We were having a hard time habang ginagawa 'tong illustrated design ng mga women's wear na ipinasa sa amin.
"Ano, kaya pa diyan sa inyo?" tanong ni Tyron sa amin habang tumatawa.
Kanina niya pa kasi kaming pinagmamasdan ni Ann, ang of course having this as our first day at wala naman kaming idea talaga about fashion illustration ay medyo mahirap.
Kinalabit ko naman si Ann. "Tingnan mo nga 'tong gawa ko, okay na ba ang layer ng texture niya?"
"Mas ayos nga 'yung kanina mong ginawa Bell, ano ba 'yan nakaka frustrate naman pala 'to," ani niya naman kaya napatingin ako sa kaniya.
Wala talagang preno 'tong bibig ni Ann kaya hanga rin ako sa kaniya dahil nakapa transparent niyang tao.
"Girls, I think we'll have an overtime tonight. Okay lang ba sa inyo?" tanong naman sa amin ni Sir Natividad.
"Yes Sir, okay lang po. Wala na rin naman akong uuwian sa bahay eh," ani naman ni Tyron kaya nagtawanan na ang lahat.
Napangiti naman ako dahil mukhang magiging masaya ngang kasama ang mga katrabaho ko. They are all busy laughing around habang nagtatrabaho kaya ginanahan na rin kaming dalawa ni Ann para tapusin ang mga trabaho namin ngayon.
"I'll be the one to buy our dinner dahil malapit ko na rin namang matapos ang ginagawa ko," ani ni Chad sabay tayo.
Napatawa naman si Charlyn. "Libre mo?"
Sinamaan naman siya ng tingin ni Chad. "Aba syempre hindi. Mabuti naman sana kung first lady ako ni Sir Diego ay hindi naman, pero kahit na si Sir Louis ay bet na rin. Bakit ba kasi ayaw akong utusan ni Sir Zacky na ako nalang ang magbibigay ng mga designs kay Sir Louis sa taas," pahayag niya naman kaya napa-iling nalang ako.
"Pero 'di ba si Sir Diego na ang magiging bagong CEO ng kompanya dahil namatay na ang Chairman last month?" wika naman ni Tyron kaya hindi ako makapagfocus sa trabaho ko since nakikinig din ako sa pag-uusap nila.
I don't know what am I interested in this Diego Miguel na anak na may ari ng pinagtatrabahuhan ko. I know it's possible na siya nga 'yon pero hindi pa naman ako ganoon ka sure dahil hindi ko pa naman siya nakikita at hindi pa kami nakakapag-usap na dalawa.
"Dali na, ibigay niyo nalang ang mga pera niyo sa akin at bibili ako ng pagkain sa labas. Panigurado na sarado na ang cafeteria kaya wala na tayong pag-asa do'n," wika niya pa.
Naglabas na kami ni Ann nang tig dalawang-daang piso para ibigay kay Chad. "Kailan tayo mag-gogrocery, bukas nalang?" tanong ko kay Ann.
She nodded at me. "Hindi pala biro magtrabaho Bell, pero okay lang at alam kong mag-eenjoy naman tayo kapag nagtagal na. I want to enter the fashion industry," ani niya naman kaya napangiti ako.
Lumabas na si Chad para bumili ng order namin. Nag browse naman ako ng mga recent designs nila kaya nagkaroon ako ng idea sa ginagawa ko. After making the digital women's wear, I tried to create my own collection bags na pwedeng ipares sa women's wear.
"Hey, do we already have the satchel for this summer's release?" tanong naman ni Logan na nasa likuran ko lang pala kaya napatigil ako sa ginagawa ko.
Napakunot naman ang noo ni Sir Natividad at agad na napa-iling. "Nope, we still hasn't finished the summer wear kaya wala pa akong natatanggap na design for the satchels. Why'd you ask?"
Lumapit naman sa akin si Logan. "Issabella's been editing the satchel," pahayag niya naman kaya bigla akong napa-iling.
"I'm sorry po pero this isn't on the company. Natapos ko na kasi ang trabaho ko kaya I tried making satchel out of those women's wear na inedit ko kanina," nahihiyang pahayag ko naman sa kanila.
