Nagising si Nadia na iba na ang suot niya. Masakit parin ang paa niya at lalo naman ang katawan niya. Palagay pa nga niya ay la-lagnatin na siya sa sobrang sama ng kanyang pakiramdam. Nagulat lang din s'ya na barung-barong ang bahay na bumungad sakaniya, at ang hinihigaan niya ay papag lang.
“N-Nasaan a-ako?” Utal niyang tanong.
Napasulyap siya sa batang nakamasid sakaniya. “Gising na 'yung babae kuya Paul!” Sigaw nito.
Napakunot ang noo ni Nadia. “Who are you?”
“Hala! English speaking 'to si Badong dapat kumausap dito kuya Paul.” Wika pa ng bata.
“Badong ikaw nga mag sabi na ako ang tumulong sakaniya.” Utos ng lalaki sa nakababata nitong kapatid.
“Ate, that's my brother Paul.” Turo nito sa estrangherong lalaki. “He's the one who helped you.”
Magaling ang bata sa english, tila ba fluent talaga ito. Napakahusay, napabilib s'ya.
“Don't worry kaya kong mag salita ng tagalog.”
“Naknampucha oh! Loko yata 'tong tao na 'to eh.” Bulong nung isang bata na agad naman sinaway ng kapatid nitong matanda.
“Jasper ang bibig mo, mas matanda sa'yo ang kaharap mo 'di mo iyan tropa lang. Pasensya kana sa kapatid kong si Jasper.”
“Ayos lang.” Tipid niyang sagot. “Nakita mo pala ako sa daan?”
Tumango ito bago sumagot. “Ah, oo galing kasi ako mag tinda tapos madaraanan lang 'yung kalsada kung saan ka nakahiga. Itong taas nitong tulay sa unahan lang nito.”
“Wait, what? So, tulay itong bahay ninyo?”
“Safe naman dito Binibini.” Sabat nung Jasper. “Gusto mo i-tour pa kita sa lugar namin eh? Dami kayang pasikot-sikot dito.”
“Jasper wag kang sumabat.” Saway ni Badong.
“Wala ka nga palang tsinelas at napansin namin na puro sugat ang paa mo dahil siguro sa mga batong natatapakan mo. Gabi narin, bukas ay ihahatid ka namin sa sakayan pauwi sainyo. Sa ngayon ay mag palipas kana muna dito at kumain na muna.” Anyaya ni Paul sakaniya.
Ngunit imbis na matuwa ay pumasok sa isip niya na para lang itong si Rod na sa una ay mabait, tapos kapag may mahihita ay maayos ang pakitungo, at kapag wala na ay itatapon nalang din s'ya.
“Ayos lang ako. Hindi ako mayaman wala akong ibabayad sainyo.” Tanggi niya.
Napasulyap ang tatlo sa isa't-isa.
“Mukha ba kaming naniningil miss? Listen to me Binibining mailap.” Si Jasper na naman ang sumagot. “We brothers,” sumulyap ito kay Badong. “Badong tama ba english ko?”
“Jasper pwede kang mag tagalog wag mong pahirapan sarili mo.” Inis na sagot ni Badong.
“Tama na, usapan matanda 'to. Jasper ikaw pala sabat ka. Doon kana mag hain na ng pagkain.” Utos ni Paul bago siya nito binalingan. “Wala kaming hinihiling na kapalit, kusang loob ang pag tulong na ito. Bukas na bukas ay maaari kanang umuwi wala kang kailangan bayaran.”
Hindi siya nakakibo.
“Iyang suot mo, daster iyan ng Mama ko. Wala naman akong ibang ipapasuot sa'yo, at isa pa basang-basa ka. Si Marinella ang pinag alis ko sa saplot mo at pinag palit sa'yo. Hindi mo kailangan mag isip na may ginawa akong masama o sinamantala kita. Gusto ko lang ipaalam.” Paliwanag pa nito.
Tumango na lamang si Nadia. Inaya na siya ni Paul na kumain, at dahil gutom narin naman siya dahil hindi pa siya kumakain talaga ay hindi na siya nag inarte pa.
Napatitig siya sa ulam.
Simpleng ulam lang. Gulay na upo na may sardinas. Napangiti siya dahil nasakto pa na paborito niyang ulam ang nakahain.
“Mukha kang mayaman ate, mayaman ka?” Tanong ni Jasper.
“Jasper ayan kana naman. Ano bang sinabi ko sa'yo?” Saway ni Paul sa kapatid.
“Sinabi mo na bawal mag tanong lalo na ng mga personal na bagay. Sorry ate, curious lang.”
“Hindi ako mayaman.” Sagot niya bago nag simula ng kumain.
Magana siyang kumain, at habang kumakain ay lumuluha siya.
“Ate alam ko naman masarap ang luto ko pero 'di mo naman kailangan umiyak.”
“Jasper.” Si Badong na ang sumaway.
Natawa siya sa pagiging bibo at maloko ni Jasper.
“Ate kain kalang po.” Alok pa ni Badong.
Pinahid niya ang kaniyang luha at ngumiti. Ilang sandali pa ay nagulat siya ng may padabog na nag bukas ng pinto.
“Si Mama,” bulong ni Badong. “Isasandok ko na ba kuya Paul?” Tanong pa nito.
“May kamay naman s'ya Badong pabayaan mo. Talo na naman sa sugal iyan kaya ganiyan umasta.” Umiba ang aura ni Jasper tila ba naging matured ito.
“Ma, gutom kana? Isasandok na kita.”
Si Paul na ang tumayo at nag tanong sa ina nito.
“Bakit ano bang ulam?” Maastang tanong pa nito.
“Oh? Gulay na may sardinas na naman? Wala man lang manok o baboy? Bwiset na buhay 'to!”
May sinipa ito na kung anong bagay kaya naman tumalsik iyon at tinamaan si Badong. Ngunit hindi kumibo si Badong at hindi man lang ininda ang tumama sa binti nito.
“May bisita ho ako.” Wika pa ni Paul.
Sinulyapan siya nito. Muli itong bumaling kay Paul at nag lahad ng palad. “Hindi ako gutom nakakawalang gana ang ulam. Bigyan mo na lamang ako ng pera pang sugal at babalik ako doon para bawiin natalo ko.”
May kinuhang dalawang daan si Paul. Nakamasid lang si Nadia dahil wala naman siyang alam sa problema ng mga ito.
“Binigyan na naman ni kuya Paul. Namimihasa na si Mama e, sobra na pasakit.”
Bumubulong si Jasper.
Umalis ang ina nila at agad na bumalik si Paul sa pagkain.
“Sige na kumain na.” Saad nito na parang wala lang nangyari.
“Pinapamihasa mo si Mama eh.” Galit si Jasper.
“Oras na 'di ko s'ya bigyan mag wa-wala s'ya. Nakakahiya sakaniya.” Sinulyapan siya ni Paul. “Jasper kumain na.”
Sasagot pa sana si Jasper ng sulyapan n'ya ito. “Jasper masarap ang luto mo.” Puri n'ya.
Ngumiti lang ito ng bahagya. Si Badong naman ay napansin niyang dumudugo ang tinamaan. Nagulat siya at agad na tinignan iyon. Nakita niyang bakal pala ang sinipa ng Mama nila na tumama sa binti ni Badong.
At dahil marunong naman siya sa first aid kit ay agad niyang inasikaso ang sugat ni Badong.
“Ipahinga mo na sarili mo ako na ang bahala.”
Inagaw ni Paul ang first aid sakaniya.
Napaawang ang labi niya at agad na dumistansya.