Each day that passes Sariyah, slowly got back her shape. Unti-unti naging okay ang kanyang katawan. And now, she's packing her things to go to her work.
Kahit fresh graduate palang siya ay may umalok sa kanyang trabaho sa isang marine science laboratory. Kahit pa man din noong nag-aaral pa siya ay nagpa-part time siya doon kaya naman hindi na siya nahirapan pa sa pag-a-apply nang trabaho.
"You sure you're okay now? Baka naman mabinat ka mahal." Nag-aalalang sabi ni Bryson na nakamasid lang habang naghahanda si Sari sa mga gagamitin sa trabaho nito.
Sari chuckles a bit. "I'm fine, Bry. Sabi naman ni Doc. Quizon, na sa laboratory lang muna ako ngayon. Hindi daw muna ako pwedeng sumisid muna sa dagag para pag-aralan ang mga reefs."
Nasa harap nang salamin si Sari at abalang ayusin ang sarili. Ang nobyo naman siyang si Bry ang maghahatid sa kanya sa kanilang Laboratory Center.
"Just promise me you'll not overwork yourself, please..." Nagsusumamong turan nang nobyo ni Sari.
Itinigil muna ni Sari ang ginagawa at nilapitan ang nag-aalalang nobyo na nakaupo sa dulo nang kama. Sari sits on Bryson's lap and Bryson immediately snaked his arms to her waist and grip it gently.
Ikinulong ni Sariyah ang nag-aalalang mukha nang nobyo.
"I promise po." Malambing na ani Sari bago hinalikan ang labi nang nobyo na agad nitong tinugon. "And it can also help me to if I take my masteral degree, to expand my knowledge on how to take care of our marine ecosystem." Pangungumbinsi pa ni Sari.
Wala naman nagawa doon si Bry. He knows how time and effort Sari invested in her career. Sariyah is a dreamer. Marami itong pangarap kaya suportado niya ito sa lahat nang desisyon.
"Okay. . ." The only word that comes out from his mouth. "Please don't make yourself so pretty, baby. Baka may magkagusto sa 'yo sa work mo."
Natawa pa si Sari nang mahina dahil nakalabi ang nobyo nang sinabi iyon.
Pinisil ng dalaga ang pisngi nang nobyo.
"Ikaw lang naman ang nagagandahan sa akin, Bry. Bukod sa 'yo, wala na."
Bryson seems not convinced. "Tsk. You just don't know how many pairs of eyes sets at you every time we go out, baby. You're that gorgeous."
"Well, it doesn't matter to me, though." She said so nonchalantly before giving Bryson the sweetest smile, "it's you I love. I only wanted your eyes and attention, love. Wala akong pakialam sa kanila dahil ikaw lang, sapat na sa akin."
That made Bryson's heart beat, rapidly. Sariyah is the only woman he can imagine her life to be with. He can foresee his future with Sari being his wife and a mother of his kids.
Kung hindi si Sariyah ang makakasama niya, huwag nalang. If she isn't the one, he doesn't want it.
"I love you," he said earnestly as he started lovingly into Sariyah's brown pair of eyes.
"At mahal din po kita, Engr. Bryson Galvez."
Bryson gracefully chuckled and kissed the tip of Sariyah's nose. "You're so cheeky, love."
"And lovely, too." Dagdag na papuri ng dalaga sa sarili nito. "Tatapusin ko lang ang make-up ko tapos papatuyuin ang buhok ko, pwede na tayong umalis."
"Ako nalang ang magtutuyo nang buhok mo." Sabay na tumayo ang dalawa at nagtungo sa vanity table nang dalaga. "I like it when I blow your hair dry."
Nakapwesto ang binata sa likod nang dalaga at pinapatuyo ang buhok nito gamit ang hair blower habang ang dalaga naman ay abala ang paglalagay nang make-up nito sa mukha. The two casually having a conversation.
Matapos ay sabay silang bumaba ng kwarto nang dalaga. They're at Sariyah's house. Pagkababa naman nila ay nagulat si Sariyah nang makita ang kaibigan na nasa sala.
"Ano na naman ang ginagawa mo dito sa bahay namin ha, Everluna Miranda Castillo?" Usisa ni Sari sa kaibigan na akala mo may-ari nang bahay kung maka-upo at makakain nang mansanas.
"Wow, full name ko talaga, Sariyah Coleen Andales Villaruel?" Ganti din na asar ng kaibigan sa kanya. Tumataas pa ang kilay nito na parang naghahamon.
Natawa si Sari. Kahit kailan talaga hindi nagpapatalo ang kaibigan pagdating sa asaran.
"Saan ka?" Usisa ni Sari. "Ayos na ayos ka, ah. May lakad ka din?"
