(Hannah) "You want to know Hannah?" mapang-asar na tanong ni Grayson. Inirapan ko naman siya at umupo na lamang sa sofa malayo sa kanya, narinig ko siyang napatawa dahil sa pang-aasar niya sa akin. Hindi ko na inalam kung ano yung special meat na sinasabi niya pero ayoko nang malaman kung ano iyon. Ngumiti naman siya ng nakaasar sa akin. "Ba't ka lumalayo?" "Wag ka munang lumapit sa akin nakakaasar ka." asar kong sambit. Humiga ako sa malaking sofa malayo sa kanya dahil hindi ko maatim na laman ng tao ang kanyang pinapakain sa mga piranha, alam kong masama siyang tao pero hindi ko aakalain na ganito pala siya ka brutal. Habang pinagmamasdan ko ang mga kisame ng kwartong iyon ay napapaisip ako sa susunod kong gagawin kay daddy kung magising na siya, should I also cut his treasure? ka

