(Hannah) Nang makarating kami sa isang pribadong beach house ay agad kong inasikaso ang pagkain naming tatlo, nag prepare lang ako simpleng pagkain like barbeque, isda, at fried chicken. Nahanda rin ako ng vegetable salad. "DADDY! STOP!" I heard Cheska screamed. Masaya kong tinignan ang mag-ama na nagkakatuwaan sa dagat, hindi naman sila daw maliligo pero basang basa na silang dalawa dahil sa binabasa ni Cheska si Grayson. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa naging kulitan nilang mag ama. "Mommy! Daddy is making me basa!" iyak ni Cheska. Narinig ko si Grayson na mas lumakas ang tawa dahil sa ginagawang pambubully sa anak, asar talo naman ang bata na kanina pa nauunang makipagbardagulan sa ama niya. Nagawi naman ang mata ko kay Cheska na ngayon ay umiiyak habang hawak ang laruang

