Chapter 3: Day 1 ❤

1077 Words
Nagising si Riegn sa sikat ng araw na tumatama sa kanyang mata mula sa naka-awang na kurtina. Wala na sa tabi niya ang asawa. She decided na maligo muna bago hanapin si Lanz kaya nagtungo siya sa kwartong gagamitin niya sana upang kumuha ng bihisan nang mapansin niya ang cellphone niyang nakapatong lang sa bedside table. When she checked, kagabi pa pala tumatawag si Christian. Naka 88 missed calls na ito. Nang tumawag ito ulit, sinagot na niya. “Babe, where are you? Kagabi pa kita tinatawagan. Wala rin sa apartment ang mga gamit mo.” Bungad ng lalaki. “Wag mo na akong hanapin, ingatan mo na lang si Trix” walang emosyong sagot niya. “Babe, I’m sorry. Let me explain” “What for?” pigil ang galit na saad niya. “Mag-explain ka man, it’s too late”. “It's not too late babe. Nag-usap na kami Trix. Sinabi ko sa kanyang mahal na mahal kita. Kung ano man ang namagitan sa amin, wala lang yon. Hindi pa naman huli ang lahat babe”. “I’m already married”. “What?” di makapaniwala nitong tanong. “I know I was wrong. Nagkamali ako nang inuna ko si Trix, but isn’t it too much para magsinungaling ka sa akin ng ganyan para lang itaboy ako?” bakas ang pagsisisi sa boses nito. “It’s true Chris. I married the first man I laid my eyes on after waking up from a long nightmare. I know sasabihin mong isang kahibangan ang naging desisyon ko, but I also know biglaan man ito, kahit ako nabigla ako sa ginawa ko, alam ko magiging masaya na ako. Goodbye!” pagkasabi niyon, pinutol na niya ang linya. Hindi na niya hinintay kung ano pa man ang sasabihin nito. Yes, she was hopeful. She can feel it, she will be happy with the stranger she married yesterday. Saka tumayo na siya at dumeretso na sa banyo upang maligo at mag-ayos ng sarili. Nang pababa sa hagdan ng mansyon ni Lanz, kitang-kita niya itong busy sa kusina. Tahimik siyang tumungo doon at umupo sa malapit dito ng hindi nito namamalayan. Naaliw siyang pagmasdan ang bawat kilos nito. Nang makahain na ito, lalapit na sana siya ngunit natigilan siya ng tinanggal nito ang sout na apron saka nagtanggal ng pangitaas at naglakad patungo sa kanya upang kunin ang tshirt na nakasabit sa inupuan niya kanikanina lang. “Do you want me for breakfast instead?” nakangising tanong nito. “I’m starving” sabi na lang niya saka inilayo ang tingin dito bago pa nito makita ang pamumula niya at nagpatiuna na sa mesa. Tumatawang sinundan siya ang asawa saka niyakap buhat sa likuran. Dinala niya ito sa hapag saka inalalayang maka-upo. Nilagyan niya ng pagkain ang pinggan nito bago siya umupo at naglagay ng sariling pagkain. She was touched sa nakitang nakahain sa harap niya. Hotdog, sunny-side-up egg na heart-shaped, fried rice and coffee. Yes, the foods served is so easy to prepare, she was touched by the effort exerted. Ilang beses ng nakapagsleep over sa apartment niya Christian, sa tuwing wala si Trix sa bahay nila, Meron din naman silang stocks ng kahit ano sa ref na pwedeng ihanda, pero ni minsan, hindi ito nagprepare ng breakfast, lunch o dinner para sa kanya. “Ganito ka ba talaga sa lahat ng babaeng inuuwi mo dito?” biglang tanong niya. “Nope!” sagot nito saka tumingin sa mata niya at nagpatuloy “sa asawa ko lang and for your information Mrs. Attienza, wala pa akong inuwing ni isang babae dito maliban sayo” pag-iimporma nito. “Weeh?” di makapaniwalang sabi niya. “Wala nga, promise!” sabi nito sabay krus sa leeg at nagtaas ng kamay wari’y sumusumpa. “Dati may mga babae ako, di ko idideny yon, pero sa condo ko dinadala. I want our home to be special” dagdag nito nang mapansing di siya naniniwala. “So, you’re saying, kahit kasal na tayo at mambababae ka, doon mo dadalhin?” “Pwede” nakangising sagot nito. “Joke lang, promise from now on, ikaw na lang ang magiging babae sa buhay ko” seryosong sabi nito. “Eh sabi mo eh. Ikaw lang ba mag-isa dito? Wala ka bang ibang kasama?” “Wala. Wala rin naman ako lagi dito. Pumupunta lang dito yung katulong namin sa mansyon once a week para mag linis at maglaba.” “Eh ang parents mo, sila naka tira?” “Doon lang sa tapat.” Tinuro nito ang katapat na mansyon. “Wala sila dito ngayon. Si Jigs yung sumunod sa akin may business trip sa Cebu. Si Kaira naman kasama nila mom and dad sa Singapore. Bukas pa ang dating ng mga yun. Tapos pag Friday night kasi umuuwi ang mga katulong, babalik sila pag Sunday na.” “Di kaya sila magulat na pag-uwi nila, nandito ako?” worried na tanong niya. “Magugulat sila syempre, di ka nila kilala. They were expecting na si Kaitlyn ang pakakasalan ko. Anak siya ng kaibigan ni Dad. But don’t worry di ka nila kakainin.” “Uwi muna kaya ako sa’min, makapagsabi man lang ako sa parents ko na kasal na ako”. “No, you’ll be staying here. Sasamahan kitang umuwi sa inyo mamaya para makilala ko rin sila.” “Wala ka bang pasok ngayon?” “Nope. Nakapagfile ako ng one month vacation leave to enjoy our honeymoon. Ikaw?” “May work ako ngayon but I’m calling in sick. So, prepared ka masyado for your wedding huh?” “I have to. Pangit naman na nagpakasal ako tapos iiwan ko rin yong babae di ba. Kaitlyn and I both know na our marriage would be good to our business but she’s inlove with someone” paliwanag niya. “So balik tayo doon sa calling in sick” saad nitong may pilyong ngiti na naglalaro sa mga labi. “Di ba okay ka pa naman kahapon? Nakapagpropose ka pa nga ng kasal” tumatawa nitong dagdag. “Ewan ko ba, paggising ko ang sakit na ng katawan ko” nakangiting sagot niya. “Siya sige, bilisan na nating kumain upang matanggal natin yang sakit ng katawan mo” saad nitong sabay kindat pa. Pagkatapos nilang kumain at magkatulong na nagligpit ng pinagkainan, sabay na silang nagtungo sa kanya -kanyang kwarto upang maligo at maghanda sa pagpunta nila sa mansyon ng mga Buenavista.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD