11th Blood: Chances “ANONG sabi ng donut sa door knob?” naghihingalong banat na naman ni Kurt. Hindi na nga mabilang ni Cattleya kung pang-ilang corny jokes na iyan ng kambal. “Ano?” isa pa itong si Jesse, mapagpatol din. “Donut open,” sabay humagalpak si Kurt ng tawa na halos hampasin na nito ang mesa sa kanilang harapan kung hindi nga lang siguro roon nakalagay ang mga pagkain at ang iniinom nila. “Nakakatawa, ‘di ba?” Nagtawanan ang tatlo. Napairap naman si Cattleya. “Hindi kaya kayo mamatay sa kakornihan n’yan?” Bumaling sila sa kanya habang nagpupunas ng mga luha nila sa sobrang kakatawa. “Alam mo ang KJ mo,” komento ni Jesse. “Itagay mo na nga ‘yan. Hindi ka marunong mag-appreciate ng nakakatawang joke sa hindi. N