Her friend was wearing a formal attire, which very unusual. Si Luna kasi ang tipo nang babae na nagsusuot lang nang pormal at magarbong suot tuwing may pinupuntahan na importante.
Kapag nga bumibisita ito sa kabilang bahay ay naka-pajama lang ito at oversize na Tshirt, akala mo talaga hindi anak nang mayor nang lugar nila, eh.
"Makikisabay ako, syempre." Mataray na tugon nang kaibigan. "Wala akong pang-gas at nagtitipid ako."
Sari just shake his head. "Para ka naman mamumulubi kung magpapagas kapa. Kahit pa araw-araw kang magpa-full tank, hindi ka mauubusan nang pera, Luna."
"Practical lang ako, my dear friend." Palusot nang kaibigan.
"Sabihin mo, barat ka lang talaga." Pambabara ni Sari sa kaibigan dahilan para umismid ito.
"Napakapangit talaga nang ugali mo." Sambit ni Luna.
"Pangit din naman pagmumukha mo pero hindi naman ako nagreklamo."
Wala talagang araw na hindi nagbabarahan at nagsasagutan ang dalawang magkaibigan. They've been together since childhood so it's okay for the both to insult each other. Sanay na kasi sila sa ugali nang isa't-isa kaya ayos lang para sa dalawa. Pero kung ibang tao ang mang-iinsulto sa kanila, maghanda nalang ang puncio pilato na 'yon, dahil hindi nangpapakabog ang dalawa.
"Stop both of you." Saway nang ina ni Sariyah na kadarating nang sala at may dala itong tatlong tatlong black small bags.
Agad na tumayo si Luna sa kinauupuan nito at dali-daling yumakap sa ginang.
"Tita, inaaway po ako ni Sari, oh. Super bad po nang daughter niyo." Sumbong pa ni Luna na tinawanan lamang nang ginang.
"Hay, naku kayong dalawa. Araw-araw nalang kayo kung mag-asaran. Para kayong aso't pusa." Naiiling na pahayag nang ginang. "Here, gumawa ako nang lunch niyong tatlo. It's much more healthier if you eat home cooked foods."
"Kaya favorite kita Tita, eh. Mabait na nga, maganda pa at higit sa lahat magaling magluto." Paninipsip pa ni Luna sa ginang.
"Sus, binola mo pa ako'ng bata ka."
"Hindi ah, talagang favorite po kita, tita." Giit pa ni Luna.
"Tama na ang ka-plastikan mo, Luna." Sabat ni Sari saka lumapit sa ina at humalik sa pisngi nito. "Thank you for the food, Mommy."
"Careful at work, okay." Bilin ni Carla sa anak.
"Yes, mommy." Paninigurado ni Sari sa ina at muling humalik dito. "I love you, Mom. Tell daddy I love him, too."
"We love you to, our princess." Wika nang ginang at binalingan ang binata na katabi lang nang anak at tahimik na nakamasid. "Drive slowly hijo, okay?"
"Sure po, tita." Malungkot na wika ni Bryson. Muling nanumbalik na naman ang ala-ala nang pagka-aksidente nila.
He felt guilty again. Palagi nalang. Minsan sa Gabi, dinadalaw siya nang bangungot dahil sa aksidente.
And Carla sense the sadness on Bryson's voice, kaya nilapitan niya ito at niyakap nang mahigpit.
"I didn't mean to brought that up." Hinagod nang ginang ang likod ng binata. "Loosen up yourself. We're not blaming you for what happen, hijo. I'm sorry if I offended you for what I said. I'm being insensitive."
What Carla said bring relief to Bryson. That accident keeps on hunting him. Sa tuwing ipinipikit niya ang mga mata, ang dugúan na katawan nang dalaga ang nakikita niya.
"Sige na. Lumakad na kayo at baka ma-late pa kayo sa mga trabaho niyo." Ani ng ginang.
Agad na pumanhik ang tatlo. At tulad nga nang sinabi ng kaibigan niya, nakisabay talaga ito sa kanila.
Habang nasa biyahe sila ay panay ang asaran nang dalawang magkaibigan. Nasanay na nga lang ang tenga ni Bryson sa ingay nang dalawa.
Ilang sandali pa'y nakarating sila sa Quizon Laboratory for Marine Science. Ang lugar lung saan nagta-trabaho si Sari bilang assistant researcher.
"Call me if something happens, okay," ani Bryson nang pagbuksan ng pinto ang dalaga.
"Yes, Engr." Pilyong usal ni Sari and kissed Bryson on the lips before she bade her goodbye.
Huminga muna siya nang malalim bago binuksan ang pintuan nang laboratory nila.
"Let's get everything done self!" Pampalakas loob na wika ni Sari sa sarili bago tuluyang pumasok sa center.