AVERY BEATRICE
NAGISING AKO na parang may humahalik sa pisngi ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Napangiti agad ako ng makita ko si apple.
"Good morning, tita mommy!" Masayang bati sa'kin ng pinakamamahal kong pamangkin. She's already 6 years old. Ate amara died when she give birth to her. Kaya hindi na nakita ni apple ang mommy niya sa personal.
"Good morning, baby!" Masiglang bati ko din pabalik sa kanya na ikina-ngiti niya nang malapad.
"Tita mommy, I want to eat pancakes with chocolate syrup!" She excitedly said with twinkling eyes.
"You want tita mommy to make you pancakes, baby?" Tanong ko sa kanya na sunod-sunod niyang ikina-tango. Napa-ngiti ako. Bumangon agad ako at pagkatapos ay dumeretso sa bathroom para mag toothbrush at maghilamos.
Paglabas ko ay naka-upo na si apple sa kama. Nakatalikod siya sa gawi ko habang nag hihintay sa'kin. Dahan-dahan akong lumapit ng walang ingay sa kanya pagkatapos ay kiniliti ko ang tagiliran niya.
"Tita mommy stop that! Stop tickling me!" Sigaw niya habang tumatawa ng malakas.
Ang sarap sa pakiramdam habang pinapakinggan ang tawa niya. She's our little angel, siya ang nag-bibigay ng saya sa mansyon na ito simula nang mawala si mommy at daddy.
Tumigil ako sa pagkiliti sa kanya. Pagkatapos ay niyakap ko siya ng mahigpit. Nakakawala talaga siya ng pagod.
"Let's go downstairs so we can cook your favourite pancake!" Masaya kong sabi sa kanya.
"Tita mommy, can I help you make pancakes, please..." Natawa ako dahil naka nguso pa talaga siya at magkasalikop ang dalawa niyang kamay.
"Sure baby, just promise me that you won't eat the flour, okay?" Biro ko sa kanya. Natawa ako dahil na-ngunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.
"Tita mommy, I never eat flour!" Reklamo niya. Hinalikan ko siya sa pisngi dahil masyado siyang seryoso.
"Just kidding baby. I know that you would never do that, " Sabi ko sabay tawa ng mahina.
Habang nasa kitchen kami ay hinanda ko muna ang mga kakailanganin namin bago kami mag simula.
"First, crack the egg and put it in the bowl. Next, add 1/2 cup of milk and 2 tablespoons of oil, then stir it before adding the flour." I instructed her na agad naman niyang sinunod. Ang saya lang tingnan nang mukha niya dahil nag e-enjoy siya habang ginagawa niya yon.
"Done, tita mommy!" Sabi niya sa masiglang boses.
Inumpisahan na naming lutuin ang pancake hanggang sa matapos. Pagkatapos ay inilagay na namin iyon sa plate at sabay na din kaming umupo sa table.
"Tita Mommy, what if Daddy finds someone who will be like a second mommy to me? Do you think she will treat me kindly?" Apple asked while she was eating.
"Why do you ask? Did you see your daddy with someone?" Umiling naman siya.
"Would you like to have a second mommy?" Tanong ko.
"No, I'm contented with you and daddy." Sagot niya.
"What if one day your daddy introduces someone, what will you do?" Tanong ko.
"If daddy introduces someone, I hope it's tita Abby." Sagot niya.
"You really like tita abby that much, huh?"
"Yes, she's pretty and kind, and I know that she likes daddy." Saad niya na ikinatawa ko.
"What if one day, your daddy introduces tita abby as your second mommy? I won't be your favorite anymore?" pinalungkot ko pa talaga ang mukha ko.
"Even if that day comes, you're still be my favorite tita mommy no matter what," Sagot niya sabay lapit sakin at niyakap ako.
"I love you tita mommy."
"I love you too, baby." Saad ko at hinalikan siya sa pisngi.
"Sige na kumakain kana dahil may pupuntahan pa tayo." Saad ko.
"What did you say, tita mommy?" Tanong niya.
