GUSTONG magmura ni Hershelle habang nakatitig sa kotseng bigla na lang tumirik habang nasa biyahe siya. Kagagaling niya sa UP at nag-inquire siya tungkol sa enrollment. Nagpaplano kasi siyang pumasok sa susunod na semestre upang ipagtuloy ang kanyang pag-aaral. Positibo naman ang naging tugon sa kanya. Hihintayin na lang niya ang enrollment period para makapagpasa siya ng mga requirements. Pagkagaling niya sa school ay didiretso siya dapat sa restaurant. Pero ang problema bigla na lang ayaw umandar ng kotse ni Daddy niya. Mabuti na lang at naitabi pa niya ito sa gilid ng kalsada. Kung hindi’y baka sa gitna mismo ng kalsada ito tumirik. Malayo-layo pa siya sa kanyang pupuntahan dahil sa BGC ang destinasyon niya at nasa Makati pa lang siya. Pero sa kasamaang palad ay bigla na lang ayaw uma

