HINDI MAKATULOG ng gabing iyon si Hershelle kaya naisipan niyang lumabas muna ng kuwarto at magpahangin sa labas. Walang ilaw sa hallway, ganoon din sa hagdan. Hindi niya sigurado kung nasaan ang switch. Ayaw naman niya itong kapain sa pader. Kaya sinamay muna niya ang mga mata sa dlim bago siya humakbang. Nakahawak siya sa railing habang naglalakad ng dahan-dahan. Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan nang may mahawakan siyang daliri. Bigla siyang nag-angat ng tingin at pilit na inaaninag ang nasa harapan niya. May nasasamyo siyang pamilyar na pabango. Nanlaki ang mga mata niya nang maisip ang isang tao na nagmamay-ari ng pabangong iyon. “E-Edmark?” naninigurong sambit niya. Sa sobrang dilim ang tangi niyang naaninag ay ang tuktok ng ulo nito. “Hershelle? What on earth are you doing

