Episode 2

1212 Words
"Mag-iingat ka doon anak. Dalaw ka rin pa minsan-minsan samin." Paalis na ako ng bahay ng maabotan ako nila mama. "Kayo din po. Huwag na kayong mag-alala sakin. Dad alis na po ako." "Sige son. Enjoy! At mag ingat ka." Habang papalayo ang minamaneho kong sasakyan kita ko ang imahe ni papa at mama. Ito din kasi ang nangyari samin dati ng mag kokoliheyo ako sa ibang bansa. Ayaw ko man iwan sila, kaso kailangan kasi. Para rin naman ito sa kanila para sa pag balik ko ay handa na ako para pumalit kay papa. Ayaw ko din mabigo si papa kung papalit ako sa kanya na sapilitan. Gusto ko yung kusa ako ang magsasabi na handa na ako sa lahat. "Hey dude. I'm on my way. 6 PM punta kayo." "Sige. Magdadala daw sila Benedict at Denver ng chix." "Bahala kayo. Dalhan niyo na lang ako." Sabay tawa naming dalawa. Aminin ko chickboy talaga ako. Natutunan ko ito kay Benedict at Denver noong college pa kami. Kaming apat kasi ay matagal ng mag babarkada, we were classmate in college abroad. Party people kasi kami, walang ginawa kundi maglasing, gumimik. Pero ngayon? It's different. Simula grumaduate kami. Sinusulit na namin. Ilang oras ng biyahe ay narating ko na ang resort namin. Family resort namin ito. I was 7 years old dati di pa noon gaano ka busy si papa kaya palagi kaming nandito every weekends. Pagkadating ko ay malinis na ang resort at sa loob ng bahay. Kagaya nga sinabi ni mama na may pinapunta siya dito para maglinis. Wala naman akong gagawin kaya matutulog na lang muna ako at mamaya pa naman dadating sila Rio. NAGISING ako sa tunog ng aking cellphone. Pag tingin ko si Rio pala. Kanina pa pala siya tumatawag. "Oh hello? Pasensya na kagigising ko lang. Where are you guy's?" "Malapit na dude. May kasama kaming mga chika babes. At may iba pa ka sunod lang namin." "Sige. Mag hintay ako sa inyo." Malapit na pala sila kaya nagmadali akong bumangon at nagpalit ng damit. Set naman ang lahat kasi bago ako tumuloy dito ay bumili na ako ng maiinom namin at iba pang kailangan. Ilang minuto lang ay nandito na sila. At talagang may mga kasama talaga silang mga chix! "Bro may kasama talaga kayo. Ibang klase talaga kayo!" "Kami pa bro. Ano game?" Sabi ni Benedict na hawak-hawak ang kamay ng babae. Si Denver naman ay nasa likod na may kasama ring babae na makikita mo sa babae na may lahi. "Game! Kanina pa nag hihintay ang malamig na alak." The party was smooth. Kaya habang di pa ako ang papalit kay papa dapat mag enjoy na ako. "Rio balita ko going strong daw kayo ni samantha. Saan pala siya?" Si Rio ang isa sa pinaka loyal samin. Kami nila Benedict at Denver walang may nagtatagal samin. Ayaw pa kasi namin ng commitment. Yung tipong paghawak kana nila eh halos di kana bitawan. "Oo pre. Balak na nga namin this year mg settle na. Sila papa kasi balak ng pumunta ng states tapos ako ang papalit sa kanila." "Huwag mong sabihin na. ohh? Wait, wait, wait! You mean kasal?" "Oo bro. Bakit pa patatagalin." "You sure? I mean sure kana ba bro? Di ko kasi akalain lang. Pero sabi mo nga bakit pa patatagalin saksi naman kami sa relasyon niyo at ang tagal tagal na ninyo. Kung saan ka masaya suportado ka namin." "Thanks bro. Eh kayo ano balak niyo? Balita ko kay papa, ikaw daw ang papalit sa papa mo? Ang alam ko ayaw mo pumasok sa business?" "Oo bro. Wala naman akong magagawa sino pa ba ang papalit. Ako lang naman ang anak nila." "Pareho lang tayo. Kaya Goodluck