Nagising nalang si Sasha sa tumatamang liwanag na galing sa labas ng bintana. Kahit pa kasi mayron itong kulay asul na kurtina ay sumisilip pa rin ang liwanag mula sa labas. Napalinga-linga ito, pilit inaalala kung nasang kwarto siya at kung bakit pakiramdam niya ay ang lamig lamig ng paligid. Hindi lang pala ang paligid kundi pati ang katawan niya. Hindi siya pamilyar sa kwartong ito, maging sa kumot na nakabalot sa kanyang katawan. Basta ang alam niya lang ay nakainom siya kagabi at sumama siya sa--- Napailing siya. Dito sa lalaking nakahubad at nakayakap sa kanya ng mga oras na ito. Mahimbing ang tulog ng nitong nakadapa sa kama, kaya hindi magawang makita ni Sasha ang mukha nito. Anak ng tokneneng naman! Sino sa mga nilapitan niya kagabi ang sinamahan niya? Hindi niya lubos maisip a

