KANINA PA nakatitig si Hershelle sa umaalon na dagat. May kalahating oras na yata siyang nakaupo sa buhanginan at nakaharap sa beach. Isang oras na rin mula nang dumating sila ni Edmark sa Puerto Princesa kung saan itinayo ang bagong branch ng Glorious Hotel. Ang disenyo nito ay isang beachfront hotel dahil nasa tabi lang ng dagat. Kung tutuusin ay para na rin itong resort dahil bukod sa beach ay mayroon din itong malalaking swimming pool. Nasabi rin kanina ni Edmark na ito ang kauna-unahang beachfront hotel ng Glorious Hotel, Incorporated. Nang dumating sila kanina ay may nakita siyang ilang guests na naroon. May mga naka-check na raw sa hotel pagkatapos ng soft opening ng hotel noong isang linggo. May mga dumagsa rin na guest kaninang tanghali dahil sinamantala ang malaking discount na

