days na discharge ako. Umasa ako na magiging ayos din ang lahat paglabas ko sa ospital pero hindi pala.
Ang nag-iisang tao na inakala kong karamay ko ay pinagtatabuyan ako at kinamumuhian ako!
Para akong lantang gulay na lumabas sa Cr. Nakaharap ako sa vanity mirror at pinagmasdan ko ang sarili ko, namuo na naman ang mga luha sa mata at mabilis na nagsipatakan na para bang hindi nauubos ang mga ito. Sobrang sakit, iyon lang ang tangi kong naramdaman ng mga oras na iyon. Napahagulhol na lang ako.
Hinawi ko lahat ng naglagay sa vanity mirror Kaya tumilapon lahat. Lahat ng mahawakan ko inihagis ko. Maging ang picture frame namin ni Giovanni ay Hindi nakaligtas, ubod lakas ko itong ibinalibag sa pader. Patuloy lang ako sa pagwawala. Wala na akong pakialam kung ano man ang mangyari sa akin. Ang parents ko, they never care for me. They always with their business. I grew up with my nanny. And now Giovanni was despise me! I'm alone now!
Napaupo ako sa sahig at isinandal ko ang aking likod sa gilid ng kama habang ang ulo ko ay nakasubsob sa dalawa Kong tuhod. Patuloy pa rin ang masaganang pagdaloy ng aking mga luha. Dinampot ko ang bubog na galing sa basag na picture frame at walang pagdadalawang-isip, sunod-sunod kong hiniwaan ang aking pulso. Narinig ko pa ang pagkalabog ng pintuan bago ako tuluyang nawalan ng malay.
Hindi ko alam kung ilang araw akong nakaratay bago nagkamalay. Marahang haplos sa kamay ko ang naramdaman ko ng magising ako. Si Auntie Siony ang nabungaran ko. Naka-ngiti ito pero bakas parin sa mukha ang pag-aalala.
" mabuti naman nagising ka na, pinag-alala mo kami ni Uncle Dan mo.. wag mo nang uulitin yun anak.." hinaplos nito ang pisngi ko at pinahid ang ilang takas na luha. Nang marinig ko ang mga winika ni Auntie ay napahagulhol ako kaya niyakap ako nito. " Auntie ang sakit! ayaw na saken ni Giovanni! nandidiri na sya sa akin! Binaboy ako Auntie! Binaboy ako!" Naghihisteryang sabi ko. " ayaw ko na Auntie! Ayoko na! mga hay*p sila!" nagsisigaw ako. Pilit akong pinapakalma ni Auntie nanatiling yakap-yakap niya ako, si Uncle Naman ay mabilis na tumawag ng doctor. May kung Anong tinurok sa akin ang doctor na ang sunod-sunod kong paghinga ay kumalma na para akong nawalan ng lakas. Namalisbis na naman ang mga luha ko, nakatingin lang ako Kay Auntie na ipinipilig ko ang aking ulo habang si Auntie naman ay umiiyak at paulit-ulit na sinasabi " I'm here.... I'm here... don't worry...I will protect you... please be strong.. please fight.." humihikbing iyak ni Auntie.
Nang magising ako ay sa isang kumusyon naman. Ang magulang ko ay nandito na, siguro ay tinawagan ni Auntie.
" Anong sinasabi mo Danilo? iyang batang iyan ay pariwara! kahihiyan ang dala sa pamilya namin!" Sigaw ni daddy Kay Uncle Dan "Sinasabi mo ba na binaboy iyan ng isang Salvacion? nakarating sa amin ang nangyari at mismong anak ng mga Salvacion ang nagkumpirma sa amin na matagal ng may namamagitan sa kanila!" sigaw ni daddy "paano mo ako mapapaniwala? huh?. gayong ang Plano ng mga Galveston na engagement party at merging ng kompanya ay ini-atras na!" napaluha ako sa mga sinabi ni daddy. Sinuntok ni Uncle Dan si daddy sa Galit "Simeon! anak mo iyan! kaligtasan ng anak mo ang usapan!" sigaw ni Uncle " paano mo naaatim ang ginawa nila sa sarili mong anak!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Uncle kay daddy.
" our decision was final Danilo. We have to do this for our family sake." aniya pa ni daddy.
