CHAPTER 5

3474 Words
Seeing a tall building in front of us made me grin. It feels surreal lang na para dati ay tamang lokohan lang kami sa school pero ngayon I should start building my future. “Are you ready?” tanong sa akin ni Ann sabay ngiti. Itinaas ko naman ang dalawang hintuturo ko sa kaniya. “Ready.” Pumasok na kami sa loob at tumungo sa lobby ng kompanya at nagtanong sa receptionist. “Proceed to the conference room, Miss. The HR Department is located in there,” ani ng babae sa amin na may tag na Gonzales sa kaniyang uniform. “Thank you, Miss Gonzales.” Ann sniffled and handed me the envelop. Tumungo na rin agad kami sa conference room na naman kanang bahagi lang ng building. “Just the two of us?” pagtatakang tanong ni Ann sa akin nang makapasok na kami sa loob. Nagkibit-balikat nalang ako sa kaniya. “Maybe siguro tayo lang ang nag-apply for today.” Kanina pa ako nagmamasid sa buong paligid trying to find the face of Louis and Diego, pero wala naman akong makita sa buong kompanya. I’ve been thinking about this since last night na paano naman makakapunta ang isang anak ng mayamang negosyante sa bar na ‘yon. Umupo nalang kaming dalawa ni Ann sa couch at maya-maya pa ay may pumasok nang isang babae. Maybe she’s the human resource agent na mag-interview sa amin ngayon. “Good morning. Miss Rendon and Miss Batumbakal?” ani ng babae kaya tumayo na kaming dalawa ni Ann. Pinipigilan ko naman ang pagtawa ko dahil I know Ann hates her surname the most. Kaya nga na inclusive lang sa mga classmates at friends niya ang nakaka-alam talaga ng apelyido niya since then. “Yes, Ma’am,” sagot naming dalawa. Tumungo na ang babae sa kaniyang desk sabay lapag ng mga folders na hawak-hawak niya kanina. Maybe iyon lang mga resumés naming na ipinasa ko kagabi. “You guys are applying as a graphic artist right?” tanong niya sabay upo. Sabay naman kaming tumango ni Ann. Hinintay naman naming matapos sa pagreview ang HR agent. Marahan naman akong kinalabit niya Ann kaya napatingin ako sa kaniya. “What if you’ll get the job and I fail? What should I do, Bell?” she asked, frowning. Ngumiti naman ako sa kaniya. “We’ll get the job, okay? Don’t think about negative things. Naniniwala akong matatanggap tayo. “Miss Batumbakal, you’ll be the first one I’ll interview.” Nagakatinginan naman kaming dalawa ni Ann. Ngumiti naman ako ng malapad sa kaniya at tumungo na sa couch. Mga ilang metro rin ang layo ng office table ng HR agent sa couch kaya paniguradong hindi ko maririnig ang pag-uusapan nila. Alam kong hindi ganoon si Ann ka confident sa sarili niya kahit na nakapag-graduate naman siya na Laude sa ADMU. Umupo lang ako dito at napatingin sa buong conference room. Ang neo-classical and contemporary designs are mixed around the room. Ten minutes went fast and tumayo na si Ann. Nang humarap naman siya sa akin ay hindi ko alam kung maaawa ba ako o matatawa sa mukha niya. “You’re next Miss Rendon.” Ann tapped my shoulder nang magkasalubong kami kaya ngumiti na ako. Umupo na ako sa upuan humarap sa kaniya. “I am Isabella Maxine Rendon, twenty-two, I graduated from University of Santo Tomas, Bachelor of Arts in Multimedia Arts.” “I am Maricar Ordencio, human resource agent.” Mama told me na in an interview daw I should always start in introducing myself. It’s kinda weird pero I should do it instead nalang. “You have a good record in school and as what I’ve read here, you’re good in using sort of editing applications. Anything to add?” I took a deep breathe and smiled. “As you can see Ma’am, I just graduated a month ago and I habe no