(Hannah)
I called Penelope to ask something. "Kakatawag mo lang sa akin kanina, ngayon tatawag ka nanaman? Sabihin mo lang kung gusto mo ako ah," asar na bungad niya sa akin.
"Kung magkakagusto lang naman ako sa babae, pipiliin ko naman yung hindi marupok," mataray na sagot ko sa kanya. Napatawa naman siya sa naging sagot ko. "Ano na naman ba ang problema? sabihin mo na agad nasa gitna kami ng loving loving ni Oliver eh,"
I rolled my eyes out of bitterness. "Anyway, Do you know Grayson Reyes?" diretso kong tanong.
"Grayson Reyes? Of course darling, next to my husband, Grayson is one of the demons when it comes to business darling,"
"Ganun siya ka demonyo?" gulat kong saad. "Yes Hannah darling, pero sadly may anak na siya. I don't know kung saan ang asawa niya." dagdag ni Penelope. Napa ooh naman ako sa sinabi niya, May asawa na pala bakit nilalandi pa ako? ayokong maging mistress ha.
napatango naman ako sa sinabi niya. "Why?" biglang tanong ni Penelope.
"Nothing, something just happened in the office and I heard his name among my employees. Just asking,"
"Oh really?" hindi kumbinsidong sagot niya. "Napakamalisyosa mo talaga, Sige na ipagpatuloy nyo na kung ano ang naudlot nyong ginagawa." as i ended the call narinig ko ang giggle ni Penelope. Napailing na lamang ako dahil mukhang matutuloy na nga ang kanilang session ng malandi niyang asawa.
Napasandal naman ako sa sa swivel chair sabay masahe sa noo ko. Tinignan ko ang orasan sa gilid ng table ko at doon napansin ko na 30 minutes na lang ang natitira bago mag-6 pm. "Seryoso kaya yun na pupunta dito?" mahinang usal ko sa sarili. Iniling ko naman ang ulo ko para tanggalin ang iniisip ko. Binuksan ko ulit ang laptop ko para tapusin ang trabaho ko, dito na lang ulit ako matutulog sa opisina. Sigurado akong nasa bahay ang magaling kong tatay, ayokong makita ang pagmumukha niya dahil naaalala ko problemang dala niya.
Makalipas ang 20 minutes ay may biglang nag ring ang telepono ko, tinignan ko kung sino ang tumatawag at nanlaki ang mata ko kung sino iyon. Nagdalawang isip akong sagutin ito pero sinagot ko pa rin. "I know it's a little bit early but we are waiting downstairs," bungad niya sa akin.
Napanganga ako sa sinabi niya. "Seryoso ka?"
"Yes, why?" inosente niyang tanong. Hindi ako makapaniwala na totoo ang sinabi niya, What is his name again? Grayson Reyes?
habang inaabsorb ko pa kung sino ang nag hihintay sa akin sa baba ay biglang pumasok sa opisina ko si Julia. "Ma'am tawag po galing sa reception. May naghihintay daw po sa inyo sa baba ma'am," nalilitong saad niya.
"Sino daw?"
"Grayson Reyes daw po ma'am." sagot niya.
Napailing naman ako dahil mukhang si Grayson nga ang naghihintay sa akin sa baba. "Ma'am, nagpapatanong daw po if pwede daw po silang umakyat dito?" muling tanong ni Julia sa akin. Napakunot naman ako ng noo sa sinabi niya.
"Aakyat dito?" naguguluhan kong tanong. Tumango naman siya sa tanong ko. "At tsaka ma'am, may bills po na dumating galing finance department. Pinapacheck po kung tama po ba ang mga numerong nakalagay dito," muling sabi ni Julia.
Nilagay niya naman ang mga envelope sa lamesa ko, hindi ko ito pinansin at huminga nang malalim. "Ma'am paakyatin ko po ba dito?" napakakulit naman nitong Julia na to.
"Paakyatin mo dito," wala sa sarili kong pahayag. I've been spacing out dahil hindi ko alam kung ano ang uunahin ko, Binuksan ko ang isang envelope at nagulat ako dahil nakalagay doon ang 190 million dollars na halaga. "Putragis, saan nanggaling ang bill na to?!" malakas kong sigaw.
Habang binabasa ko ang content ng bill na yun ay biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko, bumungad doon ang isang matipuno ang katawan, matangkad, malalapad ang balikat, barrel-chested, at kahit nakasuot siya ng suit ay mahahalata mo pa rin ang well defined body features niya. I looked at his face and I look stunned because of his beauty, his hazelnut eyes were dazzling at parang hinuhubaran ka kapag tinitignan ka nito, everything in his face is perfect, from his forehead to his jaw. Dumagdag pa ang kanyang messy hair which makes him a God.
"Tapos ka na bang titigan ako?" he mischievously asked.
Inirapan ko siya dahil sa panunukso niya. "I don't even know you--" natigilan ako dahil sa batang sumulpot sa likuran niya.
Nang makita niya ako ay bigla siyang ngumiti nang pagkalapad lapad. "MOMMY!" she screamed happily. Halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa biglang pagsigaw niya. Bigla siyang tumakbo papunta sa akin at hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko, I looked cluelessly sa lalaking nasa harapan ko.
"Mommy!!" she hugged me so tight. Hindi ko alam kung ihuhug ko din ba siya or hindi dahil unang una, hindi ko sila kakilala. "Cheska? Come here sweety," malambing na tawag niya sa batang babae. Hindi naman siya pinansin bagkus ay mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
"Uhm, Grayson right? Can you please," makahulugang sabi ko kay Grayson. Pero hindi naman niya ako pinansin at napangiti pa dahil sa ginagawa ng batang ito. "Daddy! Mommy is now here! can we go now?" maligalig na sabi nung Cheska.
Tinignan naman ni Grayson ang relo niya. "10 mins left baby until mommy's work is done, Can you wait for awhile outside baby??"
"But I want to be with Mommy," she said sadly. She won't let go of my waist, doon ko lang napansin na hindi pala ako gumagalaw. "Mommy marami kapa bang work?" she pouts when she asked me.
"Uh--"
"Konti nalang baby, mommy's work is done when you let her waist go," he said smilingly to his daughter. Kailan pa ba ako naging nanay ng batang to? Sino ba kayo? Binitiwan naman nung Cheska ang bewang ko tsaka tinignan ako. "Finished your work mommy, I will wait for you." she said cutely.
"Baby can you wait outside for a moment? I want to talk to your mommy about something," Grayson asked. Tumango naman ang batang babae at tinignan ako ulit, she smiled sweetly and you can see in her eyes that she is longing for someone. Lumabas naman ng opisina ang batang babae at naiwan kaming dalawa sa loob.
"Who the hell are you?" seryoso kong tanong sa kanya. Naguguluhan pa ako dahil sobrnag bilis ng mga pangyayari, I didn't even utter a word. "Let me introduced my self, I am Grayson Reyes and that little girl is my daughter, Cheska Reyes,"
"So? Can you be more specific? anong kailangan mo sa akin?"
He grinned. He take something sa suit niya at nilapag ito sa lamesa ko. Agad ko itong kinuha at binasa. Doon napalaki naman ang mata ko, 1 Billion dollars?! Nakita ko ang pangalan ng magaling ko ama na nakapirma sa baba. Saan naman to ginastos niya? Anak naman ng pusa.
"As you can see, nakalagay diyan sa contract kung magkano ang inutang ng daddy mo sa akin. At co-maker ka pa nga niya, He said that you will pay for his debts dahil may kompanya ka and I know you dahil isa ang kompanya mo sa mga rival companies ko," panimulang pahayag niya. Mukhang tama nga ang unang hula ko na isa to sa mga pinagkakautangan ni Daddy. At based sa description ni Penelope, this Grayson Reyes can destroy an empire.
Umiling ako tsaka binalik sa kanya ang papel na iyon. "Hindi ko ito alam, wala akong pinirmahan na pumapayag ako na maging co-maker niya. Kung may utang man siya sayo, siya yung singilin mo wag ako." seryoso kong pahayag.
