Kristina's POV
Lahat ng pangyayari sa buhay natin ay may mga rason. Hindi lang natin alam kung bakit sa atin nangyari. Pwede naman sa iba diba?
I'm here at our Cruise ship. Simula ng magbalik ang memorya ko nagpakalayo-layo ako sa kanya. Halos sariwa pa ang lahat. Parang kahapon lang na paulit-ulit ko na aalala.
I'll remember when he ask for forgiveness, hindi ako sumagot sa kanya. Puno ng galit at poot ang nararamdaman ko sa kanya. Bakit niya kailangan magsinungaling at itago ako sa mahabang panahon. Pinagkatiwalaan ko siya pero ano ang ginawa niya? Pinagsamantalahan niya ang kahinaan ko. He used me! Ang mas masakit we're married. Asawa ko siya!
Nang nilayo nila ako kay William, lahat sila nag confess lahat na nangyari samin.They all admit na may kasalan din sila. Sa una galit ako sa kanila, pero kalaunan nawawala ang galit ko sa kanila. Laking pasalamat ko din sa kanila dahil tinuring nila akong parang pamilya. Walang may nangyari sakin. Lalo na kay Samantha. Unti-unti kong na aalala ang mga masasayang araw paano ko sila nakilalala. Except kay William. I don't know ni isa wala akong maalaala sa kanya. Sabi nga nila may ibat-ibang amnesia daw. Gusto nga nila dalhin sakin ang dati kong Doctor pero tumanggi na ako. Hindi na kailangan pa. Ang importante ay bumalik na ang alaala ko.
Ito rin ang tinatago kong sikreto sa mga magulang at kay Herald na may asawa na ako. Wala pa akong balak sabihin sa kanila. At paano ko sasabihin sa kanila? Dahil sa mga kaibigan ni William hindi ko sasabihin ang lahat. Alam ko pagsinabi ko ang lahat sa magulang ko walang sasayangin na oras ipapakulong nila si William.
"Hey babe? Are you okay?"
"Yes. May naalala lang ako."
I'm with Herald. My boyfriend eversince. Ilang linggo na kami dito sa cruise ship. Sinabi ko sa kanya na huwag na niya akong samahan dahil kaya ko naman at mas mapapadali ang paglimot ko sa nakaraan ko kung ako lang mag-isa. Ang alam lang nila may kumupkop sakin. Pero hindi ko sinabi kung sino-sino sila. Mas nangingibabaw parin ang pagpapasalamat ko sa kanila dahil walang may nangyaring masama.
"Okay. Why don't you drink. Kahit kunti lang para hindi ka naman ma bored."
"Okay"
Tipid kong sagot. Mula kasi bumalik ang alaala ko medyo nahihirapan akong mag adjust, lalo na sa mga taong malapit sakin. Ewan ko pero I have a feeling na hindi dapat ako magtiwala kahit kanino. Minsan iniisip ko baka siguro dahil lang ito sa nangyari sakin. Kaya heto ako na prapraning.
"Siya nga pala Tin, Buti talaga at walang nangyari sayo no? Alam mo bang mababaliw na talaga si Herald sa kakahanap sayo?"
Tanong sakin ni Riza, si Riza ay barkada ni Herald. Niyaya din namin sila para hindi daw kami mabagot. Ayaw ko naman isama sila kaso nagpupumilit talaga si Herald. Kaya sumangayon nalang ako sa kanya. Ayaw ko na kasi makipagtalo pa. Lalo na sa mga magulang ko. Paulit-ulit na tanong about what happened to me. Sino ang kumupkop. Sawang-sawa na ako.
But I have a feeling to this girl Riza kasama namin ngayon. Nang makita ko ulit siya parang may nakaraan talaga kami.
Lalo na kapag tinititigan ko siya, hindi siya makatingin sakin ng deretso.
"Talaga ba?" Yun lang ang nasagot ko sa sinabi niya. Wala naman kasi akong gana lumabas kung hindi lang nagpupumilit si Herald at baka mag tampo na naman.
ILANG oras ng pag-iinom namin medyo nakakaramdam na ako ng init at pagkahilo. Napadami na kasi ang inom ko.
"Babe okay ka lang ba? Tara na at para makapag pahinga kana." Akay niya sakin. "Hey guy's mauna na kami. Medyo lasing na."
"Sige dude. Huwag mo naman pagurin si Tin." Kantyaw nila samin. Ngumiti na lang ako sa kanila. Ayaw ko naman makipag plastikan sa kanila. Ugali ko kasi na pag-ayaw ko sa isang tao ay ayaw ko talaga.
"Come. Careful. Let me undressed you babe. Para makapag pahinga kana." Sabi niya. Medyo nakakaramdam na kasi ako ng init sa katawan ko. Kaya bigla ko na lang siya hinalikan.
"Babe. Come here."
"Babe lasing ka. Magpahinga kana muna."
"No babe! Please. Kiss me..."
"f**k! Mapilit ka ha."
Habang naghahalikan kami mas dumodoble ang init sa katawan ko. He kissed me on my shoulder, neck and my lips. While his hand carressing every part of my body. Gusto ko lahat hinahawanan niya. Parang may hinahanap ako sa paghawak niya sa katawan ko.
Habang tumatagal may takot akong nararamdaman. Then I remembered him. His face, the way he touch me, kissed me lahat pano niya angkinin ang katawan ko!