experience in work so all I can offer is my dedicated and passionate self in this field.” She suddenly took a glimpse at Ann and then diverted it to me. “As you can see, we are needing a lot in the design team. Brand identity developer, illustrator and a layout artist.” Ngumiti naman ako. “I am also good at managing client proposals from any typesetting through to design, print and until production, Ma’am. Since this is a fashion company then I’ll do my very best to research about fashion trends, new dye and print techniques and any sourcing prints,” pahayag ko pa sa kaniya. The woman in front of me smiled. “That’s a good answer Miss Rendon. I am impressed!” “Thank you, Ma’am!” Bigla naman siyang tumayo. “Miss Batumbakal?” tawag niya kay Ann kaya lumapit na rin si Ann sa amin. “As you can see, our company is one of the most prominent fashion industry that emanates from an aesthetically articulated brands that demans persistent leading edge creativity. I am happy to announce that you guys are now part of the Louis an Diego Corporation.” Napangiti naman kami agad ni Ann nang marinig namin ang sinabi ni Ma’am Ordencio. Who would habe thought that hindi na pala namin kailangan bumalik dito para matanggap sa trabaho. It’s our first take and first interview and we are lucky enough para matanggap agad. “Thank you so much, Ma’am. I’ll make sure I’ll do mg best,” wika naman ni Ann. Ngumiti rin sa amin si Ma’am. “I can see that you guys will have a big impact in our company and having young illustrators here is also at our advantage. I’ll be putting you on the design team as junior graphic designers, and ang magiging unang trabaho niyo is to create integrated print ads quarterly, television commercials, and online advertisements for now dahil bago palang kayo rito.” I can’t seem to identify how happy I am right now. Alam kong matutuwa nito sa Mama sa akin kapag nalaman niyang may trabaho na ako. “Thank you po talaga, Ma’am. So when can we start?” tanong ko pa sa kaniya “You can start the job tomorrow,” pahayag niya sabay balik sa kaniyang office table at nag-open na ng PC. “I’ll be making your schedules here kaya hintayin niyo muna para alam niyo ang mga kailangan niyo pang gawin.” Umupo na kami sa harapan ni Ma’am Ordencio while waiting for our schedule. Panay naman ang ngiti sa akin ni Ann dahil hindi rin siguro siya makapaniwala na nakapasok kami sa first take namin sa interview. “Here.” Ma’am Ordentio handled us the schedule kaya tumayo na kaming dalawa ni Ann. “About your identification card, kunin niyo nalang ito bukas with your names sa lobbyist on the first floor, okay?” pahayag niya pa. “Yes po. Thank you so much ulit,” wika ko. “We’ll be leaving now Ma’am. Salamat po ulit!” ani rin ni Ann. “Have a blissful day ahead. Congratulations!” Nginitian lang namin siya at lumabas na kami ni Ann sa conference room. “Girl, hindi ako makapaniwala na nakapasok tayo dito sa malaking kompanya na ‘to and already a junior fashion illustrator!” masayang pahayag niya naman habang naglalakad kami palabas. I smiled at her. “Kaya nga, hopefully sa future ay gawin na nila tayong art directors ano? I would be very glad,” ani ko pa sa kaniya. Nang makalabas na kami ni Ann ay tumigil na muna ako kami sa malapit na coffee shop dito. Agad na rin naming binuksan ang ibinigay ni Ma’am Ordencio na schedule sa amin. “I’ll order some coffee. What do you want, Bell?” tanong sa akin ni Ann. Umiling naman ako. “Ayoko mag kape, Ann. Brownies nalang dahil matagal na akong nag-ccrave diyan,” pahayag ko naman sa kaniya. “Okay.” Tumungo na