(Hannah) Habang nakaupo ako sa sofa ng kwartong kinuha ni Grayson ay dinadalangin ko nalang na sana ay may himalang dumating at sagipin ako mula sa taong ito, sobrang dilim pa rin ng kanyang mukha at para inapakan ng sampung kabayo ang mukha niya na sobrang lukot. "So you didn't like me huh?" panimula ni Grayson. Nakatayo siya ngayon malapit sa akin at lumayo naman ako sa kanya, kumakabog ang dibdib ko dahil sobrang sama ng aura niya ngayon. "What?" "You said earlier that you don't like me?" nanlaki naman ang mata ko dahil sa narinig niya ang sinabi ko kanina, kailan pa naging ugali ng lalaking to ang makinig sa usapan ng ibang tao? "You heard our conversation?" "It is not important if I heard it or not, Answer my question. Do you like me or not?" seryosong tanong niya. Napatayo