"Oh kaya pala, akala ko naman kasi..."
Napadungaw na rin si Ann sa gawa ko pati si Charlyn kaya agad ko nalang itong dinelete. Maya-maya pa ay pumasok na si Chad sa office na basang-basa ng pawis.
"Grabe nakakapagod umakyat dito sa office natin. Bakit ba kasi nasa pinakamataas pa tayo inilagay?" reklamo niya naman sabay latag ng ilang paperbag na foods sa long table.
"You volunteered tapos ngayon nagrereklamo ka eh halos isang taon ka nang nagtatrabaho rito?" pahayag naman ni Ate Edna kaya napatawa nalang kami.
Tumayo na kami sa mga desks namin at tumungo sa long table. Nasa gitna naman si Sir Natividad naka-upo.
"Cha, what are the progress of your work?" tanong nia kay Charlyn sabay kagat ng k-beef burger from Mcdonalds.
Napatigil naman si Charlyn sa pagkain. "Uhmm, I already separated the fabrics Sir Zack, kailangan ko nalang po ayusin para maipasa na po sa creative directors sa taas," ani niya naman.
"Okay, that's good. I guess we'll wrap up earlier today, and this is also a welcoming of our two new graphic designers!" wika niya pa kaya napangiti kami ni Ann after they acknowledged us.
Past 9pm na ng makalabas kami ng kompaniya. Napatigil naman kami ni Ann sa labas ng makita naming umuulan.
"What an tiring day pagkatapos ay idagdag mo pa ang panahon ngayon, pero nah it's okay masarap naman matulog kapag ganito ang panahon," ani niya naman kaya napangiti ako kahit wala naman akong dalang payong.
"Kaya nga, pero hindi tayo makakatulog ng mahaba ngayon dahil kailangang maaga pa tayo sa trabaho natin bukas."
Mukhang kailangan na nga talaga naming baguhin ang routine namin ni Ann. Kapag magkasama kasi kami ay palagi na akong tanghali nagigising.
"Wait! Si Ryan ba 'yang nakamotor na papunta rito?" pagtatakang tanong niya naman kaya nagulat ako.
Papaano naman 'yon mapupunta rito eh sa Tagaytay 'yon nakatira. Minsan hindi ko rin maintindihan'tong si Ann. Sa sobrang in love sa kaniyang boyfriend ay kung ano-ano na ang nakikita.
"That's impossible, paano naman..."
"Ryan?"
Naputol naman ang pagsasalita ko nang mapagtanto ngang si Ryan nga ang nandito sa harapan naming ngayon na basang-basa sa ulan.
"What the hell."
Hindi ko na napigilan ang pagmura dahil hindi ko alam ang ginagawa niyang ngayon rito. Agad naman siyang nilapitan ni Ann.
"Anong nangyayari sa'yo ha? Why are you here, akala ko ba nakapa-usap na tayo about this?" pagtatakang tanong naman ni Ann kay Ryan.
Nagtaka naman ako kung bakit masam ang tingin nito kay Ann kaya doon na ako kinabahan. He waa just fine noong nag-inuman kami sa bar and the person I am seeing right now is different from the Ryan I knew before.
"Come with me!" Marahas niyang hinawakan ang kamay ni Ann kaya nataranta na ako.
Sinubukan ko namang buklasin ang kamay niya, pero masyado naman siyang malakas para sa aming dalawa.
"Hey stop doing that to Ann, Ryan. Ano bang problema mo?" galit kong tanong sa kaniya.
Umiiyak na rin ngayon si Ann kaya mas lalo akong nagalit kay Ryan.
"Babe, stop doing this. Were you still using it?"
Nagulat naman ako sa sinabi ni Ann kaya napatigil ako bahagya. Napagtanto ko nalang na naka-angkas na sa likuran ni Ryan si Ann na umiiyak.
"Don't worry Bell, I'll fix this. Hayaan mo nalang ako at uuwi ako mamaya sa condo. Don't worry about me, hindi ako sasaktan ni Ryan as long as sinusunod ko siya," pahayag niya naman sa akin at humarurot na ng takbo ang motor papalayo.
