(Hannah) Nagising ako dahil sa mga yakap ni Cheska sa akin, napangiti ako at niyakap ko rin siya pabalik. Habang nakapikit ay nakaamoy ako ng isang di pamilyar na amoy kaya nagising agad ko, halos lumuwa naman ang mata ko dahil merong mga niyog na nakahilera sa harapan ng kama namin. Dahan dahan akong tumayo at inayos muna ang higa ni Cheska. Nakabukas na ang iba sa mga buko at may maliit pang payong na naka design sa baso na tubig ata na mula sa niyog. Nadisappoint naman ako dahil hindi ito ang gusto ko, I mean, gusto kong kumain ng buko pero hindi sa ganitong paraan. Bigla namang bumukas ang pintuan at bumungad doon si Grayson. "You're awake," nakangiti niyang bati. Lumapit naman siya at akmang hahalikan ako sa pisngi pero iniwas ko ang mukha ko, I pouted at nagmartsa pabalik sa kam