"Nothing, just finish your food." Sabi ko nalang. Haystt,, ang hirap talaga pag nag-alaga ka ng pamangkin na hindi marunong mag tagalog. Nakakadugo ng ilong. Minsan nga nauubusan na ako mag english eh.
Pagkatapos niyang kumain ay nagpaalam na muna siya na pupunta sa kwarto niya para mag toothbrush.
Habang hinihintay ko na makabalik si apple ay nag vibrate ang phone ko kaya naman tiningnan ko kung sino ang nag text. Ang bruha ko palang kaibigan ang nag text sakin.
Bruha_abby: Uy, bruha bakit wala ka sa condo mo ngayon ha?
Natawa ako dahil sa text niya. Hindi ko pala nasabi sa kanya na nakisuyo si kuya para bantayan ang pamangkin ko.
Me: Sorry bruha, di ko pala nasabi sa'yo na pupunta ako dito sa mansyon dahil wala si kuya at ako ang pinabantay sa baby apple namin.
Bruha_abby: Pwede ba akong pumunta diyan? Ang boring kasi dito eh!
Me: Sure basta ba ikaw ang magluluto at maghuhugas dahil maraming tambak na hugasin dito.
I laughed while waiting for Abby's reply.
Bruha_abby: Ginawa mo pa akong katulong, okay sana kung ang kuya mo yun. Pero ikaw? Duh! di nalang ako pupunta.
I laughed loudly after reading her response.
Me: Ang seryoso mo naman beshy, hahaha. Actually pupunta kami ng mall ngayon ni baby apple, igagala ko sya. Kung gusto mong sumama kumilos ka na ngayon dahil hindi ka namin hihintayin pag nag tagal ka pa!
Bruha_abby: Ito na po madam maliligo na!
Me: You're just forced, I guess.
Bruha_abby: Don't English-english me bruha, sabunutan kita diyan eh!
Me: Maligo ka na uy! I can smell you na from here!
Natawa nalang ako sa mga message naming dalawa. Bruha talaga yon walang magawa sa buhay.
Habang naghihintay ako nang reply galing kay abby, narinig ko ang pagbaba ni apple kaya naman lumingon ako.
"Baby, what do you want to do today?" Tanong ko sa kanya. Bigla namang kumislap ang mga mata niya sa tanong ko. Natawa ako sa reaksyon niya. Ang cute cute niya talaga! Sarap niyang kagatin!
"I want to go to the mall, tita mommy!" Masiglang sabi niya at nagtatatalon pa talaga.
"To the mall then. But tita abby will come with us. Is that okay?" Sunod-sunod siyang tumango na nagpangiti sa akin.
Tumayo ako para buhatin siya paakyat sa kwarto.
"Put me down tita mommy, you should not carry me anymore I'm already big." Saad niya. Ibinaba ko naman agad siya at hinawakan nalang ang kamay. Pagkatapos sabay na kaming umakyat sa kwarto..
Susunduin nalang namin si abby para di na siya magdala ng sasakyan.
××××××××××
HABANG papasok kami ng mall I noticed as if someone is watching me. So I turned around.
I was stunned from where I was standing when I noticed that my Boss/Noah was looking in my direction. Then, his eyes shifted to apple, who was holding my hand.
"Mommy, let's go " Napabaling ako kay apple ng magsalita s'ya.
Pag tingin ko ulit sa gawi kung saan nakatayo ang boss ko kanina ay wala na siya. Kaya naman hinila ko nalang papasok ng mall si apple.
"Hoy bruha! Wait lang!" Rinig kong sabi ni abby. What the hell! Pati kaibigan ko nakalimutan ko dahil lang sa nakita ko ang boss ko?
"Abby, watch your word may kasama tayong bata." Sabi ko sa kanya ng makapantay siya samin sa pag lalakad.
"Sorry naman madam, bakit ba kasi iniwan niyo ako?" Tanong niya. Hindi ko nalang pinansin ang kaibigan ko.