Tatakbo na sana ako sa pinakamalapit na guard dito sa building pero nagulat naman ako nang biglang may timigil na sasakyan sa harapan ko.
"Get in!"
Hindi na ako nagdalawang isip at pumasok sa likurang bahagi ng sasakyan nito. Natataranta na ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko ngayon kapag may nangyaring masama sa pinsan ko.
"Please for that motorcycle Manong at babayaran nalang kita mamaya. My cousin is in danger kaya I am really desperate right now!"
Panay lang ang tingin ko sa unahan without even thinking to get some glimpse sa lalaking nagmamaneho ngayon. Ang kailangan ko lang talaga ay maabutan ang pinsan ko. Sobrang lakas pa ngayon ng ulan kaya hindi namin masyadong makita ang daan.
"Manong pwede pakibilisan po, baka ano kasi ang mangyari sa pinsan ko kapag hinayaan ko siya sa kamay ng boyfriend niya," mahina kong pahayag.
Nanghihina na rin kasi ako. Napansin ko namang biglang lumiko ang motor ni Ryan sa local road papalayo sa highway kaya biglang binilisan ni Manong ang pagmamaneho niya. Doon nalang ako nagkaroon ng pagkakataon na tingnan siya, pero hindi ko naman ganoon maaninag ang mukha niya dahil sa dilim.
Maya-maya pa ay tumigil na ang motor sabay baba nila Ann at Ryan sa motor kaya dali-dali na akong napatingin kay Manong.
"Dito nalang po, wait lang po!" sigaw ko at bumaba na sa sasakyan. "Huwag na huwag po kayong lalabas at kaya ko na 'to, Manong."
Kampante naman ako ngayon dahil alam kong lasing si Ryan kaya hindi siya makakagalaw ng maayos. Kinakabahan din ako dahil baka matumba sila ni Ann. Lumapit naman ako sa kanila habang hinahawakan ni Ryan ng mariin ang braso ni Ann.
"Stop that, Ryan!" sigaw ko habang humahagulhol na ng iyak.
Ibang-iba na kasi si Ryan ngayon. Mukhang hindi na siya ang ang kilala namin ni Ann. I started pushing him away from Ann, pero kahit na lasing na siya ay hindi pa rin kao tumitigil.
"Please Bell, kaya ko na 'to. Kailangan ako ni Ryan ngayon and I can't afford to lose him,"pagmamakaawa sa akin ni Ann.
"Babe!" biglang sigaw ni Ryan at nanlaki naman ang mga mata ko ng bigla niyang sampalin ng malakas si Ann dahilan para matumba ito.
Hindi naman ako nakapagtimpi at bigla siyang nilapitan and punched him right in the face. Wala na akong pakialam kung mawalan man siya ng malay sa ginawa ko pero I can't afford to watch him hurting my cousin.
Agad na akong lumapit kay Ann. "Tara na Ann dali, huwag ka ng pasaway at sumunod ka nalang sa akin," ani ko naman at kinaladkad na siya pabalik sa sasakyan.
Nagpupumiglas naman sa akin si Ann para balikan si Ryan pero hinigpitan ko naman ang hawak ko sa kanya hanggang sa makarating kami sa loob ng sasakyan.
"Paki-lock Manong dali!"
Baka kasi lumabas pa ulit siya. He then started the engine pabalik sa highway. Tahimik lang na humahagulhol sa tabi ko si Ann kaya panay ang haplos ko sa likuran niya dahil nahihirapan na ngayon siyang huminga ng maayos.
"It's okay Ann, you'll get over it. Sabi ko na eh, hindi talaga okay 'yang si Ryan para sayo," wika ko naman habang nakahawak ang isang kamay ko sa noo ko.
Binantayan ko naman hanggang sa malapit na kami sa condo namin ni Ann kaya dumukot na ako ng pera sa bag ko para ibigay sa kaniya.
"Dito nalang po Manong." Inayos ko na ang bag ko at hinawakan si Ann sa braso sabay abot ng pera. "Maraming Salamat po."
Nagulat naman ako ng hinawakan niya ang kamay ko ng marahan pero hindi ko nalang pinansin at ngumiti nalang sa kaniya kahit na hindi ko maaninag ng maayos ang mukha niya.