"This is mine babe." Nanlaki ang mata ko sa narinig kay Herald. I thought it was William kaya tinulak ko siya at bumagsak siya sa sahig. Nagmadali rin akong lumabas ng kwarto.
"Kristina saan ka pupunta babe? Kristina!"
Habang tumatawag sakin si Herald may kung ano akong kaba na nararamdaman. Pinaghalong William at Herald na kaba sa dibdib ko.
Nasa taas ako ng cruise ship namin sa pinakadulo. Bumalot sa aking katawan ang lamig ng hangin. Na aalala ko na naman siya! That f*****g bastard! Bakit ba?! Bakit kahit sa lamig ng simoy ng hangin may naaalala din ako sa kanya. Mga malalabong alaala.
"Why me??!! Bakit sakin pa nangyari ito? Sa dami ng tao ba-bakit? Bakit ako pa ang pinarusahan niyo?!"
Sumasakit na naman ang ulo ko. Sobrang tindi ng sakit. Nag fla-flashback lahat. Kay Herald pano niya ako niligawan, pano ko siya sagutin. Si William ang mga magagandang nangyari samin. Bakit tila na mi-miss ko siya? You f*cking bastard!
"Babe!"
Napalingon ako sa likod. Nang makita ko si Herald nag flashback lahat. Ang lahat-lahat!
FLASHBACK.....
"Babe please? Makinig ka naman sakin. Hindi ko intensyon! Na-nadala lang ako. Lalo na palagi na lang tayo nag-aaway at hindi nagkikita!"
"Alam mo naman na busy ako, lalo na ngayon ako na ang papalit kay papa. But Herald!!! Hindi yan rason!! You're a selfish! Sarili mo lang ang iniintindi mo! Tell me?! Kailan pa?"
"Babe please. Huwag ganito. Lumapit ka sakin baka mahulog ka.. Pl-please..?"
"No!! Answer me?? Kailan pa Herald?!!!"
"La-last Month babe."
"So, matagal-tagal na pala." Tumawa ako ng pagak. "Oh? Kaya pala. Kaya pala Herald. Kaya pala minsan hindi kana dumadalaw sakin! Hindi kagaya dati!!! Tell me? I'm not enough??!! F*ck! Herald ngayon pa na malapit na tayong ikasal?!!!" Hindi ka ba makapag hintay kaya tumikim ka ng iba!!! At yang Riza sobrang kati na rin ba kaya sayo nagpakamot!!"
"No babe....No! Ewan ko... I don't know! Pero this time. Alam ko sa sarili ko mahal na mahal kita. You are enough. Please forgive me... I'm a messed!! I Love You..."
"No Herald! It's not love!!! You're a selfish!!! I hate you..!! No! I really hate you!!!! Damn you! Both of you!!"
At naramdaman ko na lang na para akong dinuduyan sa hangin pababa. Wala akong ibang naririnig kundi ang sigaw ni Herald.
Present...
"You! Ikaw! kayo ni Riza kung bakit ako nahulog. Kagagawan mo ito Herald! Lahat kayo manloloko!"
Yes! Mula ng magpakita ako sa kanila at iwan si William, wala talaga akong maalala sa nangyari samin ni Herald. Ang sinabi lang sakin ng Police, according to Herald lasing daw ako. Hinatid niya lang daw ako sa kwarto at pagbalik niya daw sa kwarto ay wala na ako. Wala rin makitang evidence kasi nasa pinakaitaas kami. Isa-isa din ininterview ang mga tao sa cruise ship ni isa ay walang may nakakita.
Naniwala naman ang lahat sa kanya dahil sobrang tagal na naming magkarelasyon. We're getting married na din that time. Pero ngayon? Sa akin ko din pala malalaman ang lahat-lahat.
"Ba-babe.... Please let me explain."
"No! Tabi!"
"Please babe..." Tinulak ko siya ng malakas at naglakad na. Pero huminto uli ako at hinarap siya. Isang sampal ang ginawa ko sa kanya.
"You're lucky Herald. Kasi hindi ko ipagsasabi ang totoong nangyari. I love your parents. Para ko na rin silang magulang. Kaya mananahimik ako."
"Babe. Please, don't do this to me. Kristina ba-"
"Shut up Herald, please!!!! And one thing! Huwag muna akong kakausapin pa. Wala na rin tayo. Walang wala na!"
"Kristina huwag ganito please. I Love You."
I chuckled. "I don't love you anymore Herald."
Tumalikod na ako sa kanya. Pero bago pa ako makalakad ay nakaramdam ako ng hilo at sakit sa tiyan. Naramdaman ko na lang na may tumutulo sa binti ko. I saw blood.
"Kristina!? Babe? Are you okay? F*ck!"
At naramdaman ko na lang ang pagbagsak ng katawan ko sa sahig.
****
I'm 8 weeks pregnant. More than a month na hindi ko alam na may munting anghel na pala sa sinapupunan ko. Isang anghel sana na magpapasaya sakin. Na kahit anong dinanas ko ay may kapalit naman at ito ay ang anak ko. Ang anak namin ni William.
Pero kay pait talaga ng nakatadhana sakin. Bakit pati ang anak ko na walang kamalay-malay ay mawawala rin sakin? Hindi na ba ako pwedeng maging masaya?
Mas dumoble ang sakit na nararamdaman ko. At galit kay Herald dahil sa kanya nawala ang anak ko. Ayaw ko mangsisi pero yun ang nararamdaman ko!!!