"Mama, I'd like you to meet my future wife." Napangiti ako habang nakatingin sa puntod na nasa loob ng museolo na ipinagawa ni Renz para sa ina. "Kumusta na po kayo, Mama? Ako po si Lyke," pagkausap ko rin dito. "Kukunin ko na rin po ang pagkakataong ito para humingi ng pang-unawa at pagpapatawad ninyo sa nagawa ko noong pang-iiwan kay Renz." Ramdam ko ang pagtutok ng mga mata ni Renz sa akin ngunit nanatili ang mga mata ko sa puntod ng kanyang ina. "Alam ko po na naiintindihan n'yo po ako kung bakit ko nagawa iyon noon. I just love him so much na hindi ko po kayang makita ang pagdurusa niya kapag namatay ako. Hindi ko po inaasahan na mas lalong pagdurusa po pala ang maibibigay ko sa kanya noon kaya sana po ay mapatawad ninyo ako." Ngumiti ako sa puntod nang isang mabining hangin a