"Tara na Ann," mahinang anas ko sabay labas na naming dalawa ni Ann sa sasakyan.
Inalalayan ko naman siya habang dahan-dahan kaming naglalakad papasok sa condo.
"I can't leave him there..."
Napatingin naman ako kay Ann na nagsasalita na natatakot. I know how much she loves Ryan, pero hindi ko na palalamapasin ang ginawa ng lalaking 'yon.
Nang makapasok na kami sa condo ay tulala siyang napa-upo sa couch. Hinayaan ko nalang muna siya at agad na kumuha ng towel dahil basang-basa siya dahil ng ulan kanina.
"Maligo at magbihis ka na muna dahil kukuha lang ako ng gamot sa drawer," ani ko sa kaniya pero bigla niya naman akong hinawakan sa kamay.
"I need to go back to Ryan Bell, baka ano na ang nangyari sa kaniya sa mga oras na 'to and I can't afford to lose him. Alam mo kung gaano ko siya kamahal hindi ba? I'll do anything to..."
"Sssh!" putol ko naman sa pagsasalita niya sabay upo sa kaniyang tabi. "You know me Ann. Hinding-hindi kita pipigilan kapag alam kong it's still good for you, pero kanina when he slapped you? Nako, hinding-hindi ko 'yon palalampasin," iritang pahayag ko naman.
Ayoko lang sa lahat na sinasaktan ang mga mahal ko sa buhay. Kinuha ko na ang bag niya at itinago sa kwarto ko. Baka kasi kunin niya ang cellphone niya at tawagan na naman ang walang kwentang lalaki na 'yon.
"Magpapahinga na ako Bell!" sambit niya naman galing sa labas kaya dali-dali akong napapunta sa kaniya.
"Ito inumin mo na muna," ani ko sabay bigay sa kaniya ng gamot.
Ngumiti naman siya sa akin ng pilit at biglang napakunot ang noo. "By the way, about kanina
Tumayo na rin siya sabay lagay ng towel sa kaniyang ulo at dahan-dahan na pumasok sa kaniyang kwarto. Nang tuluyan na siyang makapasok ay napabuntong-hininga nalang ako at napag-isipan ko nalang na pumasok sa kwarto ko para maligo at magbihis dahil nabasa rin ako kanina sa ulan.
It was a long day for us ngayong araw and ang ibinigay sa akin ni Mama for my new phone ay hindi ko pa nabibili dahil na rin sa naging schedule namin ngayong araw. After kong maligo ay napag-isipan ko munang patuyuin ang buhok ko kaya lumabas nalang ako ng veranda para makapagrelax.
Damn. Hindi pa pala ako nakakacontact kay Mama.
Tumayo ulit ako at tumungo sa kwarto ko. Kinuha ko naman ang cellphone ni Ann dahil palagi niya naman itong pinapahiram sa akin. Nang binuksan ko na ito ay laking gulat ko nang makita ang pangalan ko sa screen.
"What the—"
Napatigil naman ako at inopen ang message na galing sa phone ni Ann. Nang mabasa ko naman ang message ay nanlaki ang mga mata ko. It says that ang nakakuha raw ng phone ko ay masa baba ng condo ngayon naghihintay. Alam ko namang tunay dahil number ko mismo ang nakaregister dito kaya kinutoban na ako.
Dali-dali na akong nagsuot ng jacket dahil naka nighties lang ako ngayon. Kampante naman ako dahil may mga security guard naman sa baba kaya alam kong safe. Nang makababa na ako ay agad akong tumungo sa labas. Panay naman ang tingin ko sa paligid dahil wala naman akong nakikitang tao.
"On your back."
Bigla namang nagsitayuan ang mga balahibo ko nang marinig ang isang pamilyar na boses. It couldn't be him. Hindi pwede.
Dahan-dahan naman akong humarap habang nakayuko and a man in suit blocked my eyes from seeing the building. Hindi ako makatingin sa kaniya ng deritso to confirm if siya nga ba talaga 'yon.
"Here's your phone na naiwan that night on Station 15."
