Chapter 09

1775 Words
Hindi ako nagsasalita at nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng kotse habang si Bryson naman ang nagmamaneho. Tapos na namin ihatid si Rex sa apartment nito at pauwi na silang dalawa. Pinapakiramdaman ko lang si Bryson. Hanggang sa makarating kami ng bahay ay hindi pa din ako nagsasalita. Iniwan ko siya sa aming garahe at naunan akong pumasok sa loob nang bahay nang maiparada niya ang kotse ko. Hindi naman ako galit sa kanya. Sadyang nakukonsensiya lang ako sa pagsigaw ko sa kanya kanina. I know Bryson is just protective of me. I get his jealousy earlier that's why I feel guilty for shouting at him. Tulog na ang magulang ko dahil alas-diyes na nang gabi. Wala akong ingay na nagtungo sa aking kwarto. Dare-daretso akong pumasok sa banyo ko para maglinis ng katawan. Paglabas ko nang banyo ay nandoon si Bryson, nakaupo ito sa dulo ng bed ko at halatang hinihintay ako. "Love, talk to me please..." pagsusumamo nito sa akin. "I can't go home like this knowing you're mad at me. Hindi ako mapalagay." Nilapitan ko si Bryson at umupo sa tabi nito. "I should be the one who's apologetic here. Sinigawan kita kanina. I'm sorry..." Inabot ni Bry ang kamay ko at pinisil iyon, "I'm sorry for acting stupíd earlier." "It's okay. Parehas naman tayo nagkamali kanina. Let's call it a night." Ngumiti ako, "dito kana matulog. Delikado kung babiyahe kapa nang ganitong oras." "My back really hurts, I want some back massage." "I'll give you a back massage after. Maligo ka muna doon. May damit ka naman dito na naiwan." Agad na pumamhik si Bryson sa banyo. Ako naman ay ginawa ko ang night rituals. Hindi naman ito ang unang beses na natulong si Bry sa amin. Tiwala na ang magulang ko sa kanya kaya ayos lang kahit hindi niya siya magpaalam sa magulang. And besides, ayaw ko nang isturbuhin ang pagtulog ng magulang ko para lang magpaalam. Sakto naman na natapos ako sa skincare ko ang paglabas nni Bryson sa walk-in closet. May connective door ang closet ko at banyo doon siguro dumaan si Bryson. Nakasuot lang ito ng boxer shorts at walang pang-itaas na damit. "Higa kana doon para masahiin kita," tinuro ko ang higaan. "Liligpitin ko lang itong kalat ko." Agad naman na sinunod ni Bryson ang utos ko. Napakamasunurin boyfriend talaga ang binata. Matapos kong ligpitin ang kalat ko ay kinuha ko naman ang massage oil ko sa drawer at minasahe ang binata. I could hear Bryson's soft grunting and groans. Matapos kong masahiin si bryson ay tumabi ako ng higa dito. Umunan ako sa braso niya at niyakap ang kanyang bewang. "How's your trip from Pangasinan?" I tried small talks. Hindi pa naman ako inaantok, ganon din si Bry. "Nakakapagod... but it's okay now. I get to see my beloved so, my tiredness just flew away instantly." sagot nito sabay halik sa tuktok ng aking ulo. "Sus, bolero mo talaga," kunyaring irap ko. "Tatanggapin mo ba ang project?" Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Bry bago sumagot. "Dad wanted me to. Good start up na daw iyon para sa career ko." "Good opportunity naman talaga ang project na iyon, Bry..." I said, "it's a good start. Tanggapin mo na." "You wanted me to take it?" Mabilis akong tumango, "yes. Accept it." "Okay," tugon nito. "I'll talk to the head engineer tomorrow." Mas isiniksik ko ang mukha sa dibdib ni Bry, "sino ang mga makaksama mo? Mababait ba sila?" "I've known them for quite some time now, and Luna will also be part of our team. Kinuha si ni Eng. Santos for the Architecture of the building." "Kasama si Everluna?" "Yes, kanina ko lang din nalaman. Nagkita kami sa site." Tumango-tango ako, "mas mabuti nang may kakilala ka doon. Pabor din sa akin na kasama mo si Luna. Pwede ko siyang maging intel. Papabantayan kita sa kanya." Bryson snuggled her closer, "I am not interested in anyone. My attention and love is solely for you." "Alam ko," mayabang kong sabi. "Ako na ito, oh. Sayang ang opportunity mo kung maghahanap kapa ng iba." "yeah, yeah. I'm an idiót if I'll let you slip away." Naghikab si Bry, "I'm sleepy already." "Ako din," ani ko. "Good night, Bry." "Hmm. I love you." "Me too," Hugging each other and feeling each other's warthm made them both sleep in peace. Kaya naman kinabukasan ay sobrang good mood ni Sari. "Good morning, Mommy kong maganda at pogi kong Daddy." masaya Kong bati sa aking ina na nasa kusina at nagluluto ng aming agahan. "What's the matter? You're in a good mood." Takang tanong ni Daddy sa akin habang umiinom ng kape. "Bry's in my room." anunsyo niya. "Sinundo niya ako sa bar kagabi and I let him sleep here. It is not safe to drive so late at night kaya pinatulog ko nalang siya kagabi dito and I don't want to disturb your sleep kaya hindi na po ako nakapagpaalam." Hindi naman nagulat ang mga magulang ko ng sabihin kong nasa kwarto ko si Bryson. Sanay na kasi sila at maraming beses na din na nakatulog ang binata sa amin. "It's okay..." sagot ni Daddy. "Nasaan siya? Pababain mo na para makakain na din siya." "He's still asleep. Pagod na pagod 'yon. Galing pa kasi siyang Pangasinan ng sunduin ako kagabi sa bar." Later after ay nagising na din si Bry. Sumabay siya sa amin na mag-agahan. Tapos ay hinatid ako nito sa Center bago umiwi sa kanila dahil pinatawag ito ng kanyang ama. My days passed uneventful. Laboratory works, checking of papers, writing the results of each samples. Gano'n lang din ang naging ganap sa mga araw ko. Nothing special really happens. Today is Saturday. No work. Balak kong bisitahin ulit ang hide out namin ni Bryson. May mga parte pa ng lawa na kailangan linisin. I decided to go there alone since wala naman si Bryson dahil isinama ito ng kanyang ama sa lakad. Ipinarada ko ang kotse sa gilid ng bahay. Tahimik ang buong paligid. Masarap sa tenga ang katahimikan ng paligid. I inhaled the fresh air and spread my arms widely while turning around like a wheel. Para akong tanga sa ginagawa ko pero ayos lang. Wala naman ibang tao sa lugar maliban sa akin. Nilatag ko ang picnic blanket sa damuhan at nahiga doon. Nasa silong ako ng malaking puno ng Narra kaya hindi masyado mainit. Gustong-gusto ko talaga ang lugar na ito. Payapa at tahimik. Masarap ang simoy ng hangin at malamig sa balat. Napakapresko. I just laid flat on the ground for a moment. Letting myself enjoy the serenity and peace of the place. This is really looks majestic. May malaking lawa na napapaligiran ng magagandang bulaklak. I really wonder who's the owner of this land. Napakaganda kasi ng lugar tapos inabanduna lang. Not acceptable. Matapos Kong ma-relax ay sinimulan kong linisin ang bagong gawa namin na garden ni Bryson. Patubo na din ang ibang bulb tulips na tinanim namin. Malapit na din bumukadkad ang talulot ng mga Rosas. Ilang araw lang at magiging fully bloom na din ang mga puno. Mas