satin. Ako nga sabi ko kay Sam kahit ma busy na ako pag ako na ang nasa posisyon ni papa gagawin padin namin magkaroon ng oras sa isat isa." "That's good! Alam ko naman walang imposible sa inyong dalawa. Ako? Ewan lang. Kailan pa kaya dadating ang babaeng para sakin." "Pano naman bro? Ehh ni isa wala nga kayong siniseryoso nila Denver. Basta ang masasabi ko lang nasa inyo yan mararamdaman niyo yan kung siya ba talaga." Sabay tapik sa balikat ko ni Rio. Sabagay. Bahala na. Dadating na lang ang para sakin. Kaya hanggat wala pa mag chika babes lang muna ako. "Kayo dude? Anong balak niyo?" Tanong ko kay Benedict at Denver. Halos magkakapareho kasi kami na ayaw sa long term relationship. Sakit lang talaga ng ulo yan. "I plan to build a business. My own business. Gusto ko sariling business. Ayaw ko gagaling pa sa mga magulang ko. Besides nandiyan naman ang kapatid ko. Siya na ang bahala pumalit kay papa." Sabi ni Benedict sabay lagok ng alak. His the black sheep sa kanilang magkakapatid. Kaya pinipilit niyang maging mabuting kapatid at anak. "Me? I don't know. Sa ngayon focus muna ako sa pag momodelo. Pero kung dumating ang panahon na ipapasa sakin ang kumpanya mas pipiliin ko na lang magtayo ng sarili ko. I want to have restaurant. Alam niyo naman sa ating apat ako ang masarap. "Bro so disgusting mo naman. Kapal!" Kontra ni Rio. "Ano ba kayo. Masarap, masarap magluto. Aminin niyo, sino ang taga luto sating apat?" Tawa naming lahat. Na alala tuloy namin noong college pa kami lalo na ang mga kalokohan namin. Nagkakasiyahan na silang lahat. Ang iba may kanya- kanyang ginagawa. May nag swi'swimming, umiinom at kumakanta. Di na namin namalayan ang oras alas dose na pala. Ang iba ay nag siuna ng umuwi. Sila benedict, Denver at ali na lang ang natira kasama ang chika babes ni Benedict at Denver. "Pano uwi na kami Will. Bilib ako sayo kahit anong hilingin mo nakukuha mo kaagad." Sabi ni benedict sakin na pa tawa-tawa pa. Sinabayan pa ni Denver na pa siklo-siklo na ang pag sasalita. "Si Will pa! La-lakas yan sa mama niya. Pero isa lang naman ang hindi magagawa ng magulang niya kung humiling siya. Ang magkaroon ng syota." Tawa nilang lahat sa sinabi ni Denver. Kahit kailan bolero talaga si Denver. "Ang hard mo naman! Umuwi na nga kayo ako pa ang ginigisa niyo sa kalasingan niyo!" "Totoo naman diba. Kaya ako sayo maghanap ka na ng chika babes gaya ni Rio. Kasi sa susunod hindi kana makaka hanap dahil ma bu-busy kana." Totoo naman sinabi ni Denver. Pero kung may para sayo talaga kusa yan dadating. "Hala na. Daming satsat! Uwi na kayo at magpapahinga na ako. Tawag na lang kayo kung makauwi kayo ng buhay." Biro ko sa kanila na ikina takot ng mga chix nila. "Will gusto mo yata magpaiwan ang mga girls namin tinatakot mo naman!" "Wala akong sinabing ganyan ha." Tawa ko ng palihim. Sige na. Alis na kayo." "Ito si Will. Parang aso kung makataboy." "F*ck you. Sige na." Tawa naming lahat. Kahit ganyan kami mahal na mahal namin ang isa't- isa. Parang magkakapatid na ang turingan namin. Salamat! buti naman at umalis na sila. Makakapag pahinga na ako. Ang saya-saya! Pero bakit naman kaya ang lungkot din? Masaya kanina dahil kasama ko sila. Pero parang may kulang? Ganoon din ng nasa bahay pa ako. Kasama ko nga sila mama pero bakit parang may kulang? Hays!!! Iniisip mo will? Lasing lang ako. Makapag pahinga na nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD