Tension surrounds all of us. Maging ang Daddy nila na pababa sa hagdan ay napansin kaagad ang mabigat na tensiyon sa pagitan ng dalawang anak. "Renz, I'm so glad you came to visit us." Nilampasan niya si Oliver na hanggang ngayon ay nasa puno pa rin ng hagdan. Lumapit siya sa anak at ipinatong ang kamay niya sa balikat nito. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang ginawa nitong pagpisil sa balikat ng anak. "Tamang-tama ang pagbaba ninyo. Lunch is served. Halina kayo. Lyke and I cooked for our lunch today," yaya rin ni Tita. Kaagad na lumapit si Oliver sa akin. Napatingin si Renz sa braso ng kapatid na umakbay sa mga balikat ko at kaagad na nagdikit ang mga kilay nito. "C'mon, son. I'm sure na-miss mo na rin ang luto ng Mommy ninyo." Bago pa makapagsalita si Lawrence ay nahila na ito ng

