NANG MAGISING si Hershelle ay alas-singko na ng hapon. Kung hindi pa siya ginising ni Nanay Anita ay hindi pa siya magigising. Ginising daw siya nito dahil nagtataka kung bakit doon siya sa kuwarto ni Edmark natulog. Hiyang-hiya naman si Hershelle sa tanong ng matanda kaya sinabi na lang niya na pinatulog siya ni Edmark doon. “Ay, mainam kung gano’n. Baka dapat lagi ka nang matulog dito para hindi nakasimangot si Edmark kapag pumapasok sa trabaho niya,” nakatawang wika ni Nanay Anita. “Pumasok po sa trabaho si Edmark?” Ang akala niya ay hindi na ito pumasok dahil pinigilan niya. Iyon pala’y pumasok pa rin ito. “Oo, iha. Pero late na siyang umalis. Mag-aalas-diyes na ng umaga noong lumabas siya ng bahay. Hindi ba siya nagpaalam sa iyo?” Umiling si Hershelle. “Hindi ko na po namalayan

