NAPABUSANGOT SI Weiss nang makita ang mukha ng kaniyang Abuelo. Pumasok sa opisina niya ang matanda. Hindi niya kayang alisin sa kaniyang isipan ang masasamang mga salita na sinabi ng Abuelo niya sa kaniyang kasintahan. "Won't you greet your Abuelo a good day, Weiss? Bawal ang nakasimangot kung umaga pa lang. Malas iyan sa negosyo," sabi ng matanda. Maharang huminga nang malalim si Weiss. Tumayo siya at agad niyang tiniklop ang folder na na hawak niya. Isa itong proposal mula sa isang gustong mag-invest sa Andromeda. Gusto nitong maging parte ng kompanya ni Weiss at kaniyang pinag-iisipan kung ano ang gagawin niya rito. "Kung babastusin mo lang din si Aiha at sisirain siya sa akin ay mas mabuti na lang na umalis kayo, Abuelo. Marami akong iniisip ngayon at sana ay huwag niyo muna akon