gaganda pa lalo ang lugar, sigurado ako. Sinasabayan ko ang tugtog mula sa aking cellphone ng may marinig akong kaluskos ng dahon kaya napalingon ang sa masukal na bahagi ng lawa. "Sino 'yan?" inilibot ko ang paningin sa lugar. "May tao ba diyan?" Nakaramdam ako ng kunting kaba. Mahigpit Kong hinawakan ang dala kung water bottle. Kapag talaga may lumapit na hindi ko kilala, ipupokpok ko 'to sa ulo ng tao na 'yon. "Is anyone there?" wala akong sagot na narinig pero nakarinig naman ulit akong kaluskos. "May tao ba diyan?" It went silent again. Pinatày ko ang tugtog sa cellphone. I was about to dial Bryson's phone number when someone grabbed me by the waist from behind. With all my defenses, pinukpok ko ang tao sa likuran ko gamit ang stainless water bottle ko. "Ouch! Ouch! Ouch! Mahal it's me!" My hands froze up in the air when I heard that voice. Nakita ang ang dumugong kilay ni Bryson pagkalingon ko. "Oh my gosh! I'm sorry , shít! Your brows are bléeding!" mabilis kong kinuha ang panyo sa bulsa ng suot kong pantalon at diniinan ang sugat sa kilay ni Bryson. "Bakit naman kasi nanggugulat ka!" singhal ko dito ngunit may pag-aalala sa boses ko. "Ayan tuloy napukpok kita ng tumbler! I thought it was some sort of bad guy!" "I was just trying to scare you a bit," Sabi ni Bryson na may ngisi sa labi. "Pero mukhang hindi na ako uulit. Baka hindi lang kilay ko ang dumugo kapag ulitin ko pa." I was a bit worried and annoyed at the same time. "Don't do it again, Bry." nag-aalala na sabi ko. "Tatawagan pa naman sana kita kanina. Kinakabahan ako ng slight." Bryson chuckles heartily and gives her a peck on the lips, "you look peaceful spending your time here alone. Ang sarap mong pagmasdan sa malayo. Ang ganda-ganda mo pa." Umikot naman ang mata ko. "Kahit kelan talaga napakabolero mo." "I'm just stating the fact, Mahal." "Oo na, oo na. Ako na ang pinakamaganda." Hinila ko si Bryson papuntang ilalim ng puno kung saan nalatag ang picnic blanket. "Kumusta ang lakad mo with Tito Eduardo?" tanong ko habang inaasikaso ko ang dumugong kilay ni Bryson. Buti nalang talaga at mayroon akong band-aid na dala palagi sa bag ko. "Wala naman masyado. Sinamahan ko lang si Daddy na magfile ng Certificate of Candidacy for this coming election. Balak ni Dad na tumakbo bilang senador. He's aiming for a higher position." Bryson's father is their Governor habang ang Ama naman ni Luna ang Mayor ng lugar. Sigurado din ako na tatakbo ulit ang Daddy ni Luna. Nasa dugo talaga ng pamilya nila ang politiko. "Ows, sigurado akong mananalo na naman si Tito Ed niyan. Ang galing kaya niyang Governor sa atin." komento ko. Magaling naman talaga na gobernador ang tatay ni Bryson. Maraming project ang nagawa nito sa lugar nila. "Not sure, kilala din ang ibang kalaban ni Dad sa posisyon." "Ang Daddy ni Luna? Tatakbo din ba?" Tumango si Bryson. "Si Uncle Den ang hahalili kay Daddy sa pagiging Governor. Their alliance." "Edi sure win na 'yan," I said. "Malakas sa tao sina Uncle Den. His father is a former President, malamang magugustuhan din sila ng masa." Tumitig sa akin si Bryson. May ibang ipinapahiwatig ang mga titig na iyon sa akin. "Don't leave me, okay? Kahit ano pang sabihin ni Daddy sa 'yo, kahit ano pang marinig mo, huwag mo akong bibitawan ha? I'll do everything to change my Dad's decisions. Just hold on to me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD