Laslo's Pov "Kanina ka pa tahimik don't you like it here?" naitikom ko ng wala sa oras ang bibig ko at nailapag ang huling slice ng steak na natira sa plato ko dahil sa tanong nya. Nakakahiya naman kasi yung tanong nya? Ang pangit naman na ubos ko ang pagkain tas sasabihin nya na hindi ko nagustuhan dahil lang sa nanahimik ako "G-gusto ko yung pagkai" yumuko na lang ako at pasimpleng isinubo ang huling piraso ng steak bago uminom ng tubig ng hindi man lang sya tinitingnan. "Hinay-hinay lang sa pagtitig nakaka-conscious kaya" awkward na tumawa ako habang pinunpuna sya at muli ko'ng naitikom ang aking bibig ng hindi man lang ako nakatanggap ng kahit na anong reaksyon mula sa kanya. "What's bothering you?" umil

