(Hannah) Pakiramdam ko ay sobrang init ng mukha at katawan ko dahil sa sinabi ni Grayson, hindi ako makaimik hanggang sa pagdating namin sa park. Bumaba na ako sa sasakyan at kinuha si Cheska sa likuran, binuksan naman ni Grayson ang likurang bahagi ng sasakyan at may kinuha na isang basket doon. "Ano yan?" usisa ko. "Hindi naman pwede na magpipicnic tayo ng walang dala, so inutusan ko si Manang Jillian to prepare some," Nagdududa ko siyang tinignan. "At ano naman ang pinaprepare mo sa kanya? Baka puro junkfoods yan?" Napakamot naman siya sa kanyang ulo at agad na tinignan ang laman ng basket. "Tsaka mo na yan tignan, kailangan muna nating maghanap ng lugar na pwede nating pwestuhan," I said gently. Ngumiti naman siya at akmang hahawakan ang kamay ko, mabilis ko namang iniwas yun a

