(Hannah) "We want you to think it carefully." Yun ang huling mga salita na binitiwan ni Mrs. Jullianna bago nag end ang meeting noong nakaraang linggo at ilang araw na din akong tulala. Kailangan ko nang mag desisyon para sa ikakabuti ng kompanya ko at ng mga empleyado ko, ayaw ko silang magdusa ulit ng dahil sa tatay ko. And speaking of my father, kaharap ko ngayon ang puno't dulo ng problemang ito. "I am so worried about you anak, if you want I can handle the company para naman makapagpahinga ka." nakangiti niyang sambit. "May kapal ka pa talaga ng mukha na magpakita sa akin, pagkatapos ng lahat?" tinawag ko naman agad ang sekretarya ko at makalipas ang ilang segundo ay pumasok naman siya. "Ma'am?" takot niyang bungad sa akin. "Sino nagpapasok sa kanya dito?!" galit kong usal

