(Hannah) "What the fck is going on here?" galit na usal ni Grayson. Umayos naman ng tayo ang lalaking yun at parang asong baliw napatingin kay Grayson. "Nothing po sir, pinapaalis nalang po namin ang natitirang tao dito sa mall," nakangiti niyang sagot dito. Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Ano pa ang ginagawa nyo dito?! Lumabas na kayo, palabasin nyo na nga to!" galit niyang dagdag. Napailing naman ako dahil sa naging attitude niya, seryoso akong napatingin kay Grayson na ngayon ay masamang nakatingin sa lalaking ito. "We are very sorry sir, We promise na pagdating ng asawa nyo ay malaya na po kayong makakapagshopping dito sa mall namin," Napatawa naman ako ng wala sa oras na siyang rason kung bakit napatingin silang lahat sa akin. Sinamaan naman niya ako ng tingin. "Kung may