siya sa counter para mag-order kaya ako naman ay binuksan na ang folder na may lamang schedule namin. Nakita ko naman na ang CEO pala ng kompaniya ay si Romualdo Morales. Ibis sabihin ay anak niya ang ipinangalan niya sa kompaniya nilang Louis and Diego and I really need to see this Diego. “Here’s your order.” Napatingin naman ako kay Ann nang inilapag niya sa coffee table sng brownies na pinabili ko at ang paborito niyang caramel machiatto. Iniabot ko na rin sa kaniya ang isang folder. “Magkapareho lang tayo ng schedule kaya no need to worry about.” “Excited na ako sa first day natin tomorrow and I hope to get close with our seniors and colleagues para mas fun ang work,” ani pa ni Ann kaya napangiti ako sa kaniya. Marahan naman akong napatingin sa labas ng coffee shop nang masilayan ko ang dalawang matipunong lalaki na kakalabas lang ng isang mamahaling porsche. Their aura is kind of intidimating kahit na nasa malayo kayo that made me think they’re a bunch of wealthy people. “What’s the matter, Bell?” Napa-iling naman agad ako nang bigla akong tanungin ni Ann. “Nothing, may nakita lang ako sa labas. Let’s eat, para maaga rin tayong maka-uwi mamaya.” Pagkatapos naming kumain ay napagpasyahan na naming umuwi. Nagulat naman ako nang bigla kaming tumigil ni Ann sa isang drugstore nang palapit na kami sa bahay namin. “Hey, you don’t have to do that Ann. Besides maaga pa naman ngayon for that test,” pahayag ko naman sa kaniya. I tried to stop her pero mukhang hindi ko na nga ito magagawa. “Hayaan mo na, mas mabuti na ‘tong maaga bumili atsaka ako naman ang bibili hindi ikaw,” ani niya pa at pumasok na sa loob. I waited for how many minutes at maya-maya pa ay bumaba na siya na may bitbit na paperbag. “Let’s go home,” she uttered. Nang maka-uwi kami sa bahay ay agad kong kinamusta si Dos. Si Mama naman at si Ann ay abala na nag-uusap sa terrace. Pumasok na ako sa kwarto ni Dos at nadatnan ko naman siyang nakahiga. “Baby?” tawag ko sabay lapit sa kaniya. Marahan naman siyang bumangon kaya inalalayan ko na siya. “Careful Baby. How’s your feeling? Nagustuhan mo ba ang ginawang cream and corn soup ni Ate kaninang umaga?” tanong ko pa sa kaniya. He smiled brightly at me despite of his sickness right now. “Thank you, Ate. I loved it,” mahinang sambit niya sa akin. “Where have you been Ate? Saan kayo nanggaling ni Ate Ann?” tanong niya pa sa akin kaya napangiti na ako. “We attended a job interview and you know what baby? We passed! My trabaho na ngayon si Ate kaya kung amo man ang gusto mong ipabili sa akin sa katapusan ay maibibigay ko na,” masayang pahayag ko naman kay Dos dahilan para yakapin niya ako ng mahigpit. Ngayon lang kami naging close ni Dos simula nang hindi na dito palagi umuuwi si Kuya Uno. Silang dalawa kasi talaga ang magkasama noong nag-aaral palang ako kaya ngayon ay may panahon na kaming dalawa. “Congrats Ate...” naputol naman ang pagsasalita niya nang bigla siyang nabilaukan. “Oh dahan-dahan lang Dos,” ani ko sanay abot ng isang basong tubig sa kaniya. “Magpahinga ka lang diyan, okay? I need to talk to Mama pa dahil sa work ko kaua diyan ka na muna ha?” pahayag ko pa. “I love you, Ate,” mahinang pahayag niya. Ngumiti naman ako at hinaplos na ang ulo niya. “I love you too!” Nang makalabas ako sa kwarto niya at tumungo sa terrace ay nadatnan ko sila Ann at Mama na nag-uusap. “Here she goes! Bell, halika dito at may sasabihin si Tita sa’yo,” pahayag niya naman at hindi ko alam kung bakit bigla nalang talag akong kinabahan. Napakunot naman ang noo ko. “What is it Ma? Ano bang pinag-usapan niyo