Nakahanda na ang lahat dito sa labas ng building at tanging sina Miss Lavender, Sir Louis, at Diego nalang ang hinahanap namin. Panay naman ang ngiti sa akin ni Ann ngayon dahil bago kami umalis kanina ay pinuntahan muna siya ni Ryan sa condo. “Alam mo, masaya talaga ako para sa ‘yo, subukan niya lang talagang saktan ka ulit...” Agad niya naman akin hinawakan sa braso. “Belle, insan, hindi na mangyayari ‘yon. Kilala ko naman kasi si Ryan at kung hindi dahil sa drugs ay hindi niya naman magagawa ‘yon, hindi ba?” I nodded at her. “Okay, fine. I was also thinking about that, pero alam mo naman, I won’t trade anything to hurt you.” “Aww...” Ngumiti naman ako sa kaniya at napatingin na kami sa entrance ng building dahil papalabas na silang tatlo. Nang mapatitig naman ako kay Diego ay bigla

