(Hannah) Halos hindi na ako nakakatulog dahil sa nasusuka ako tuwing madaling araw, hindi ko naman magising si Grayson kaya hinay hinay lang ako kung maglakad papunta sa banyo. Sa sobrang hilo ko ay napahawak ako sa sink ng banyo, kailangan ko na talagang magpacheck up dahil baka buntis nga ako. I stayed for a few minutes sa banyo at nang pakiramdam ko ay maayos na ako ay lumabas na agad ako sa banyo, nagulat naman ako dahil bumungad sa akin si Grayson sa labas ng pintuan. "What happened?" nag-aalalang tanong niya. Pasimple kong tinignan ang repleksyon ko sa salamin and I was relieve na hindi ako masyadong maputla. "Umihi lang ako," pagsisinungaling ko. "This is your fourth time peeing, akala mo ba ay hindi ko nararamdaman na bumabangon ka?" ngumiti nalang ako sa kanya at hinigit

