Ilang mga panakaw na tingin na kaya ang nagawa ko sa katabi ko? For sure, lahat ng nakatatabi nito ay ginagawa rin ang ginagawa ko ngayon. Kanina ngang kumakain kami ay napanuod ko rin ang pinong pagkain nito. Pati pagsubo, pagnguya, paglunok, at pag-inom nito ng tubig ay nakakahanga. He was very refined. Napakaguwapo nito sa akin mang anggulo. Sa kapapanuod ko sa kanya nang palihim, ako tuloy ang hindi nakakain nang maayos. Artista ba ito? Modelo? Hindi ko alam. Hindi ko siya kilala at lalong hindi ko siya matandaan. Ang sigurado lang ako ay Asian ito. Sana ay alisin niya ang sun glasses niya para masulyapan ko ang mga mata niya. Malalaman ko kung Thai, Japanese o Pinoy siya. Pero mostly naman ng mga artistang Pilipino ay kilala ko. Baka naman bago lang itong artista. Parang narinig ni

