(Hannah) Halos mapaawang ang bibig ko sa mga dokumentong nilagay ni Grayson sa lamesa ko, after a year na akala ko divorcee na ako ay malalaman kong peke lang pala ang lahat ng yun?! "Isarado mo naman ang bibig mo Hannah, nakakahiya kay Grayson hu." natatawang sambit ni Claire na nakipag-ugnayan na pala kay Grayson para mapabalik na ako dito sa Amsterdam. "Tumahimik ka," Napakuyom ako dahil sa inis at hiya, gusto kong magpalamon sa lupa at gusto ko nang takbuhan ulit ang mga taong ito. Nalaman ko na kahapon na palabas lang ni Grayson ang pakikipagbalikan kay Thalia pero ito ang hindi ko inaaasahan, I am still married to this jerk! Inis kong binalingan si Grayson na ngayon ay sobrang relax sa sofa ko. Dinala niya rin ang kambal at si Cheska na mas lalong ikinainis ko. "You can't cur