dito?” tanong ko pa sabay upo kasama nila. May pa mani pa pala si Mama dito sa mesa kaya kumuha na ako. “Mamaya na raw kayo aalis ni Ann papunta sa condo ng Ate Pamela niyo para makapagsettle na rin? Marami ka bang mga formal skirt and tops para sa trabaho mo?” sunod-sunod na tanong sa akin ni Mama kaya halos ubusin ko na rin ang mani sa plato. Nagkibit-balikat naman ako. “I don’t know, marami pa naman siguro akong mga skirt doon dahil palagi mo naman akong binibilhan dati for our defense, right?” ani ko sabay tingin kay Ann. “Mamaya na talaga tayo aalis, Ann?” Napa-irap naman siya sa akin. “Everything is moving so fast, Bell. Bukas na tayo mag-uumpisa sa trabaho kaya when mo pa balak na pumunta sa condo?” tanong niya naman sa akin. That also made sense. Mas okay nga na tumungo na agad kami sa condo para wala na kaming problema next week. Tumango na ako. “Sabagay, and knowing that it’s a big company sigurado naman akong magiging abala tayo sa illustrations these past few weeks since dinig ko na mag rerelease sila ng summer colletion nila next month,” pahayag ko pa. May nabasa rin kasi ako kagabi na article about their company. It’s better na knowledgeable ka sa papasukan mong trabaho. Nanlaki naman ang mga mata ni Ann. “Really? Mukhang mas updated ka pa keysa sa akin Bell ah? Okay, anyway,” wika niya sabay tayo. “I’ll take a shower na muna ulit para hindi na kami gabihin ni Bella mamaya Tita,” pahayag niya at pumasok na sa loob. Naiwan naman kaming dalawa ni Mama kaya inilapit na niya ang upuan niya sabay himas ng ulo ko. “Parang kailan lang ay kinakarga pa kita rito sa balikat ko at kapag umiiyak ka ay agad kitang tinitimpla ng gatas, pero ngayon ay nag-uumpisa ka ng tumayo ng sarili mong buhay. Huwag ka munang mag-aasawa Bell ha at mukhang hindi pa ako handa,” mangiyak-ngiyak na pahayag ni Mama kaya nagulat ako sa kaniya. Napatawa naman ako. “Ma naman! Wala pa sa isip ko ang about sa pag-aasawa na ‘yan kaya huwag kayong mag-alala. Kayo pa rin nila Kuya Uno at Dos ang nasa puso ko kaya don’t worry wala pa kayong kaagaw for now,” pahayag ko pa sa kaniya. Napabuntong-hininga naman si Mama. “Okay lang naman kung may magugustuhan ka sa mga kasamahan mo sa trabaho pero magsabi ka lang agad sa akin at ipakilala mo dito sa bahay ha?” sambit niya pa. Tumango naman ako at tumayo sabay yakap sa kaniya ng mahigpit. “Don’t worry, Ma. Kayo ang unang makaka-alam kapag may crush na ako, at siguradong dadalhin ko agad siya rito sa bahay para ipakilala sa inyo nang hindi ako matulad sa nangyari sa inyo ni Papa,” malungkot kong sabi. Nag flashback na naman ngayon ang mga panahong nahihirapan si Mama na palakihin kaming tatlo dahil iniwan kami ni Papa. I was an Aquino five years ago, pero nang binayaran ni Papa si Mama na palitan into Mom’s surname ang mga apelyido namin ay doon na gumuho ang mga mundo namin. “Let’s just stop talking about that dead person anak. Ang importante ay napalaki ko kayo ng tama at maayos. Sige na, mag-ayos ka na rin ng mga gamit mo at baka mainip pa ang pinsan mong ‘yon sayo,” pahayag pa ni Mama kaya kumawala na ako sa pagkakayakap niya. “Sige Ma. Kayo na ang bahala kay Dos at kapag day off ko ay uuwi agad ako rito sa bahay para bisitahin kayo.” Pumasok na ako sa kwarto ko at nadatnan ko si Ann na may kausap sa kaniyang cellphone. “Sige Mommy nandito na po si Bella and we still need to prepare para sa pag move out namin mamaya sa condo,” wika pa ni Ann at ibinaba na ang tawag kaya lumapit na ako sa kaniya. “Sabi nila Tita?” I asked while opening my closet. “They congratulated me and sinabi sa