Kinuwelyuhan naman ito ni Uncle sa sobrang galit " Sige, Simeon gawin mo at kukunin ko si Allison sa inyo total mga Wala naman Kayong kwentang magulang!"
Mabilis namang tumayo si Auntie at inalis ang mga kamay ni Uncle na nakahawak sa kwelyo ni daddy.
"please hon, calm down.." mahinahong Sabi Naman ni Auntie. Binitawan naman ni Uncle ang pagkakahawak kay daddy.
Tahimik akong lumuluha habang pinapanood ko sila hindi nila wala silang alam na gising ako. Bumukas ang pintuan at iniluwa si mommy. Tiningnan nito si Uncle at daddy na wari koy batid Niya ang nangyari.
" you don't need to argue. I have settled everything" aniya ni mommy. "abortion was scheduled tomorrow morning" ayon pa Kay mommy at tumingin sa gawi ko, mabilis Kong ipinikit ang mga mata ko at nagkunwaring tulog.
Buntis ako! magkakababy na kami ni Giovanni! hindi ko mawari ang nararamdaman ko natatakot natutuwa at nangangamba ako.
Natutuwa ako, sumikdo ang puso ko ng malamang kong may buhay sa sinapupunan ko.
Ngunit nangangamba ako sa kahihinatnan ng anak ko naming dalawa , dahil sigurado ako kahit sabihin ko Kay Giovanni hindi nya ako paniniwalaan na anak nya ang dinadala ko. At ang mas nakakatakot ang plano ng magulang ko! kailangan kong makatakas dito mamayang gabi. Papatayin nila ang anak ko! Hindi maaari!
"what! there is a lives!" sigaw ni tita Kay mommy napatampal sa noo nya habang ang isang kamay ay nakapameywang "you want them to be killed?! they're your blood?" nakaturo pa ang isang kamay ni Auntie sa akin. Naaaninagan ko. "I felt pity for Allison for having a merciless mother like you!" Galit na wika nito. "watch your words Siony! I'm still her mother! at wala kang karapatan o questionin ang pagiging magulang namin! ginagawa lang namin ito para sa kapakanan ni Allison!" Hindi nagpatalo na wika ni mommy. " bakit ba kayo andito? huh?!. " patuloy ni mommy "bakit mabuting magulang ba kayo kay Tamara? eh sarili nyo ngang anak hindi nyo magawang arugain! kaya hayon! nakaratay at inaantay nyo kung kelan malalagutan ng hininga! tapos mangangahas kayo na kunin ang anak ko!" - napamulat ako ng marinig ko ang malakas na lagapak sa mukha ni mommy.
Hinila naman ni Uncle si Auntie palabas ng kwarto. Samantalang hinihimas naman ni mommy ang pisngi nya na ngayon ay pulang-pula, dumako ang tingin nila saken at lumapit.
"how are you princess?" - Tanong ni daddy saken na para bang sincere talaga sya na walang balak na masama. Napaluha ako, nang maisip ko ang plano nila sa anak ko.
"stop crying sweetie.. we are here now..you be will be safe." alo ni mommy saken, mas lalo lang akong napaiyak dahil Wala silang balak ipaalam saken na buntis ako. They pretending. "nagugutom ka ba? " Tanong ni mommy, umiling lang ako " sweetie you need to eat, you need some energy for tomorrow " napatingin ako sa kanya " I mean is tomorrow you will be examine again" nag-usap sa tingin yung dalawa ni daddy at napatikhim.
Napatango ako kay mommy. I also pretending that I didn't know about my pregnancy and their plans. I need to escape from them as soon as possible. My baby was in danger!
Tumingin ako sa wall clock around 8pm. Lumabas si daddy para kumuha ng damit sa bahay, alam kung matatagalan iyon dahil traffic ng ganitong oras. Inaantay kung makatulog si mommy na nasa couch. Nakapag palit na rin ako ng damit, sinabi ko Kay mommy na hindi ako komportable sa hospital gown at napilit ko naman ito. Nang makita kung tulog na ito ay dahan-dahang naglakad at nang makalabas ng kwarto ay patakbo kung tinungo ang fire exit. Iyon ang safe na daan para hindi kami magkasalubong ni daddy.