"Hindi naman kasi pera ang habol ko sayo," makahulungang sabi niya. He smirked at lumapit sa lamesa ko, inatras ko naman ang upuan ko para makalayo sa kanya. "Ano ba talaga ang kailangan mo?"
"You,"
Nanlaki ang mata ko dahil sa naging sagot niya. "Me?! Are you crazy?!"
"No, I am dead serious." seryosong pahayag niya. Napaawang naman ang bibig ko dahil mukhang seryoso siya. "You daddy sold you to me, Nakasaad din diyan na hindi ako tatanggap ng pera bilang kabayaran at alam mo ba kung ano ang kapalit sa perang inutang ng Daddy mo?" he said mockingly.
"What?" kinakabahan kong tanong.
Makahulugan siyang ngumisi. "You,"
Halos matumba ako sa kinauupuan ko dahil sa rebelasyon niya. Paanong ako ang naging kabayaran sa utang ni Daddy?
Kinuha ko ulit ang papel at binasa ulit ang terms and agreements doon. nanlumo naman ako dahil nakalagay nga doon na hindi tatanggap ng pera si Mr. Grayson reyes bilang kabayaran instead ang anak na si Ms. Hannah Vanidestine ang magiging kapalit sa perang inutang.
"And kung mababayaran mo nga ako, sapat pa nga ba ang pera mo para itayo muli ang kompanyang ito?"
napaisip ako sa naging pahayag niya. Tama nga siya, if icocombine ko ang sariling pera ko at ang pera ng company ay hindi ko na alam kung paano ko maitatayo muli ang empire na to dahil unang una, sapat lang iyon na bayaran ang lahat ng utang ni Daddy. Hindi ko namamalayan na Billion na ang lumalabas sa kompanya ko. Napakitkit ako sa kuko ko dahil sobrang laki ng problema ko.
"I can help you with that,"
Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakaupo na sa harapan ko. Base sa mukha niya ay pinaghandaan niya na ang kanyang sasabihin, Kinakabahan naman ako dahil ako ang naiipit sa gulong ginawa ni Daddy.
"Just act," seryoso sabi niya. Napakunot naman ako ng noo dahil hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Act?"
"Yes, Just act, like pretending," dagdag niya.
"Ano ba talaga ang ibig mong sabihin?"
"To make the story short, I want you to act as my wife and a mother to my child." seryosong sabi niya. Napaawang naman ang bibig ko dahil sa gulat. "You want me to be your wife? and a Mother?! lumabas kana you are just wasting my time," I angrily shouted at him.
"Okay then, mapag uusapan pa naman natin but for now, my daughter is expecting you to join us for dinner."
"No, Hindi ako sasama. I don't know you people and marami akong ginagawa," pagtanggi ko sa offer niya. This man is crazy, he wants me to become a mother to his child. Hindi nga ako pumapasok sa relationship tapos magiging nanay pa ako, hibang na ba siya?
"Daddy?" napatingin kaming dalawa sa batang babae na kakapasok lang sa opisina. "Are we going na? nagugutom na kasi ako, Mommy," maktol nung bata.
Nalukot naman ang mukha ko dahil hindi ko mapigilan na manggigil sa pisngi niyang napakalusog. "A moment baby, your mom is just fixing herself." halos batukan ko na ang lalaking makangisi sa harapan ko parang sobrang saya sa ginagawa niya.
"Mommy, are you finish na? I am hungry," patuloy na pagmamaktol niya. Tinignan ko naman ng masakit si Grayson pero hindi niya ako pinansin at tinignan niya lang ako ng nanunuya. "Can you please tell your child na wag akong tawaging mommy? My employees might get a wrong idea," I whispered to him. Hindi kailangang marinig ng bata kung ano ang sinasabi ko.
"Later." maikling sagot niya.
"What are you whispering?" nagulat namana ko sa biglang pagsalita nung Cheska kaya napatingin ako dito. She is very closed to me at doon nakita ko kung gaano kaganda ang pilik-mata niya, her eyes are very big bagay na bagay sa kanya ang amber color eyes nya, Her skin is fair at cute na cute siya sa kanya ang messy pigtail niyang buhok, I can see kung sino ang gumawa noon kaya napatingin ako kay Grayson.
"Just dinner right?" tanong ko dito. Tumango naman siya bilang pagsagot sa akin. Napabuntong hininga naman ako dahil mukhang wala akong kawala ngayon, kahit na walanaman dapat akong kinalaman sa problema ng ama ko. "Okay, but baby," Tumayo ako sa upuan ko at lumuhod para kausapin ang bata, kung hindi kayang sabihin ng tatay nito na hindi ako ang nanay niya pwes ako ang magsasabi. Kahit nakakakonsensya na sabihin sa kanya, she is just a child.
"Can you stop calling me mommy?" pakiusap ko sa kanya.
"Why?" inosente niyang tanong. Mas lalo akong nakonsensya dahil sobrang pure niya, hindi ko ata maatim na saktan ang batang ito.
"Because I am not your mommy,"
"I know," nagulat naman ako sa naging sagot niya. "You know? But why are you still calling me mommy?"
"Because I want to, I want to have a mommy like my schoolmates." she said sadly. And I can see in her eyes that she is longing for a mother's love. Nasaan kaya ang nanay nito?
"Even though you are not my mom can I still call you mommy right?" inosenteng tanong niya. How can I reject this little angel? Tinignan ko ng masakit ang tatay nitong bata at nakita kong seryoso siyang nakatingin sa anak niya, and I can also see a glimpse of sadness and anger in his eyes. Anong nangyari sa kanilang mag-ama? Nasaan ang nanay nitong batang to?
"Right??" napabalik naman ang atensyon ko sa batang babae. I can see her pleading eyes, nagmamakaawa siya na kung pwede niya akong tawagin na Mommy. Sa lahat ng ayokong makita ay yung batang humihingi ng atensyon at pagmamahal mula sa nanay, napaka iresponsableng nanay naman iyon.
"Sure, you can still call me mommy if you want to." pagsang-ayon ko sa request niya. Nakita ko naman na nasiyahan ang bata sa sagot ko kaya she hug me very tight and I hug her back. I don't know you but gumaan ang loob ko dahil masaya kana.
"Lets go daddy!" Masayang tawag niya sa tatay niya. Tumayo ako at walang emosyong tumingin kay Grayson, nakita ko kung gaano siya nagulat sa naging sagot ko. Naunang lumabas ang bata at naiwan ulit kaming dalawa sa loob.
He looked amused and surprise. "If you are thinking that I am accepting your offer, nagkakamali ka. Hindi ko lang maatim na may batang naghahanap ng kalinga ng isang ina." pag iiwas ko sa kanya.
"But you are not a mother yourself," nagdududang saad niya. I raise my eyebrows on him and cross my arms. "I am not a mother but I am still a woman,"makahulugang pahayag ko.
"Yung nanay lang ata ni Cheska ang hindi babae." dagdag ko. Natigilan siya sa sinabi ko at umiwas ng tingin.
"Mauna na kayo at magpeprepare pa ako ng sarili ko, hindi ko iprepresent sa public ang mukha ko na ganito ka haggard."
He composed his self at ngumiting tinignan ako. "Okay, we will wait sa sasakyan."
Agad siyang lumabas pero bumalik din agad. "Oh, by the way, I don't know kung nagsusuot ka ng dress but Cheska brought you as a gift. Sana masuot mo," nakangiti niyang saad tsaka umalis na nang tuluyan.
A dress? napansin ko ang isang paperbag na nakapatong sa lamesa, kailan pa niya nalagay ito dito? Binuksan ko ito at doon nakita ko ang White offshoulder dress, ito ang isusuot ko?
Isusuot ko na sana ang dress nang mapansin ko ang isang papel na nakausli sa paperbag, kinuha ko ito at binasa. Drawing ito mula kay Cheska, she draw a woman on the left side, a child in the middle and man on the right. Naghahawak kamay and may word sa taas na 'My Family'.
Hindi ko maiwasang hindi maiyak sa drawing nung batang babae, Probably iniwan sila nang nanay niya and this child is longing for a complete family. Mukhang hindi sa problema ko ako mapapayag ni Grayson sa offer niya, mukhang sa anak niya pa.