akin ni Ate Pam na kapag nasa hotel na tayo ay puntahan na rin ang nagngangalang Elvie Brunal dahil siya ang magdadala sa atin sa condo niya, as if naman na hindi ko alam. Okay sige, tapusin na natin ‘to!” Pagkatapos naming mag-ayos ng mga gamit ay bumaba na kami. Kahit na wala pang masyasong futniture sa loob ng condo ay ang importante ay may matutulugan kami dahil walking distance lang talaga ang kompanya from Ate Pam’s condo. “Mag-iingat kayo, siguraduhin niyong naka lock palagi ang condo kapag umaalis at pumapasok kayo ha?” wika naman sa amin ni Mama nang makalabas na kami ng bahay. Lumapit naman kami ni Ann sabay yakap sa kaniya. Close rin kasi ‘tong si Ann at si Mama dahil noong nag-aaral kami ni Ann ay dalawa kami ang may ulam na galing sa kaniya. “Yes po Tita, we will.” Nauna nang lumabas si Ann dahil magbahantay pa siya ng taxi. Si Mama naman ay kanina pa ‘tong naluluha kaya pati ako ay nahahawa na rin. “Ma, stop crying. Akala mo naman ay mawawala eh. Diyan lang naman kami sa kabilang lugar mag-tatrabaho ni Ann kaya wala kang dapat ipag-alala sa amin, okya?” pahayag ko sabay halik sa noo ni Mama. Pinunasan na niya ang mga luhang kanina pa tumutulo sa kaniyang mga mata. “Alam mo naman na hindi ako sanay na wala kayo rito sa bahay. Kami nalang ni Dos kaya syempre nalulungkot din ako,” ani niya pa. “Don’t worry, if magaan ang schedule ko ay palagi akong uuwi rito,” ani ko pa. Ngumit naman si Mama sa akin. “Oh sige na, lumabas ka na at baka hinihintay ka na ni Ann.” Naglakad na ako palabas ng gate at pumasok sa taxi. Bago pa man tuluyang maka-alis ay kumaway muna kaming dalawa ni Ann. Nagtaka naman ako kung bakit kanina pa siya halungkat ng halungkat ng kaniyang bag. “May naiwan ka ba sa bahay?” tanong ko sa kaniya pero she seemed to be ignoring me. “Wait,” mahina niyang sabi. “Ugh thank goodness, nadala ko ang pregnancy test kit!” pahayag niya pa kaya biglang napapreno si Manong ng sasakyan. “Ay grabe Manong, OA lang?” wika naman ni Ann kaya agad kong tinakpan ang bibig niya. “Sorry Manong, sige na po pasensyan na talaga,” wika ko nalang. Napa-iling nalang ako at napadungaw sa labas. Ngayon ko lang pala na realize na wala pa rin akong cellphone. Pero nasabi ko na naman kay Kuya Uno kung bakit ko nawala, nagsinungaling nga lang ako. “Bell,” mahinang sambit ni Ann kaya napatingin ako sa kaniya. “Hmm?” “I have a problem,” wika pa niya kaya nagulat ako. “What is it?” pagtatakang tanong ko sa kaniya. Napabuntong-hininga naman muna siya bago magsalita ulit. “Ryan is working in Tagaytay and I’m here sa Manila. You think kakayanin kaya namin?” tanong niya naman sa akin. “Jusko, ang lapit-lapit lang naman ng Tagaytay sa Manila, Ann. Iyong ibang magkarelasyon nga na sa ibang bansa pa ay kinaya, sa inyo pa kaya?” wika ko rin naman sa kaniya. Napasimangot naman siya sa akin. “Eh, syempre kasi hindi naman natin maiiwasan ang mga tukso, right? Paano nalang kapag nakahanap ng iba doon si Ryan anong gagawin ko?” “Then break up with him! Kung hindi niya kayang labanan ang temptasyon dahil lang magkalayo kayo, aba syempre gago siya.” Wala naman akong galit kay Ryan, pero syempre subukan niya lang saktan ‘tong pinsan ko ay lagot talaga siya sa akin. “Hays! Hayaan ko nalang, mag-focus nalang tayo sa trabaho natin at excited na ako for tomorrow. Sino kaya ang fashion designer at art director natin? Do you have the list, patingin nga,” ani niya pa. Umiling naman ako sa kaniya. “I don’t have it, tingnan nalang natin mamaya kapag nasa condo na tayo,” wika ko pa sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD