MAAGANG gumising si Hershelle ng umagang iyon. Alas-siyete pa lang ay bumangon na siya sa kanyang higaan. Nagmamadaling pumasok siya ng banyo. Nag-toothbrush siya saka naghilamos. Pagkatapos ay lumabas siya ng kuwarto at dumiretso sa dining room. Tamang-tama naman na naabutan niyang nag-aalmusal si Edmark. “Good morning!” magiliw niyang bati saka hinila ang upuan sa mismong tapat ni Edmark. Hindi umimik si Edmark kaya hindi na rin niya ito pinansin. Tahimik siyang naglagay ng kanyang pagkain sa plato. Nang magsimula na siyang kumain ay napansin niyang nakayuko na lang si Edmark sa harap ng plato nito. Ni hindi ito tumitingin sa kanya. Ang mga mata nito ay nakatutok lang sa pagkain nito. “What’s wrong Edmark? Hindi ba maganda ang umaga mo?” pabirong tanong niya rito. Nag-angat ng ti