Nanlamig naman ang buong katawan ko nang marinig ang mga salitang 'yon galing sa kaniya. Feeling ko ay malapit na malapit na ako sa katotohanan—hindi nandito na pala talaga ang realidad ngayon.
"Hey," ani niya sabay hawak sa magkabila kong pisngi sabay harap sa mukha niya.
Agad ko naman itong binuklas at kinuha ang cellphone ko without even looking at him directly. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita ang mukha niya.
"Thanks! Let's just forget about anything that has happened during that night. Don't bother thinking about that one night stand dahil wala namang ibig sabihin ang mga 'yon," pahayag ko pa sa kaniya at akma na sanang babalik sa loob ng building pero he immediately pulled my body onto his chest.
"I kept my number there so if you want to talk to me, just beep me up. You're one of the luckiest since I don't give my private number to anyone so..."
Kahit salita siya ng salita ay hindi pa rin ako makatingin ng maayos sa kaniya. He's damn tall and has a perfect figure but still hasn't seen his face kaya unti-unti akong umatras para makita ang mukha niya.
"Diego Miguel?" hindi makapaniwalang kong pahayag mang ma-confirm ko na totoo nga ang hinala ko.
That damn hot guy I slept with is my boss. It's really him, Diego Miguel Morales.
He grinned. "You're really different, Miss Rendon. And now that you are under my company, I am never letting you go. You'll be under my possession now."
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. How can he own me? Baliw pa siya, kung akala niya pareho ako ng ibang mga babae diyan, pwes nagkakamali siya.
"Excuse me Mr. Morales, yes I am under the design team lead by Mr. Natividad, pero you can never own me. I still can leave your company anytime I want!" ma-awtoridad kong sabi sa kaniya.
"What about the fact that you'll be getting pregnant with my genes?" tanong niya kaya napataas ang kilay ko.
Aba! Ang taas naman ng pangarap ng lalaking 'to na magiging ina ako para sa mga anak niya.
"Don't worry, it won't happen since I know you used a condom. And one thing is for sure, I will never be the mother of your children," I uttered firmly.
He can't do this to me. Kung akala niya isa akong pa-inosente at mahiyain na babae, pwes he's wrong. I will never put myself under any man at iyon ang natutunan ko kay Mama.
Nagulat naman ako nang bigla siyang napangiti sa akin. "I'll be your worst nightmare, Ms. Rendon. I'm telling you right now, you're mine since the day I owned your body."
He abruptly sneered and went away with his car. Naiwan naman akong nakatulala dito ngayon na hindi ko alam ang gagawin ko. Sobrang bilis kasi ng mga pangyayari. Kung hindi lang talaga dahil sa cellphone na 'to ay sana hindi niya ako nakilala.
Dali-dali naman akong bumalik sa condo sa taas para tawagan si Mama. Masyadong late na rin kasi kaya baka nag-aalala na 'yon sa akin. Ginamit ko nalang din ang cellphone ko para sabihin sa kaniya na naibalik na sa akin ang cellphone ko.
After ending our call, napa-isip naman ako sa mga posibleng mangyari ngayong alam na ni Diego na ako ang naka nakasama niya doon sa bar. Agad ko namang hinanap ang number niya para itext na huwag na huwag siyang magpapakita sa akin sa loob ng kompanya.
He may be the CEO or their family owns the company I am working right now, pero I kmow that I still have he rights. Hindi ko rin 'to pwedeng ipaalam kay Ann o kahit na sino man dahil baka magkanda leche-leche pa ang buhay ko. Baka kasi madawit pa ako sa problema ng mga mayayaman na 'yan kapag nalaman nilang may koneksyon kaming dalawa ng Diego na 'yan.
When I am about to sleep, bigla namang nag-vibrate ang cellphone ko kaya agad ko itong tiningnan. Who would've thought na magrereply pa siya sa akin ng ganitong oras.
"I am thrilled to meet you and from now on you'll be my possession and that is your destiny, Miss Rendon. Your destiny is to marry me and to give birth to my children."
Napahawak nalang ako sa noo ko dahil sa problemang napasok ko ngayon. Sinong mag-aakala na ang isang simpleng bakasyon ko ng ilang araw sa Tagaytay ay magpapabago sa takbo ng buhay ko ngayon?