"Tita mommy, is it ok if I buy a toy?" She ask while looking at the Barbie doll. "Pleasssss, just one..."
"Gusto mo bang ako na ang bumili niyan para sayo, baby apple?" Sabat naman ni abby.
Nag-tatanong naman ang mga matang tumingin sakin si apple. "Hoy, hindi niya naintindihan." Sabi ko kay abby sabay tawa.
"Translate mo nalang." Sagot niya. Natawa lang ako sa baliw kong kaibigan. Kala mo naman hindi matalino e isa din naman siyang c*m laude.
"Tita mommy, please, just one..." Sabi ulit ni apple.
"Sure baby, anything you like." Sabi ko sabay pisil ng ilong niya. Nag libot-libot pa kami bago namin naisipang mag dinner nalang dahil malapit na din naman mag-gabi.
"Sa Mcdo nalang tayo kumain, para mas mabilis." Saad ni abby habang nag hahanap kami ng makakainan.
"Tanungin mo si apple kung gusto niya sa mcdo." Saad ko.
"Gaga!" Natawa nalang ako sa sagot niya.
Sa mcdo nalang kami kumain. We ordered chicken, fries, spaghetti and sunday. Pagkatapos naming kumain ay napagpasyahan na naming umuwi.
××××××××××
PAGDATING sa bahay ay tulog na si apple. Binuhat ko nalang at dinala sa kwarto niya at pinahiga sa kama bago ko siya linisan.
"Goodnight baby, sweet dreams." Sabi ko saka hinalikan ang noo niya.
"Dito ka nalang matulog, wala ka namang trabaho." Sabi ko kay abby ng makalabas ako sa room ni apple.
"Sure, pero pwede bang sa kwarto ng kuya mo ako matulog?" nakangiting sabi niya. Binatukan ko naman siya sa ulo dahil sa kapilyohan niya.
"Masakit yon bruha!" Saad niya habang hinihimas ang ulo na binatukan ko.
"Just go to my room when you've made up your mind." Sabi ko saka naglakad na papuntang kwarto ko.
Nang maka pasok ako sa kwarto, nilagay ko lang ang bag ko sa may small table. I was about to undress myself para makaligo na ako before going to bed, when my suddenly phone rang. Tiningnan ko muna kung sino ang tumatawag. My heart suddenly started beating faster when I saw who was calling.
Mr. Grumpy is calling
Huminga muna ako ng malalim bago ko sagutin ang tawag dahil kinakabahan ako.
"Hello sir?" Napakunot noo ako ng walang sumagot. Tiningnan ko ang phon ko kung namatay na ba ang tawag.
“Naka on pa naman ah,” Bulong ko.
"Hello sir.." Ulit ko pero wala pa din.
"Good night sir, see you tomorrow.." Sabi ko nalang ng walang sumagot. Pagkatapos ay binaba ko na ang tawag para makaligo na ako.
Paglabas ko ng bathroom, nakita ko si Abby na naka-upo sa kama. "Oh akala ko umuwi ka na?" Biro kong sabi.
"Gaga! Dito ako matutulog sa kama mo katabi ka. Kaya wala kang magagawa pag nag hilik ako ng malakas!" Natawa nalang ako sa sinabi niya . I used to her snores already. Because we used to sleep together in her apartment when we were in college, and sometimes sa condo ko.
"Maligo ka na, just get some clothes that I haven't used yet, marami naman diyan sa closet." Saad ko.
Pagkatapos kong magbihis, ay nag blower din ako ng buhok ko. Saktong katatapos ko lang ng lumabas si abby sa banyo na nakatapis lang ng towel. Napailing ako ng makita kong hindi nabasa ang buhok niya. Ugali niya talagang hindi basain ang buhok pag gabi na.
"Good night burha, I love you." Saad niya ng makahiga na kami sa kama.
"Good night din bruha, I love you too." Saad ko sa kanya at ipinikit na ang mga mata.
##########
NOTE: NO HATE COMMENTS PLEASE……KUNG HINDI BET ANG STORY FEEL FREE TO LEAVE. HEHE….